- Back to Home »
- Bakit May Paasa?
Bakit nga ba may mga taong paasa? Anong trip nila? Bakit sila ganoon? Bakit ang galing nilang nilang magsaranggola - yung pagkatapos nilang mag-enjoy kasama ka, ay iiwan ka sa ere?
Hatiin natin sila sa 2 categories.
Yung sinasadya at hindi sinasadya.
A. Sinasadya.
1. Simulan natin sa masakit - dahil OPTION ka lang. Sad to say, meron siyang ibang choice. Kung ano man iyan, kaya ka niya iniwan ay dahil may nakita siyang, para sa kaniya, ay masmahalaga o masbetter (ouch).
Kahit hindi sa context ng relasyon. Kadalasang dahilan natin kaya tayo nalelate sa kitaan ay dahil may inaasikaso tayong masmahalaga, may ibang priority. "May dinner pa kami ng family", "May pinapanood pa kasi ako". Kung ano man iyan - nangangahulugan lang na mayroong masmahalaga.
2. He doesn't respect you. Masmasakit pa to sa naging option ka lang.
Wala e. Gusto lang talaga niyang maglaro. Wala siyang magawa sa buhay niya. Bored siya teh. Sasabihin niya sa iyo ang sweetest lies na maari mong marinig. And he doesn't care kung maniwala ka or what. Your call.
Isa rin tong dahilan ng mga late. Kasi hindi nila nirerespeto ang oras mo. Walang paki kung naiiinip ka na kahihintay. Papaasahin ka lang na dadating sila sa tamang oras.
Anong dapat ginagawa sa ganitong tao?
Pinapatawad at Pinakakawalan.
Mahirap kasama sa buhay ang ganitong tao kaya ilet go mo na. Hindi mo alam kung kelan totoo at hindi ang sinasabi niya. So para hindi masayang ang tiwala mo, wag din masyadong magrerely sa ganitong tao.
B. Hindi sinasadya.
1. Wala sa dugo nila ang pagiging paasa. At usually ay may maganda silang dahilan kaya naiwan ka. Yun lang, hindi na siya nakapagexplain o nakapagpaalam. Baka kasi wala namang dapat iexplain. Deep inside, winiwish niya na maintindihan mo ang pagiwan niya sayo sa ere. Baka para din sa sarili mong kapakanan.
2. Ikaw rin e.
Hindi niya sinasadya na umasa ka dahil hindi iyon ang intensyon niya. Naging paasa lang siya dahil umasa ka.
Para sa mga paasa,
Kuya/Ate, Kung projected mo na na walang mangyayari sa relasyon o sa kung ano mang bagay. Kung hindi mo kayang tayuan o gawin, wag mo nang subukan. Sa umpisa pa lang, lubayan mo na o magsabi ka. Kung sadyang wala kang paki sa mga tao, isipin mo na lang kung iyan ng gawin sa iyo. Kung ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw, gayun din ang mga paasa. Mahirap mabuhay sa mundo na wala kang kaibigang reliable at may integridad. Masakit din yung isang araw, malaman mong wala nang nagtitiwala sa iyo dahil kapapaasa mo sa kanila. Kaya huwag paasa. :)