- Back to Home »
- future , jesus , love , nbsb , ngsb , purity , relationships , reservations »
- 3 Myths of Being An NGSB/NBSB
Thursday, May 28, 2015
Nakakaproud maging NBSB (or NGSB for the guys). Feeling mo, nalusutan mo lahat ng temptations na dumaan sa puso mo. You're so glad na wala kang pinatulan sa mga iyon. May mga "Buti na lang" moments and you're thanking God dahil kapag kinasal ka na, pwedeng pwede mong sabihin ang mga linyang "Ikaw lang ang minahal ko sa buong buhay ko" o di kaya'y "Ikaw ang reward ng obedience ko kay Lord". How sweet!
Pero being one, aaminin ko na may hirap factor din siya. At may mga myths:
#1 Having no relationships since birth does equate emotional purity.
Hindi porkit wala kaming pinasukang relasyon, ay ubber linis na ng puso namin. Wala lang talagang naging karelasyon. Natutukso din kami. Nagkakamali. Nagdidisclose ng laman ng puso namin sa maling tao. Nagchachat sa disoras ng gabi. May ka-term of endearment.
At para sa mga kapwa ko ganito, we should not think na masmalinis tayo sa mga taong nagkarelasyon na at nagkamali. Wala tayong pinagkaiba sa kanila. Kailangan pa din natin si Lord para sa isang pusong dalisay. Minsan kasi tumataas ang tingin natin sa sarili natin. Minsan akala din natin na.. .
#2 We're doing this for our Future Spouses
Akala natin ginagawa natin ito para sa future asawa. No. We're doing this as an act of obedience sa Lord at the same time para sa sarili natin. Parang virginity lang. Para pagdating mo sa marriage bed, wala kang ibang alaala ng nakasama mo. Wala kang icocompare dahil fresh ang memory mo.
You dont do your Spiritual Disciplines hoping one day ay makapangasawa ka ng isang superman of God. You do it dahil mahal mo si Lord. Pag ginagawa mo na ang mga bagay para doon sa tao, one day guguho na lang siya na naging mundo mo at madidisappoint ka lang.
Minsan dahil sa maling motibasyon na ito, tumataas ang expectation natin sa future special someone. "Lord dapat ganito din siya kasi ganito ako". Walang masama kung "clean slate" kayo pareho. Kaya lang, dumadating sa time na ubber taas na at near to perfection na ang hinihingi. Mamahalin mo lang ba ang tao dahil malinis siya kung minahal tayo ni Lord despite sa pagiging unlovely natin?
#3 I Have No Capacity To Love
Kapag nasa iyo si Jesus, may capacity ka talagang tumanggap at magmahal ng tao despite sa kung anong nangyari sa kanila.
You have the capacity to love, to forgive and to respect no matter sino pa iyan. No need na pumasok sa relasyon. Praktis na sa mga magulang, sa mga kapatid at sa mga pasaway mong mga disciples.
Kaya mo eh. Kaya mo kasi nasa iyo si Jesus. Kaya mong mag go through them habang binabago sila ni Lord at binabago ka din Niya.
Im not saying na magcompromise ka sa non negotiables mo ah. We are not expected to be perfect. We are expected to be real. :)