Apo Island 2014: Convertrip Day 3

430 AM ng umaga ay umalis na kami sa Santa Catalina (municipality na malapit sa Bayawan) para ituloy ang aming trip. Dumating kami sa Malatapay Port ng 6:00 AM.

Wednesday ang kanilang Market Market day at medyo busy-busyhan ang Malatapay sa kanilang mga kalakal. Ansabe, galing daw sa iba't ibang nako ng Negros ang mga naglalako dito. Minsan, uso pa din pati ang barter.

Dahil wala pa kaming almusal, bumili muna kami ng suman. Yung suman na hugis apa ng ice cream, tinawag ni Makoy na Cornetto.
Pagdating namin sa dulo, merong umasikaso sa amin. Si Ate na nabebenta ng pagkain at meron ding contact sa boatmen. Tinext niya yung kakilala niya at sinabing 7AM daw aalis. Sa kaniya na din kami bumili ng napakasarap na sinugba at kanin. Pinahiram niya kami ng plato, kubyertos at lagayan ng pagkain. So bait of her. "Meron bang marunong magbisaya sa inyo?" Kung meron daw marunong magBisaya, mas makakatipid kami. P25 kasi ang bayad kapag taga-doon ka. Bago kami umalis ng Malatapay, merong form na pinasagutan sa amin ang coast guard. For safety purpose, malamang.

Pasado 7AM na kami nakasakay. Mga 45 minutes din ang aming boat ride. Hindi pa kami nakakarating ng Apo ay sobrang stunned na kami sa linaw ng tubig.

Ininform kami nila Kuya na rotational daw ang assignment nila sa mga tour. Pagkatpos bayad bayad din ng Environmental Fee sa office.


Pagkalapag namin ng gamit, dumiretso na kami sa dagat. Nakalimutan na naming mag-sun block sa sobrang excitement. Paano ba naman kasi, naglakad lang si PastoRon sa may shore, may nakita na agad siyang Pawikan.





Dahil nilinis ko ng madaming toothpaste yung mask (goggles) ko bago lumarga, parang high definition lahat ng nakikita ko. Ang saya!


Umalis kami sa Apo Island ng quarter to 3. Hindi na kami pinagbigyan ng araw na magswimming ulit pagkatapos kumain. Kung babalik ako doon (at talagang babalik ako dahil iisang reef lang naman yung tinignan namin), ay magoovernight ako doon. pramis!


Pinagbiyan lang si Arjohn nung bagong, humarap din yung pagong.


Nakaalis kami ng Malatapay ng 5:00 at nakarating sa Dumaguete ng 5:30. Pagbaba ng bus ay bumili kami ng Lechon Manok, sumakay ng Trike papuntang Port. Nagpadaan pa kami muna sa tinadahan ng Sans Rival. Yun lang, hindi na namin inabot yung 6:30pm na ride dahil yung pangalawang trike na sinakyan namin ay indi alam ang daan papuntang port.

Kumain muna kami sa katabing carinderiya. Maya-maya lang, nakabalik na yung fast craft. Dali-dali kaming kumain. Special trip kumbaga.


Nakarating kami ng Liloan Port ng 730PM. Pagdating doon, mayroong Cebu bound bus na sasakyan namin paputang Oslob.

Highlight ng Trip: Yung nagsayang ako ng 100 pesos para sa Life Jacket... :))) Nakalimuntan kong hindi nga pala ko lumulubog dahil may built in air sack ako. Char! Ang makita ang napakalaking Pawikan at Coral Garden ng Apo Island

Bayad bayad din (Updated October 2014):
Sta Catalina to Malatapay Port - P70 (Non Aircon)
Malatapay Port to Apo Island - P3000 for 8, +250 for excess person
Environemental Fee: 100Php, 25P pag tagadoon
Cottage Rental: P200
Fins: 100
Snorkel + Mask : 100
Aqua shoes: 100
Life Vest: 100
Pay CR - 10 (Ligo)

Saturday, October 25, 2014

Are You "The Juan"? : Willing to Wait

Minsan, kung kailan nasa harapan ka na ng counter para umorder ng pagkain, saka ka naman mauubusan. "15 minutes, Maam? Willing to wait po ba?" Dahil wala ka namang choice, aagree ka na lang na maghintay. Impernes, worth the wait naman ang paghihintay ng bagong -lutong pagkain.

Pagdating sa lovelife, marami naman sa atin ang willing to wait. Pero kung gutom ka na at di mo maiiwasang mainggit sa mga taong naeenjoy sa kanilang food  o kahit f na f mo na talaga ang gutom mo, hindi mo maiiwasang i-follow up si God, "Yung order ko po?" Bawat lumalabas sa counter na kahawig ng inorder mo, ay tinatanong mo, "Sa akin na ba iyan?" o di kaya'y, "Siya na ba?", Are you "The Juan"?

Dalawa nga lang daw ang kinakatakutan ng mga Christian Singles. Una, iyon ay maging single habang buhay. Pangalawa, yun ay ang makapangasawa ng taong hindi aprubado ni Lord.  Dahil dito, may ibang naghihintay ng Perfect One. Ngunit dahil mayroong mastakot na hindi magkalovelife for the rest of their lives, mga naghihintay ng Wrong One.

Kahapon habang nagtatanghalian ang kaming mga youth sa church, isang matandang dalaga ang sumabay sa amin. Makulit siya. Halos lahat ng Pastor ay tinatawag niyang "Papa". Boyfriend daw niya sila. Ang sarap usisain ng lovelife niya o malaman kung nagka-boyfriend ba siya kaya tinanong ko siya, "Choice niyo po ba iyan?". Seryoso siyang sumagot ng "Oo. Wala kasi akong nakitang spiritual na lalaki na makakapag-lead sa akin". Nakangiti siyang sumagot na tila walang pinagsisisihan. Better single than sorry ang peg ni Ate.

Sa totoo lang, hindi lang siya ang kilala kong tumatanda ng dalaga. Elibs ako sa kanila sa pagka-consecrated ng buhay nila. Wala namang masama sa pagso-solo flight. Masaya sila at secured. Pero karamihan sa kanila'y may mga pagsisisi dahil sa  napakataas nilang standards na hindi mo mawari kung realistic o attainable pa ba.

"Maghihintay ako hanggang sa maging okay na. Pero as of now, si Lord lang talaga muna". A Thousand Years lang ang peg, teh? Madalas ko itong marinig (at mabasa) mula sa mga people na naunang na-hook ang emotion kesa sa siyasatin ang spiritual health, o kung ano pang mga dapat ikahanda nila at ng prospect nila.  Pero ang unang problem ay, maging sila'y hindi rin naman makapaghintay. Sa pagka-inip ay hindi maiiwasang mag-invest  sa lovebank ng mga iniirog nila. Pa-friends friends. Pa-close close friends. Pa-bestfriends bestfriends. Invest sa gifts, sa load, sweet nothings na communication, service o help, mental energy sa kakaisip, emotional thoughts, at memories. Dahil diyan, ang major problem ay tuluyan nang hindi makapagfocus kay Lord. Akala ko ba, si Lord muna?

Karamihan sa mga naghihintay ay nauubusan ng pasensya at sumusuko na lang, "Lord, kung hindi naman po siya yung will niyo para sa kin,  tanggalin niyo na lang po itong feelings". Uso 'to noh? Sa totoo lang, effective itong prayer if and only if makiki-cooperate ka. Pero kung nakayakap pa din ang mga puso at mga actions mo sa kaniya, sa tingin ko, macoconfuse mo ang move ni Lord sa mga da moves mo.

Hindi talaga trip ng mga tao ang naghihintay. Kainip eh. Patience is a waste of time daw. Lalo na ngayon na halos lahat ay pinapabilis ng technolohiya. Kaya tayo gusto din nating instant ang lahat. Nakakalimutan natin na ang unang property ng Love ay patience. Patience na nagtuturo sa ating magtiwala kay Lord dahil everything will be alright when the time is right. Patience na nagsasabi sa ating huwag muna nating bakuran yung mga inirog natin kahit na sasabog na ang ating mga damdamin. Patience na tutulong sa atin para maging emotionally pure.

Dadating ang araw na o-"order" ka ulit at tatanungin kung "Willing to Wait?". Hindi man applicable sa mga kainan, pero ang pinakatamang gawin ay magpakabusog muna-magpakabusog  muna kay Lord para hindi ka gutom at naiinggit sa iba. Matagal man dumating, hindi ka naman nakafocus sa bawat order na lumalabas sa counter. Matagal ka mang paghintayin ay rest-assured ka na dadating yung in-order mo sa tamang oras, mainit init at masarap kainin. Maaring hindi ka na masatisy ng inorder mo, iyon ay dahil bago pa lang siya dumating ay satisfied ka na.
Monday, April 7, 2014

Are You “The Juan”?: Isang Glimpse Kay Future Husband

Not so long ago, may nakilala ako at naging close friend. Naglead ito sa hindi maintindihang M.U. o commonly known as Magulong Usapan. Comprised ito ng mga sweet nothings, "I love you" na wrong send lang naman pala at mga mixed signals na di mo mawari. Sa totoo lang, para kang pina-pain. Inaabangan kung kakagatin mo, at kapag kumagat ka, ikaw ang talo sa laro.

"Wag ka kasing assumera", ito ang sinasabi sa mga nag-assume, lalo na sa mga babae. Siya na nga itong tinetesting, siya pa ang sisisihin. Pero kahit may mga pagkakataong ridiculous lang talagang magassume ang mga babae dahil sa pagka-emotionally logical niya, hahayaan na lang ba na ganito na lang palagi ang scenario ng mga kwentuhan natin?

Kapag nagsesend ka ng wrong signals sa isang babae. Natritrigger siyang mag-isip. Parang imbestigador na ikakalap ang lahat ng data - yung mga sinabi mo at ginawa mo sa kaniya sa past hanggang sa present, maging ang mga ikinilos, sinabi at kahit tingin - lahat 'yon ay ide-data warehousing niya. Kahit hindi niya sinasadya, sumisilip siya sa future para tignan kung "click" ba kayo o pwede ka ba niyang maging the one. Thus, magtatanong tanong siya sa mga friends niya kung bakit ganoon ang ikinikilos mo o kung saan na ba iyon patungo. Minsan, pwede siyang magising sa sampal ng katotohanang pinapaasa mo lang siya. Pero pwede ring patuloy na lang siyang ihele ng mga kaibigan niya sa kaniyang mahimbing na pananaginip.

Naranasan na ng radar ko ang makatanggap ng mixed signals. Maaaring nakakakilig pero hindi nakakatuwa. Hindi ko sinasadyang sumilip sa future para makita kung "pwede" ba kami nung sender. Nagulat ako sa tumambad sa akin - yung listahan ko ng negotiables at non-negotiables na nakahighlight sa "Integrity". Naalala ko, gusto kong magkaroon ng mapapangasawa na mayroong integridad sa kaniyang mga sinasabi, yung taong kayang back up-an ang mga salita niya ng commitment at action. Yun ang katangian ni Future Husband na hindi ko nakita sa taong nagsend sa akin ng mixed signal. "The Juan" will not do such thing. Therefore, hindi siya 'yung hinahanap ko at hindi ako pwedeng mag-assume na siya na si "The Juan"

Minsan, hindi na lang talaga natin maiiwasan ang mga ganitong sitwasyon. Ngayon pa't usong uso ang ganitong laro sa ating henerasyon. Pero wika nga nila, madedefine tayo sa reaction natin sa mga ganitong mga pagkakataon, kung anong pinaninindigan mo at kung saan ka tumatayo. Kailangan alam mo din kung ano talagang gusto mo at hindi lang basta kakagat sa mga minsanang opportunidad. Sa tagpong iyon nagkaroon ako ng glimpse ni Future Husband.. na Oo nga pala, hindi pala siya basta basta. At dahil hindi siya basta basta, kailangan pinaglalaban ko siya ng mga desisyon ko't ginagawa.
Sunday, April 6, 2014

LEAD. Don't MisLEAD.

Surrounded ako ng mga Christian Singles. BTW, ang season na ito ang pinakamasaya at kilig season of all (na naabot ko sa talambuhay ko). Eto kasi yung moment na free ka na daw ma-inlove dahil graduate ka na sa "Hindi ka pa pwedeng mag BF/GF, nagaaral ka pa" sermon. This is the moment! Mas kilig pa 'to sa high school dahil may sarili ng pera pang date. Samahan mo pa ng mga supportive parents na mas excited pa sayo: "Gorarats, Anak! Humayo ka nang dumami tayo!" At ng mga spiritual family mong katuwang mo sa pagprepray. Pero may napansin ako. Tila ang taas ata ng rate ng mga uma-ouch baby sa atin? Dahil nasa loob tayo ng church at nasa loving community tayo, hindi natin naiiwasan na mag-show off ng pagmamahal at care sa mga kapatid natin sa opposite sex. At dahil may pagka personal pa ang trabaho kasi ministry, hindi maiiwasang maging close at tumibok ang puso. Hindi porket graduate ka na't working ay handa ka nang magcommit. Marami pang inaayos sa buhay at kailangan pang magpa-mold kay Lord. Eto ang dahilan kaya't merong mga singles na hanggang palipad hangin na lang at may mga taga-assume na lang din. Ang daming nalilito: "Puwede na kong pumasok sa relasyon pero di ko pa ata kaya". Dahil "the heart is deceitful" (Jer 17:9) pero "eveything you do flows from it" (Prov 4:23), madalas unguarded ang mga actions natin. Masmadaling sundin ang sinasabi ng puso e. Hindi ka nga nagpupursue, invest ka naman ng invest sa Love Bank niya. Nagbubuhos ng time, energy, effort at pera pero walang follow through ng commitment. At dahil walang commitment, assume-nganga mode ang karamihan lalu na mga babae. At dahil ayaw mawala ang tender care na pinapakita ng guy, tahimik na lang sa isang tabi. Minsan, umaamin ng feelings hoping na mag-next level. Pero dahil hindi pa ready yung isa, "Sorry. kapatid lang talaga." Madaming emotionally attached, intimate at freely nagdidisclose ng mga personal issues pero undefined ang relationships. Pag niyanig at naghiwalay, merong "Move on" peg kahit hindi naman sila. Bakit? Kasi naginvest at walang ROI (Return of Investment). Anong dapat gawin? Una, Bago maghanap ng Mr. o Ms. Right, magfocus kay Lord na siyang magfifill up ng Love Bank mo. Kapag puno ang Love Bank mo, secured ka. Kapag secured ka, hindi mo kinocompara ang sarili mo sa iba at hindi ka nagcoconform sa patterns ng mundo. Mas nakikinig ka kay Lord na okay lang kahit 'di high end ang gadgets mo. Dahil diyan, mas nakakapag-ipon ka para sa future. Pag financially ready ka, nagkakaroon ka ng dagdag confidence para pumasok sa relasyon. Mas nagiging cooperative ka din sa pagmomold sa iyo ni Lord para maging Mr/Ms Righteous. Focused ka sa mga pinapagawa sayo ni Lord. Hindi mo kailangang umalis para maghanap ng someone. Kapag umalis ka sa pwesto mo, hindi ka makikita ng naghahanap sayo. Pangalawa, dumikit sa mga masnakakatanda. Lumaki tayo sa henerasyon na hindi na natin kinokonsulta ang mga oldies dahil old fashioned na sila. Kelangan nating matuto sa mga pagkakamali nila para maputol ang mga generational sins. Ilang beses ding sinabi ni King Solomon, the wisest dude, na makinig sa mga magulang (Proverbs 1:8,4:20). Kailangan natin sila at kailangan natin ng may nagbabantay sa atin. Kapag may mga bagay na hindi natin kayang sabihin sa kanila o iexpose sa liwanag, indication na may something wrong. Pangatlo, dumikit sa mga kabaro. Personally, challenge sa akin ito. 70% ata ng mga friends ko ay puro mga lalaki. Pero thankful ako kay Lord dahil may mga girlfriends pa din na 24/7 available para sa principled daldalan para sa mga correction. Para silang mga doktor na nagchecheck up saken kung okay lang ba ang takbo ng mga isip at emotion. May Queen Bee Syndrome ang ilang mga kababaihan. Madalas mas gustong sumama s mga guys dahil "ayoko sa kanila (ibang babae) kasi ang aarte nila". Personally, di ako bilib sa boy-girl na magbestfriend, unless mag-asawa. Minsan umpisa pa lang, iba na motibo. Minsan, nagkakadevelop-an sa dulo tas walang commitment. Gaya ng sabi ko, marami akong guyfriends. Dahil kapatid sila at nagvolunteer akong protektahan sila, walang special treatment kahit crush ko pa. Ayoko ngang ibigay ang rightfully belong kay Future Husband at ayokong i-mislead sila. Isa pa, mga kumare-sa-future ko ang mga mapapangasawa nila. Ngayon palang, kailangang i-sure na mapagkakatiwalaan nila 'ko. Lastly, isettle ang mga dapat isettle. Humarap sa salamin at alamin kung ano ba talaga ang real deal na dapat ayusin. Siguraduhin mong "gift" ka din sa "gift" na hinihingi mo. LEAD. Don't MisLEAD.
Saturday, February 1, 2014

Opportunities

May pintuang nagbukas. Magandang opportunidad. Pag tinanggap ko 'yon, makukuha ko lahat ng gusto ko. Marahil matupad ang mga pangarap ng nanay ko. Pero di ko tinanggap. Sayang! Ako na nga siguro ang pinaka-walang-isip para tanggihan iyon. Di ko kasi kayang ipagpalit ang direction ko para lang sa materyal na bagay. Di ko kayang ipagpalit ang kwento ng buhay ko sa mga pangarap ng iba para sa akin. Higit sa lahat, hindi ko pwedeng baliin ang mga bagay na pinahahalagahan ko. Masakit para sakin na pakawalan ito. Ang hirap magdesisyon. Ang alam ko lang, sumusunod ako. Opportunities reveal the hidden things inside a person's heart. Sacrifice is giving up something you love for something you love more.
Wednesday, December 18, 2013

Feels Like David In His Shepherd Boy Years

Minsan, nagkwentuhan kami ng isang ka-parallel ng pangarap,
"Kelan ka magpupublish ng libro?" tanong ko. 
"Hopefully, next year. Ikaw, kelan ba?", tanong niya din.

Sumagot ako ng "After four years pa.. or more"
"Bakit ang tagal?", pagkagulat na tanong niya. 
Hindi ako nakasagot. Nahiya ako.

Highschool pa lamang ako, isa na sa secret dreams ko ang makapagsulat ng libro. Hindi ako magaling magsulat at wala din naman akong experience. Hindi ako journ student at wala din akong kinocontribute sa mga newsletters sa school. Ang praktis ko lang ay magsulat ng letters kapag gusto kong humingi ng tawad sa mga magulang o magbigay ng mga advices sa mga kaibigan ko. Pakiramdam ko, ako si David na shepherd boy na walang proper training para pumatay ng higante o kaya maging hari. 

Dahil iba naman ang tinahak kong career, unti unting namatay ang pangarap kong iyon. Not until na nameet ko ang aking Lovestruck Mentor na nagturo sa akin ng napakadaming bagay at ginamit ni Lord para maintroduce ako sa mga libro at sa mga taong hindi ko aakalaing makikilala ko. 

Ngayon, alam ko sa puso ko na may isang araw na dadating at makakapagpublish din ako ng libro. Parang ang sarap magteleport sa mga araw na iyon dahil alam kong mahirap ang dadaanan ko. Ayaw kong madaliin dahil ang nagmamadali ay natitinik ng malalim. 

Palaging hinahabilin sa amin ni Mentor na magipon ng experience. Ang experience kasi ang nagbibigay buhay sa mga isinusulat. Dito nakakarelate ang mga tao. Dito tayo natututo. Lalu na yung personal at first-hand. Sabi nga ng guest-mentor-of-the-day namin, What's most personal is most universal. Kung anong nararanasan natin ay most likely, naeexperience ng ibang tao, ng mga potential-readers.

Masyado daw entitled ang generation natin ngayon. Ang sarap maging author ng libro habang bata ka pa. Pride mo 'yan eh. Ang sarap kayang maging young achiever. Pero sabi nga ng isang guest-mentor-of-the-day,"Pag may libro ka na, parang multo mo 'yan. Dala dala mo yung mensahe. Dapat ikaw mismo yung mensahe". Madali naman talagang magsulat, lalu na kung bright at matalino ka. Madaling makamina ng bagong wisdom na hindi pa nakikita ng iba. Pero napakahirap mag-apply. So bago ako ma-excite-much na ipakita sa mga tao ang newly-found-point ko, dapat siguraduhin ko munang dumaan ako sa apoy at kinakatawan ko ang mensahe nito. Sabi nga ni Andy Stanley, "It's easier to make a point than to make a difference".

Elibs ako kay Tolkien, author ng Lord of the Rings, na naghintay ng 17 years para lang marelease ang libro niya. Di kaya inisip niya na patience is a waste of time?  Imagine kung ilang re-writes at edits yon. Alam niya kaya na sa pagpopolish ng craft niya ay tatagal ito ng more than 50 years? Alam niya kaya na hanggang ngayon, madami pa rin ang nagbabasa at nanonood ng mga scenes na naging laman ng imaginations niya?

"Vanity Writing ang tawag sa mga nagsusulat for the sake lang na magkaroon ng published book", sabi ni Ms. Beng Alba-Jones. Minsan daw kung anong "theme of the season" sa buhay ng isang author, iniisp nito na pwede nang iconsider na book proposal. Minsan, walang depth, passion o  purpose. Walang buhay. 

"Dapat handa kang sumikat", bilin ni Mentor. Madami daw kasing kinakain ng kasikatan at bumabagsak. "Sucess is sweet. But if handled incorrectly, it can have a bitter after-taste", reminder noong OMF Lit Fellowship

Para sa akin, napakalaking stewardship nito. Parang promised land na inaangkin ko at dapat paghandaan. Hindi ko alam kung kailan iyon dadating o kung iaallow ba talaga ng Panginoon na mangyari. Pero parang David in his shepherd boy years at masmatagal pa sa youtube ang buffering ang buhay, dapat maging faithful sa Master na nagkaloob ng talent at sa the One na nagblue print ng aking divine destiny. 
Wednesday, December 11, 2013

Ask Me Quick: Common Youth Ministry Problems

May tanong na galing tumblr ko (http://oneday-isangaraw.tumblr.com/)

"Hi po youth leader po ba kayo ng church nyo? ano po ung mga problems na na encounter nyo sa ministry? okay lang po ba na mahurt pag di sumusunod yung youth. thanks po."

Naging youth leader ako noong 3rd Year Highschool. Binusog ako ng mga lessons, failures, successes, pains at character shaping na sobrang worth it. Since na bata pa ako, I expect na sobrang madami pa din akong matututunan.
I guess hindi naman mawawala talaga ang problema ministry lalo na sa youth.Ang youth ministry ang pinakamakulay sa lahat. Sabi nga ni Doug Fields, tayong mga youth leaders ang pinakapagod. Icompare mo daw sa mga ushers na sunday lang nagtratrabaho or sa mga Sunday School teachers na nagpreprepare at nagtuturo ng lesson.. [ Wala kong something against sa ibang ministry ah. :)) ] Tayo daw kasi, imba yung trabaho natin. Mag-disciple ka ba naman ng mga tao na pa-usbong palang ang pagka-tao at inaayos ang foundations ng buhay + mga nasa puberty stage pa na mga nagwawala dahil sa lovelife.. Fully involved ang buhay mo, load mo, time pati pera sa kanila. Isama mo pa ung fact na youth ministry talaga ang palaging target ni Satan dahil ayaw niya na magkaroon ng ‘future’ ang church. Sabi nga, wala naman siyang pakialam sa mga thunders kasi thunders na sila. Pero ang mawalan ng future ang church ay sobrang satisfying kay Satan.
Practically, ang mga usual na problema: resources, support at church culture. (Primary na naisip ko)
Resources - dahil youth ang hawak mo at hindi naman sila gaanong kayayaman, limited din ang resources mo. Pero kung resourceful ka, magagamit mo yung mga creative juices nila. Isa pa, kapag naintindihan nila at inembrace nila yung vision ng youth ministry, kahit kapos sila, magbibigay sila para sa ministry. So kami, madalas naming kinocommunicate yung vision, success indicators, risks-if-not-happened, ng mga ginagawa namin sa mga youth.
Pero sabi nga, relax lang, Christ love the church more than we do. Pinakamasarap na ginawa ni Lord sa amin ay nagpadala siya ng isang hulog-ng-langit na support. Yung youth leaders retreat namin ay first class, private at all-expense paid. Ang great ng God.
Support - Pag sa mga thunders naka-focus ang church at hindi nila alam yung significance ng youth ministry, you get minimal support.
Ang pinaka-worst pa siguro na problema ay isipin ng mga church leaders mo na threat ka sa kanila or sabihan kang nag-eestablish kayo ng sarili niyong kingdom. Masakit ‘yan kasi sa heart of hearts mo ay napakaclear ng consensya mo. At! kahit kelan, hindi mo naman naisip na makipag-compete sa church. Relate na relate much ang kwento ni David dito. Leader niya si Saul at ang init ng mata ni Saul sa kaniya.
Tiyagaan lang talaga ‘to. Prayers. Saka magestablish ng relationship sa mga leaders. Kahit anong mangyari, sila pa rin naman ang leaders at inappoint sila ni Lord.
Nagsubmit kami sa mga leaders namin. Kapag sinabi nilang bawal or hindi pwedeng gawin, kahit na sobrang sakit, dugo at pawis ang binuhos namin, okay lang. We followed. Talagang trust in the Lord with all our hearts and lean not on our own understanding. Well, it turned out din naman na tama sila nung may time na hindi nila kami pinayagan na magheld ng camp just because hindi pa naman talaga namin kaya. Pero may mga projects kami na mga nag-success kaya na-gain din namin yung trust ng mga leaders eventually. Nung nakikita na yung mga transformations sa buhay ng mga youth namin, inask kami nung Senior Pastor namin na kung pwede, pati yung Young Professionals ay hawakan na rin namin. So, buti na lang, nagtiwala kami sa Lord - na alam Niya lahat. Kahit matagal at masakit. It’s so worth it and so rewarding.
May mga magulang lang talaga na hindi ipagkakatiwala yung mga anak nila sa iyo. Aattend sila ng church pero hindi nila iallow yung mga anak na nila na idisciple. Winithdraw nila yung mga anak nila nung nawalan kami ng Youth Pastor. Wala na kaming hold ‘don.
Church Culture - Pag traditional yung church at naka-stick sa culture na pwede namang basagin, feeling mo, naiipit ka. Gusto mong umabot sa mga kabataan pero nakatali ka naman sa traditional setup o Ang lungkot. Sabi nga ni Gabe Lyons, hindi naman aalis sa church ang mga kabataan dahil ayaw nilang maging Christian. Naghahanap sila ng environment na pwede silang maging Christian in a culture that constantly changing. Hindi dapat kinakain ng kultura ng simabahan ang mensahe ng simbahan. Sabi nga ni Andy Stanley, "If the church is for everybody, we dare not create a church culture that excludes any body".
Hindi naman sobrang traditional ng church namen.. pero dahil may ibang mga youth na iba na ang mindset sa church, may gagawin kaming project this sunday (Dec1) para abutin sila.
Organizational problem pa lang ‘yan. :)
May mga young people talaga na hindi nakikinig. Ang hirap umintindi. Laging nauuna ang puso at emotion. Pwedeng sumunod sila sa’yo (halimbawa..) na huwag muna mag-bf/gf.. pero after ilang weeks, balik to landi-mode na naman ‘yang mga ‘yan. Pwedeng makinig sila sa’yo, papagsabihan mo sila. Hanggang mahihiya sila sa’yo at eventually, hindi na sila magkwento at feeling nila, helpless sila. Tapos, syempre, dahil mahal mo sila at hindi sila nakinig o sumunod, masakit talaga. Una, dahil may care tayo sa kanila. Pangalawa, dahil pride natin sila.
Mas relational ang mga bagets ngayon. Susundin nila kung sino yung masmadalas na naghuhulog sa Love Bank nila. Kung mas-na-affirm pa sila ng mga crush/m.u./jowa nila, dun sila pupunta. May sense ako na masnagiging loyal ako sa mentor ko dahil masfeel kong anak at loved ako. So, mas feel ko na sumunod at makinig sa kaniya. Wag na nating iexpect na makinig sila at susunod kung hindi naman natin naiparamdam sa kanila how much we cared for them. Well, bilang tao, hindi natin talaga ‘to kaya na mag 24/7 sa kanila. Hindi lang dahil napakahirap ng youth ministry, kundi hindi naman talaga tayo ang Savior at Lord nila. Gawin na lang natin yung best na masmaging influencial sa mga buhay nila more than sa influence ng mundo sa kanila. At hindi talaga dapat mawawala na si Jesus talaga ang solution ng mga desires nila. Mawala man tayo, dapat maging fully founded sila kay Lord.
Isa pang problema ay sarili din natin. Sabi ni Craig Groeschel, sobrang entitled ng generation ngayon. Super achievers habang bata pa. Parang di mawawalan ng bukas. Akala natin, magaling na tayo or equipped with experience na. Gusto natin madali ang lahat. Pati yung growth ng mga youth.Inuuderestimate daw kasi natin kung anong pwedeng gawin ni Lord sa lifetime natin at inooverestimate yung pwede nating magawa within a period of time. Example, gusto nating maging author ng isang libro. Gusto natin, agad agad makapagpublish ng book without taking into consideration na marami pang pwedeng gawin sa atin si Lord within 10 years pa at nang maging tunay na source of wisdom yung book na ilalabas natin. So as leaders, kailangan nating maging teachable (includes humility) at maging student of life. Kahit ako, nagcrecrave pa din ako sa wisdom ng mga thunders at nagbabasa pa din ako ng mga leadership books. Kailangan eh. At kailangan ding iapply. Sabi ng mentor ko, yung growth ng ministry ay nakadependent din sa growth ng leader. Ang ministry na hindi naggrogrow ay nagrereflect ng isang leader na hindi naggrogrow (qualitative) Saka never be in a hurry. Mas pumapangit ang outcome ng crafts natin kapag minamadali. Isa pa, kung pabilisan lang ang youth ministry, nagkanda-dapa dapa na tayo. 
Tip ko lang, synergize yung mga strengths ng youth leaders. Sa case namin, meron kaming vision caster, detail-master, at networker. Hindi natin kayang gawin lahat. Accomplish more by doing less. Piliin lang yung mga bagay na ikaw lang ang makakagawa, yung iba, ipasa mo na sa ibang youth. You’ll give them opporunity to serve and feel nila na you trust them as well.
Wednesday, November 27, 2013

While I'm Waiting: Work It Out

Noong nirewrite ko yung mga Non Negotiables at Negotiables ko para kay Future Husband, naka half page ako. Pero nung sinulat ko yung mga Non Negotiables at yung mga practical steps ko para i-allow ko yung sarili ko na pumasok sa relasyon, naka 2 pages ako. hahah!

Di naman daw kasi pwedeng request ka ng request kay Lord nang hindi mo inihahanda yung sarili mo. Example, madaming Christian girls ang nangangarap na maging Pastor's wife o asawa ng isang church leader. Pero naisip ba natin na superb ang paghahanda ng Panginoon para magdevelop ng isang Pastor o isang church leader? Therefore, superb din ang paghahanda ni Lord para magdevelop ng isang suitable helper (Gen 2:20). Maraming Christians, nasa non negotiable list nila ang "hindi lang basta basta Christian". Pero naicheck ba natin kung tayo din ba ay "hindi lang basta basta Christian" din? Baka mas may time pa nga tayo kakakulit kay Lord ng lovelife natin kesa magspend ng time sa Kaniya lamang. Hindi tayo magnet na opposite attracts. Attracted ang mga taong may passion kay Lord sa mga taong may passion din kay Lord.  Hindi sa sinisira ko ang mga pangarap ng marami, ang akin lang, kung gusto mo, paghandaan mo.

Madaming naiinip sa Single Season ng buhay nila. Gustong gustong mameet na si Mr. o Ms. Right. Kapag may dumating naman na prospect, sasabihin nila, "ay hindi pa kasi ako handa", "masyado siyang mataas". Yung iba, hanggang M.U. na lang muna, o kaya palipad hangin dahil hindi makapasok sa commitment. Do not awaken love until it so desires (Songs of Solomon 2:7) ang peg.

Hindi naman talaga issue kung ibibigay ni Lord yung desire natin. Faithful si Lord noon pa. Siya ang nagcreate ng mga desires natin at expert Siya sa pagtugon nito. Ang issue naman talaga ay kung handa tayo. Ang Promised Land sa mga Israelites, matagal nang nakahanda. Ang plano ni Lord para sa atin, matagal nang nakalatag. Kailangan lang nating ipaglaban at i-work out para makuha natin yung mga promises niya. Faith without work is dead (James 2:17).

Bilang mga relational beings, madaling ma-inlove. Madaling mahulog ang mga emotion natin. Pero ang maghanda ay hindi biro. It takes time and discipline.
Habang wala pa yung someone na hinihintay mo, bakit di mo ilista at iwork out yung mga bagay na dapat mo nang iwork out. Unahin mo na yung mahirap gawin at dapat mo ng sinimulan noon pa. Gasgas na yung katagang, "Don't look for the right person, be the right person". Alam na natin yan, di lang natin ginagawa.  Tama na yung kakahintay, kakabigo at kaka-epic fail. Imaginine mo na lang kapag dumating na yung hinihintay mo, hindi ka man milyonaryo, at least somehow, handa ka.

At the end of it all, realize na hindi mo talaga ito ginagawa para kay future-someone-special mo. Mahalin mo si Lord hindi para ipakita sa prospect mo na mahal mo si Lord at nang matanggap ka niya. Hindi ka magpapapayat dahil lang visually appealling ang sexy. Inaalagaan natin ang ating mga katawan dahil ino-honor natin si God. Humingi kay Lord ng tamang motives at correct perspective. Si Lord lang ang makabibigay niyan sa iyo. Dumating man yung hinihintay mo or not, hindi ka talo. You can never go wrong with a right heart.
Sunday, November 10, 2013

Hate Posts sa Social Media


Pag galit ka, madali na lang ibomba ang Facebook at magparinig. Ang daling gumawa ng intriga, magpatama, gumawa ng tsismis at sapulin ang mga kaaway mo. Kapag nagpost din ng something fishy yung kalaban mo, "Ay tinamaan?", sabay evil laugh. Minsan, paawa effect pa para makuha ang simpatya ng mga tao. Kapag maraming likers ang post mo, feeling mo, kakampi mo ang mundo. Anong ibig sabihin nito? Paki-explain.

Madali kasi para sa atin, lalo na sa mga outspoken na tao ang ibulalas aggressively ang ating mga nararamdaman. Walang pinagkaiba sa pagiging hot-tempered at walang self control sa tunay na buhay lalu na kapag nasa isang uncontrolled situation. Problema ito ng mga artista. Isang maling post lang nila sa twitter, nagkakatrabaho na ang mga intrigera at chismosa. Paikot ikot ang cycle. Hindi lang sa kanila kundi sa atin ding mga simpleng mamamayan. Hindi mo lang napagtanto, mayroong dalawang bagay na nasasapul sa iyo sa bawat hate post mo: Image at Integrity.

Two opposite ends ang dalawang bagay na ito. Image: kung sino ka sa harap ng madaming tao. Integrity: kung sino ka kapag magisa ka lang. Sa bawat post mo  mayroong mga nagI-strongly agree, agree, disagree at strongly disagree sa iyo. Pero sabi nga ni Donya Ina, marami pa din yung mga walang paki. Sa mga likers ng post mo, may dalawang types pa yan: yung mga may pakialam talaga sa iyo at yung mga nakakarelate lang talaga sa sitwasyon mo.

Pero kahit ano pa mang tingin nila sa stat mo, ang image mo ay nabubuo sa mga tao lalu na kapag galit ka o desperado na. Sabi nga nila, mas nakikilala mo ang isang tao sa mga uncontrolled situations niya. Kahit sabihin mong virtual lang ang cyber space, may essence mo pa din ang bawat post at share ng mga patama quotes dahil may pinanghuhugutan ka. Hindi ka naman robot at hindi naman captcha ang pinopost mo.

Kadalasan, ang mga hate posts lalu na yung mga personal ay ginagawa in secret o kapag mag-isa ka lang. Mas madali ngayon dahil naka mobile na halos lahat. Hindi mo naman ipapacheck sa Pastor yung grammar ng hate post mo dahil irerebuke ka niya bago mo pa maipost iyon. Katulad ng kahit anong kasalanang ginagawa in secret, ganun din ang pagfoformulate ng mga posts na nagmumula sa iyong heart of hearts. Sapul ngayon ang integrity mo.

Elibs ako sa mga taong malilinis ang FB walls. Akala ko noong una ay restrained lang talaga sila at may self control. Maganda ang image nila dahil sila ay mga tao na may integridad. Sa aking journey bilang isang Internet user, ilan ito sa mga nadampot ko:

"Kapag nagpost ka, siguraduhin mong kaya mong panindigan" -Ptr Ronald Molmisa

"Kung tunay kang leader, isettle mo muna yung mga issues mo sa totoong buhay bago mo isuka sa FB ang galit mo na as if maayos nito ang problema mo" - Ptr Ron Fortaleza

"Wag mong isipin na mga friends mo lang ang makakakita ng mga posts mo"- Beng  Alba

"Wag kang magpopost kapag galit ka. Ipost mo yan kapag hindi ka na galit. Subukan mo kung mapopost mo pa iyan" - Ptr Migz Poja (rephrased)

Huwag na nating dungisan ang mundo at gamitin ang Social Media para gumawa ng mga World War sa mga kaibigan natin. Sa internet, malaking porsyento ang miscommunication tulad ng parinigan at patamaan dahil  sa mga indirect na messages na binabato natin against sa ating mga pinakamamahal na kaibigan. Mag-logout. I-off ang wifi, kausapin ng personal ang nakasakit sayo. At nang maging hayahay ang buhay.
Sunday, November 3, 2013

Selfie




Ilang solo pictures ang meron ka sa profile pic album mo? 100? 200? 500+?

Wag kang mag-alala, hindi tayo magkaiba. 6 mega pixels pa lang ang usong camera at de-Photoshop pa, nagseselfie na ko. Pero salamat sa powers ng filters ng Instagram at Camera 360 ay nagiging pantay ang uneven skin tone natin, naaayos ang mga oily face plus iba pang perks.

Magpasalamat tayo sa mga front facing camera na ginagamit naman talaga para sa pagseselfie at hindi para sa video call. Less ang trial-and-error effort kasi kita mo na ang tama at cute na cute mong anggulo. Pag digicam nga diba, pagkatapos ng picture-an ay magkukumpulan lahat sa camera man at sasabihing, "patingin nga! ... Burahin mo yan, Panget!!"... Hiyang hiya naman ako noong araw na de-film pa. Kabado ba sila pagkatapos magpa-debelop ng film? "Ano kayang itsura ko don?" Pero bakit nga ba natin to ginagawa?

Isang araw habang naglalakad ako sa Quezon Ave ay napansin ko ang billboard ng isang pampa-puting produkto. Ansabe, "The attention you deserve". Mabenta ang produktong ito. Madaming gumagamit. Yun pala, innate sa tao na naghahanap siya ng attention. Kaya no wonder, madaming selfie images ang nagkalat sa social media. Unconscious man o hindi ay gusto natin ng attention, likes, approval at feeling ng belongingness. Don't get me wrong, hindi mo naman ipopost yan at pagieffortan na itry lahat ng filters ng instagram kung ayaw mong ilike ng iba diba? 

Kahit mga Kristyano na, may ganito pa ding feeling. "Lord, sabi mo, fearfully and wonderfully made ako. Pero bakit pagbukas ko ng TV, mas-cute pa din sila? Bakit hindi swak ang nakikita ko sa sinasabi Mo?" Hanggang sa manlumo na sa kalungkutan, kumain ng papaitan at makaisip ng paraan para i-at-ease ang sarili. Paano? magseselfie. Pagmaraming likes, ibigsabihin, nakakuha ng maraming approval. Feeling complete na.

Hindi naman kaiba ang henerasyon natin sa mga nauna. Ilang libong taon lang ang nakaraan, may ganiyang kwentong nangyari. Natukso siya ng isang serpent sa puno. Oo, tama. Si Eba. Dahil alam natin ang ending, feeling natin, masmatalino tayo sa kaniya. Pero ano nga ba ang position niya?

Ang sabi ni God sa tao, created in His own IMAGE siya. Very good pa ngang naturingan kumpara sa ibang nilikha. Kaya lang, nung minsang natambay siya don sa may puno sa gitna, tinukso siya ng "You will be like God knowing good and evil...".. Sa isip ni Eba, 

"Bakit ganito yung sinasabi ni Satan? Na parang there's more behind sa mga sinasabi niya? Feeling ko tuloy, incomplete kami. Bakit parang may tinatago samin si God at parang hindi ko Siya mapagkakatiwalaan? at bakit ipinagbabawal pa Niya ito? " Kaya naniwala siya kay Satan. Inisip niya na iyon na ang makakapag-pakumpleto sa kaniya. 

"Di ka naman mamamatay", pangako pa ng bagong kaibigan. 
Binigyan niya si Adan, "Eto din ang makakapagpa-kumpleto sa pagkatao mo, Honey". Pero na-wow-mali sila. Imbis na makapag-pa-kumpleto, natagpuan pa nila ang sariling hubad. Nainsecure. Nahiya..

Biglang nagkaroon ng patahian ng dahon sa Eden. Kung dati, no shame sila kahit wala silang damit. Ngayon hindi na. Kumbaga sa present time, kahit na panget ka sa group picture or profile pic mo ay hindi ka mahihiya. Keribells lang. Pero dahil ganoon ang nangyari, kailangan mong itago yung mga insecurities mo. Dapat tamang anggulo at wag kang lalabas na panget. Kundi shame on you. Minsan, kailangan pa nating laitin ang ibang kapwa para lamang mas maemphasize ang kapintasan nila kesa sa atin. Saklap noh? Pero katulad ng dahon na biodegradable, hindi din permanent ang mga cover ups ng mga tao to feel liked and approved. At the end of the day, kung incomplete ka, incomplete ka pa din.

Unang utos pa lang sa kanila, epic fail na. Dahil ilang araw pa lang ang mundo, pwede siguro na irestart na lang ng Diyos ang lahat. O di kaya gumawa ng buhay sa Mars at hayaan na lang si Adam and Eve na magtahi araw araw. Disobedient naman sila eh. Pero hindi ganoon ang ginawa ni God. Hinanap Niya sila at binigyan ng permanenteng damit. Yun ang naabutang grace ni Adam and Eve and the rest is history.

Iba satin. Naabutan natin si Jesus. Para sa iba, passport lang Siya sa langit or para may mai-celebrate sa Christmas. Pero hindi lang iyon ang dala Niya. Yung desires na hinahanap natin sa mundo ay binigay ni God sa pamamagitan ng kaniyang Anak. Sabi niya "Ito (Jesus) ang ultimate na pagpapakita ko sa inyo ng attention Ko, ng pagmamahal Ko at approval". Binigyan Niya din tayo ng belongingness o karapatang matawag na anak dahil kay Hesus. Dahil sa Kaniya, ay naging malinis at kumpleto din tayo. Eto pa:

"Anak, kahit na ireject ka ng mundo, tandaan mo, dahil kay Kristo, you are complete and you are so loved. Kung nilikha kitang ganiyan, tiwala lang. Ako ang ultimate creative at ultimate creator. Sa mga mata ko, You are fearfully and wonderfully made. Ikaw lang ang nilikha Kong ganyan. Isa ka lang at hindi ako naglika ng katulad mo noon, ngayon o bukas. Hindi mo kailangang maghabol, mapagod, magkumpara o makipag-kumpitensiya. Madami pa Akong plano sa iyo. Wag kang magpapatalo sa kalaban, sinisira ka lang niyan. One day, magkikita tayo face to face. Kung anong sasabihin Ko sa iyo, iyon ang pinakamahalaga at pinaka-totoo".

Iyak ako ng iyak sa katotohanang ito. Once, nabiktima din ako ni Satan na panira ng buhay. Naging agent din niya ako sa pambubully ng ibang tao dahil sobrang low ang self esteem ko. Pero dahil tinama ni Lord ang lahat, binago Niya din ang tingin ko pati sa ibang tao. Naging secured ako sa Panginoon.

Kung napapagod ka na at gusto mo nang hubarin ang insecurities mo, siguro'y makatutulong na damhin mo itong kanta. Pakinggan mo na as if si Lord ang nagsasabi sa iyo.

http://www.youtube.com/watch?v=vqr-Q1U87fY

Tandaan, You are complete and you are so loved.
Monday, September 30, 2013

Visitors

Popular Post

Followers

- Copyright © 2013 Prisoner's Free -Metrominimalist- Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -