Friday, September 20, 2013

Galing Gera

Isang buong linggong nakalipas. Sobrang bangag ako sa alalahanin. Kakapasok ko palang sa isang bago pero pamilyar na project. Puro research. Kailangan, mapagana ko itong feature ng mobile app kahit na hindi ko naman talaga alam kung anong gagawin.

Pagumuuwi ako, hindi na ko nakakakita ng mga tao. Pati pamilya ko, di ko na naabutang gising. Habang natutulog ako, pasan ko pa sa isip kung paanong gagawin. Hindi matahimik ang isip ko. Patuloy na naghahanap ng solusyon sa problema. Pag-gising ko, tila may mabigat na krus na nakapatong sa akin. Kung pwede lang sana pahabain pa ang tulog. Bago ako bumangon, mararamdaman ko nang luha ko sa aking pisngi. Paulit ulit na binubulong sa Panginoon, "tulungan Niyo po ako".

Maiisip kong napakadami ko nang beses na ginawa ang lahat halos nang solusyon na naisip ko at walang nangyayari. Sinisigawan ako ng kaaway, "Di mo yan kaya!!!".. ang malala pa, "di ka naman naririnig ng Diyos mo! hello? program kaya yan?!" Pagnaiisip ko 'to, napapabuntong-hininga na lang ako at sinasabing "Hindi yan totoo!" Kahit na hindi ko naman talaga alam kung anong mangyayari. Pero sa araw araw na iyon, nagpatuloy ako, nagtiwala at umasa.

Ngunit sa limang araw na tila nasa wilderness ako't walang direction, ay napakadami kong namang natutunan:

Una, God is in doing something in you.
May mga paghuhulma na ginagawa sa atin si Lord. Hindi Siya limitado sa loob ng simbahan. Pati sa opisina o sa ikswelahan. Tinuturaun niya tayo ng mga bagay na magshe-shape sa pagkatao at paniniwala natin.

Alam ni God ang ginagawa niya. Kung alam mong may direction o purpose na binibigay sa iyo si Lord, magtiwala ka, "And we know that all things work together for good for those who love God, who are called according to his purpose." (Romans 8:28 NET). Hindi ito limitado sa mga Pastor lamang o mangagawa sa simbahan, para ito sa mga tinawag Niya upang mantyahan ang mundo.

Kapag nauunahan tayo ng takot dahil hindi natin alam ang maaring mangyari, hindi tayo yung nagiging kung sino mang gusto niyang maging tayo. Parang lobo na kulang sa hipan dahil nakakatakot na kapag pinahangin ito ng malaki ay baka pumutok. Pero hindi ba, yung mga malalaking lobo ang mas kinatutuwaan natin? Dahil sila ay naistretch at naganap sa kanila kung gaano kalaki dapat sila.

Pangalawa, God is increasing our XP level
Nilikha tayo ni Lord hindi lamang para magexist dito sa mundo at mabuhay ng masaya. May mga panahon na kailangan Niya tayong i-istretch. Kahit ikaw pa ang pinakamagaling, kailangan mo pa din na magstretch. Kapag hindi tayo nagstrecth, ay hindi natin maabot ang mga pangarap Niyang binigay sa atin at mananatili lamang tayo kung nasaan tayo.

Pangatlo, Unlimited ang Supply ni Lord ng Pag-asa
Umaagaw ng atensyon ang pag-aalala sa akin sa buong linggo. Pero ang maliliit na sinag ng pag-asa na galing sa kaniya ay ang nagsilbing pahingahan ko at lakas. "My flesh and heart failed, but God is the strength of my heart and my reward forever." (Psalms 73:26 LEB). May mga araw na pagod na pagod na ko at umuwi sa bahay na namamanhid na ang mga paa. Pero hangga't ang Diyos ang nagpapaandar ng mundo, palaging may pag-asa. Kapag naaalala kong kontrolado Niya at maari ko siyang pagkatiwalaan ang lahat ay napapalagay ako.

Pang-apat, Wag matakot
"Do not be afraid of them, for I am with you and will rescue you,” declares the Lord." (Jeremiah 1:8 NIV). Mahirap maniwala sa mga nakasulat lamang kapag nasa gitna ka ng problema. Madaling sabihuin. Mahirap gawin. Pero lalu ko Siyang nakilala noong pinatunayan Niya na hindi Niya ako iiwan.

Pang-lima, Ang tamis ng tagumpay ay pinakamasarap kapag galing sa pinakamadugong gera.

Worth it ba lahat ng pagod at sakit sa puso? Oo! Kung hindi ko naranasan ang mga iyon ay hindi ko makikilala ng lubos ang aking Tagapag-Ligtas. Kung hindi ko naranasan ang madilim na paligid ay hindi ko malalaman na may liwanag Siyang binibigay.  Faith stretching, ika nga.

Punong puno man ang buhay ng hirap, hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Ang mga luha at pagod ay may ibubunga din. Kapag hindi mo na alam kung anong gagawin, tandaang may Diyos na higit na nakakaalam ng lahat. Ibulong sa Kaniya lahat ng takot at pangamba. Kahit kailan, hindi Siya magpapabaya.


Visitors

Popular Post

Followers

- Copyright © 2013 Prisoner's Free -Metrominimalist- Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -