- Back to Home »
- Are You "The Juan"? : Willing to Wait
Minsan, kung kailan nasa harapan ka na ng counter para umorder ng pagkain, saka ka naman mauubusan. "15 minutes, Maam? Willing to wait po ba?" Dahil wala ka namang choice, aagree ka na lang na maghintay. Impernes, worth the wait naman ang paghihintay ng bagong -lutong pagkain.
Pagdating sa lovelife, marami naman sa atin ang willing to wait. Pero kung gutom ka na at di mo maiiwasang mainggit sa mga taong naeenjoy sa kanilang food o kahit f na f mo na talaga ang gutom mo, hindi mo maiiwasang i-follow up si God, "Yung order ko po?" Bawat lumalabas sa counter na kahawig ng inorder mo, ay tinatanong mo, "Sa akin na ba iyan?" o di kaya'y, "Siya na ba?", Are you "The Juan"?
Dalawa nga lang daw ang kinakatakutan ng mga Christian Singles. Una, iyon ay maging single habang buhay. Pangalawa, yun ay ang makapangasawa ng taong hindi aprubado ni Lord. Dahil dito, may ibang naghihintay ng Perfect One. Ngunit dahil mayroong mastakot na hindi magkalovelife for the rest of their lives, mga naghihintay ng Wrong One.
Kahapon habang nagtatanghalian ang kaming mga youth sa church, isang matandang dalaga ang sumabay sa amin. Makulit siya. Halos lahat ng Pastor ay tinatawag niyang "Papa". Boyfriend daw niya sila. Ang sarap usisain ng lovelife niya o malaman kung nagka-boyfriend ba siya kaya tinanong ko siya, "Choice niyo po ba iyan?". Seryoso siyang sumagot ng "Oo. Wala kasi akong nakitang spiritual na lalaki na makakapag-lead sa akin". Nakangiti siyang sumagot na tila walang pinagsisisihan. Better single than sorry ang peg ni Ate.
Sa totoo lang, hindi lang siya ang kilala kong tumatanda ng dalaga. Elibs ako sa kanila sa pagka-consecrated ng buhay nila. Wala namang masama sa pagso-solo flight. Masaya sila at secured. Pero karamihan sa kanila'y may mga pagsisisi dahil sa napakataas nilang standards na hindi mo mawari kung realistic o attainable pa ba.
"Maghihintay ako hanggang sa maging okay na. Pero as of now, si Lord lang talaga muna". A Thousand Years lang ang peg, teh? Madalas ko itong marinig (at mabasa) mula sa mga people na naunang na-hook ang emotion kesa sa siyasatin ang spiritual health, o kung ano pang mga dapat ikahanda nila at ng prospect nila. Pero ang unang problem ay, maging sila'y hindi rin naman makapaghintay. Sa pagka-inip ay hindi maiiwasang mag-invest sa lovebank ng mga iniirog nila. Pa-friends friends. Pa-close close friends. Pa-bestfriends bestfriends. Invest sa gifts, sa load, sweet nothings na communication, service o help, mental energy sa kakaisip, emotional thoughts, at memories. Dahil diyan, ang major problem ay tuluyan nang hindi makapagfocus kay Lord. Akala ko ba, si Lord muna?
Karamihan sa mga naghihintay ay nauubusan ng pasensya at sumusuko na lang, "Lord, kung hindi naman po siya yung will niyo para sa kin, tanggalin niyo na lang po itong feelings". Uso 'to noh? Sa totoo lang, effective itong prayer if and only if makiki-cooperate ka. Pero kung nakayakap pa din ang mga puso at mga actions mo sa kaniya, sa tingin ko, macoconfuse mo ang move ni Lord sa mga da moves mo.
Hindi talaga trip ng mga tao ang naghihintay. Kainip eh. Patience is a waste of time daw. Lalo na ngayon na halos lahat ay pinapabilis ng technolohiya. Kaya tayo gusto din nating instant ang lahat. Nakakalimutan natin na ang unang property ng Love ay patience. Patience na nagtuturo sa ating magtiwala kay Lord dahil everything will be alright when the time is right. Patience na nagsasabi sa ating huwag muna nating bakuran yung mga inirog natin kahit na sasabog na ang ating mga damdamin. Patience na tutulong sa atin para maging emotionally pure.
Dadating ang araw na o-"order" ka ulit at tatanungin kung "Willing to Wait?". Hindi man applicable sa mga kainan, pero ang pinakatamang gawin ay magpakabusog muna-magpakabusog muna kay Lord para hindi ka gutom at naiinggit sa iba. Matagal man dumating, hindi ka naman nakafocus sa bawat order na lumalabas sa counter. Matagal ka mang paghintayin ay rest-assured ka na dadating yung in-order mo sa tamang oras, mainit init at masarap kainin. Maaring hindi ka na masatisy ng inorder mo, iyon ay dahil bago pa lang siya dumating ay satisfied ka na.