Saturday, October 25, 2014

430 AM ng umaga ay umalis na kami sa Santa Catalina (municipality na malapit sa Bayawan) para ituloy ang aming trip. Dumating kami sa Malatapay Port ng 6:00 AM.

Wednesday ang kanilang Market Market day at medyo busy-busyhan ang Malatapay sa kanilang mga kalakal. Ansabe, galing daw sa iba't ibang nako ng Negros ang mga naglalako dito. Minsan, uso pa din pati ang barter.

Dahil wala pa kaming almusal, bumili muna kami ng suman. Yung suman na hugis apa ng ice cream, tinawag ni Makoy na Cornetto.

Pagdating namin sa dulo, merong umasikaso sa amin. Si Ate na nabebenta ng pagkain at meron ding contact sa boatmen. Tinext niya yung kakilala niya at sinabing 7AM daw aalis. Sa kaniya na din kami bumili ng napakasarap na sinugba at kanin. Pinahiram niya kami ng plato, kubyertos at lagayan ng pagkain. So bait of her. "Meron bang marunong magbisaya sa inyo?" Kung meron daw marunong magBisaya, mas makakatipid kami. P25 kasi ang bayad kapag taga-doon ka. Bago kami umalis ng Malatapay, merong form na pinasagutan sa amin ang coast guard. For safety purpose, malamang.

Pasado 7AM na kami nakasakay. Mga 45 minutes din ang aming boat ride. Hindi pa kami nakakarating ng Apo ay sobrang stunned na kami sa linaw ng tubig.

Ininform kami nila Kuya na rotational daw ang assignment nila sa mga tour. Pagkatpos bayad bayad din ng Environmental Fee sa office.


Pagkalapag namin ng gamit, dumiretso na kami sa dagat. Nakalimutan na naming mag-sun block sa sobrang excitement. Paano ba naman kasi, naglakad lang si PastoRon sa may shore, may nakita na agad siyang Pawikan.





Dahil nilinis ko ng madaming toothpaste yung mask (goggles) ko bago lumarga, parang high definition lahat ng nakikita ko. Ang saya!


Umalis kami sa Apo Island ng quarter to 3. Hindi na kami pinagbigyan ng araw na magswimming ulit pagkatapos kumain. Kung babalik ako doon (at talagang babalik ako dahil iisang reef lang naman yung tinignan namin), ay magoovernight ako doon. pramis!


Pinagbiyan lang si Arjohn nung bagong, humarap din yung pagong.


Nakaalis kami ng Malatapay ng 5:00 at nakarating sa Dumaguete ng 5:30. Pagbaba ng bus ay bumili kami ng Lechon Manok, sumakay ng Trike papuntang Port. Nagpadaan pa kami muna sa tinadahan ng Sans Rival. Yun lang, hindi na namin inabot yung 6:30pm na ride dahil yung pangalawang trike na sinakyan namin ay indi alam ang daan papuntang port.

Kumain muna kami sa katabing carinderiya. Maya-maya lang, nakabalik na yung fast craft. Dali-dali kaming kumain. Special trip kumbaga.


Nakarating kami ng Liloan Port ng 730PM. Pagdating doon, mayroong Cebu bound bus na sasakyan namin paputang Oslob.

Highlight ng Trip: Yung nagsayang ako ng 100 pesos para sa Life Jacket... :))) Nakalimuntan kong hindi nga pala ko lumulubog dahil may built in air sack ako. Char! Ang makita ang napakalaking Pawikan at Coral Garden ng Apo Island

Bayad bayad din (Updated October 2014):
Sta Catalina to Malatapay Port - P70 (Non Aircon)
Malatapay Port to Apo Island - P3000 for 8, +250 for excess person
Environemental Fee: 100Php, 25P pag tagadoon
Cottage Rental: P200
Fins: 100
Snorkel + Mask : 100
Aqua shoes: 100
Life Vest: 100
Pay CR - 10 (Ligo)

Visitors

Popular Post

Followers

- Copyright © 2013 Prisoner's Free -Metrominimalist- Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -