- Back to Home »
- Selfie
Monday, September 30, 2013
Ilang solo pictures ang meron ka sa profile pic album mo? 100? 200? 500+?
Wag kang mag-alala, hindi tayo magkaiba. 6 mega pixels pa lang ang usong camera at de-Photoshop pa, nagseselfie na ko. Pero salamat sa powers ng filters ng Instagram at Camera 360 ay nagiging pantay ang uneven skin tone natin, naaayos ang mga oily face plus iba pang perks.
Magpasalamat tayo sa mga front facing camera na ginagamit naman talaga para sa pagseselfie at hindi para sa video call. Less ang trial-and-error effort kasi kita mo na ang tama at cute na cute mong anggulo. Pag digicam nga diba, pagkatapos ng picture-an ay magkukumpulan lahat sa camera man at sasabihing, "patingin nga! ... Burahin mo yan, Panget!!"... Hiyang hiya naman ako noong araw na de-film pa. Kabado ba sila pagkatapos magpa-debelop ng film? "Ano kayang itsura ko don?" Pero bakit nga ba natin to ginagawa?
Isang araw habang naglalakad ako sa Quezon Ave ay napansin ko ang billboard ng isang pampa-puting produkto. Ansabe, "The attention you deserve". Mabenta ang produktong ito. Madaming gumagamit. Yun pala, innate sa tao na naghahanap siya ng attention. Kaya no wonder, madaming selfie images ang nagkalat sa social media. Unconscious man o hindi ay gusto natin ng attention, likes, approval at feeling ng belongingness. Don't get me wrong, hindi mo naman ipopost yan at pagieffortan na itry lahat ng filters ng instagram kung ayaw mong ilike ng iba diba?
Kahit mga Kristyano na, may ganito pa ding feeling. "Lord, sabi mo, fearfully and wonderfully made ako. Pero bakit pagbukas ko ng TV, mas-cute pa din sila? Bakit hindi swak ang nakikita ko sa sinasabi Mo?" Hanggang sa manlumo na sa kalungkutan, kumain ng papaitan at makaisip ng paraan para i-at-ease ang sarili. Paano? magseselfie. Pagmaraming likes, ibigsabihin, nakakuha ng maraming approval. Feeling complete na.
Hindi naman kaiba ang henerasyon natin sa mga nauna. Ilang libong taon lang ang nakaraan, may ganiyang kwentong nangyari. Natukso siya ng isang serpent sa puno. Oo, tama. Si Eba. Dahil alam natin ang ending, feeling natin, masmatalino tayo sa kaniya. Pero ano nga ba ang position niya?
Ang sabi ni God sa tao, created in His own IMAGE siya. Very good pa ngang naturingan kumpara sa ibang nilikha. Kaya lang, nung minsang natambay siya don sa may puno sa gitna, tinukso siya ng "You will be like God knowing good and evil...".. Sa isip ni Eba,
"Bakit ganito yung sinasabi ni Satan? Na parang there's more behind sa mga sinasabi niya? Feeling ko tuloy, incomplete kami. Bakit parang may tinatago samin si God at parang hindi ko Siya mapagkakatiwalaan? at bakit ipinagbabawal pa Niya ito? " Kaya naniwala siya kay Satan. Inisip niya na iyon na ang makakapag-pakumpleto sa kaniya.
"Di ka naman mamamatay", pangako pa ng bagong kaibigan.
Binigyan niya si Adan, "Eto din ang makakapagpa-kumpleto sa pagkatao mo, Honey". Pero na-wow-mali sila. Imbis na makapag-pa-kumpleto, natagpuan pa nila ang sariling hubad. Nainsecure. Nahiya..
Biglang nagkaroon ng patahian ng dahon sa Eden. Kung dati, no shame sila kahit wala silang damit. Ngayon hindi na. Kumbaga sa present time, kahit na panget ka sa group picture or profile pic mo ay hindi ka mahihiya. Keribells lang. Pero dahil ganoon ang nangyari, kailangan mong itago yung mga insecurities mo. Dapat tamang anggulo at wag kang lalabas na panget. Kundi shame on you. Minsan, kailangan pa nating laitin ang ibang kapwa para lamang mas maemphasize ang kapintasan nila kesa sa atin. Saklap noh? Pero katulad ng dahon na biodegradable, hindi din permanent ang mga cover ups ng mga tao to feel liked and approved. At the end of the day, kung incomplete ka, incomplete ka pa din.
Unang utos pa lang sa kanila, epic fail na. Dahil ilang araw pa lang ang mundo, pwede siguro na irestart na lang ng Diyos ang lahat. O di kaya gumawa ng buhay sa Mars at hayaan na lang si Adam and Eve na magtahi araw araw. Disobedient naman sila eh. Pero hindi ganoon ang ginawa ni God. Hinanap Niya sila at binigyan ng permanenteng damit. Yun ang naabutang grace ni Adam and Eve and the rest is history.
Iba satin. Naabutan natin si Jesus. Para sa iba, passport lang Siya sa langit or para may mai-celebrate sa Christmas. Pero hindi lang iyon ang dala Niya. Yung desires na hinahanap natin sa mundo ay binigay ni God sa pamamagitan ng kaniyang Anak. Sabi niya "Ito (Jesus) ang ultimate na pagpapakita ko sa inyo ng attention Ko, ng pagmamahal Ko at approval". Binigyan Niya din tayo ng belongingness o karapatang matawag na anak dahil kay Hesus. Dahil sa Kaniya, ay naging malinis at kumpleto din tayo. Eto pa:
"Anak, kahit na ireject ka ng mundo, tandaan mo, dahil kay Kristo, you are complete and you are so loved. Kung nilikha kitang ganiyan, tiwala lang. Ako ang ultimate creative at ultimate creator. Sa mga mata ko, You are fearfully and wonderfully made. Ikaw lang ang nilikha Kong ganyan. Isa ka lang at hindi ako naglika ng katulad mo noon, ngayon o bukas. Hindi mo kailangang maghabol, mapagod, magkumpara o makipag-kumpitensiya. Madami pa Akong plano sa iyo. Wag kang magpapatalo sa kalaban, sinisira ka lang niyan. One day, magkikita tayo face to face. Kung anong sasabihin Ko sa iyo, iyon ang pinakamahalaga at pinaka-totoo".
Iyak ako ng iyak sa katotohanang ito. Once, nabiktima din ako ni Satan na panira ng buhay. Naging agent din niya ako sa pambubully ng ibang tao dahil sobrang low ang self esteem ko. Pero dahil tinama ni Lord ang lahat, binago Niya din ang tingin ko pati sa ibang tao. Naging secured ako sa Panginoon.
Kung napapagod ka na at gusto mo nang hubarin ang insecurities mo, siguro'y makatutulong na damhin mo itong kanta. Pakinggan mo na as if si Lord ang nagsasabi sa iyo.
http://www.youtube.com/
Tandaan, You are complete and you are so loved.