- Back to Home »
- Are You “The Juan”?: Isang Glimpse Kay Future Husband
Not so long ago, may nakilala ako at naging close friend. Naglead ito sa hindi maintindihang M.U. o commonly known as Magulong Usapan. Comprised ito ng mga sweet nothings, "I love you" na wrong send lang naman pala at mga mixed signals na di mo mawari. Sa totoo lang, para kang pina-pain. Inaabangan kung kakagatin mo, at kapag kumagat ka, ikaw ang talo sa laro.
"Wag ka kasing assumera", ito ang sinasabi sa mga nag-assume, lalo na sa mga babae. Siya na nga itong tinetesting, siya pa ang sisisihin. Pero kahit may mga pagkakataong ridiculous lang talagang magassume ang mga babae dahil sa pagka-emotionally logical niya, hahayaan na lang ba na ganito na lang palagi ang scenario ng mga kwentuhan natin?
Kapag nagsesend ka ng wrong signals sa isang babae. Natritrigger siyang mag-isip. Parang imbestigador na ikakalap ang lahat ng data - yung mga sinabi mo at ginawa mo sa kaniya sa past hanggang sa present, maging ang mga ikinilos, sinabi at kahit tingin - lahat 'yon ay ide-data warehousing niya. Kahit hindi niya sinasadya, sumisilip siya sa future para tignan kung "click" ba kayo o pwede ka ba niyang maging the one. Thus, magtatanong tanong siya sa mga friends niya kung bakit ganoon ang ikinikilos mo o kung saan na ba iyon patungo. Minsan, pwede siyang magising sa sampal ng katotohanang pinapaasa mo lang siya. Pero pwede ring patuloy na lang siyang ihele ng mga kaibigan niya sa kaniyang mahimbing na pananaginip.
Naranasan na ng radar ko ang makatanggap ng mixed signals. Maaaring nakakakilig pero hindi nakakatuwa. Hindi ko sinasadyang sumilip sa future para makita kung "pwede" ba kami nung sender. Nagulat ako sa tumambad sa akin - yung listahan ko ng negotiables at non-negotiables na nakahighlight sa "Integrity". Naalala ko, gusto kong magkaroon ng mapapangasawa na mayroong integridad sa kaniyang mga sinasabi, yung taong kayang back up-an ang mga salita niya ng commitment at action. Yun ang katangian ni Future Husband na hindi ko nakita sa taong nagsend sa akin ng mixed signal. "The Juan" will not do such thing. Therefore, hindi siya 'yung hinahanap ko at hindi ako pwedeng mag-assume na siya na si "The Juan"
Minsan, hindi na lang talaga natin maiiwasan ang mga ganitong sitwasyon. Ngayon pa't usong uso ang ganitong laro sa ating henerasyon. Pero wika nga nila, madedefine tayo sa reaction natin sa mga ganitong mga pagkakataon, kung anong pinaninindigan mo at kung saan ka tumatayo. Kailangan alam mo din kung ano talagang gusto mo at hindi lang basta kakagat sa mga minsanang opportunidad. Sa tagpong iyon nagkaroon ako ng glimpse ni Future Husband.. na Oo nga pala, hindi pala siya basta basta. At dahil hindi siya basta basta, kailangan pinaglalaban ko siya ng mga desisyon ko't ginagawa.