Sunday, November 3, 2013


Pag galit ka, madali na lang ibomba ang Facebook at magparinig. Ang daling gumawa ng intriga, magpatama, gumawa ng tsismis at sapulin ang mga kaaway mo. Kapag nagpost din ng something fishy yung kalaban mo, "Ay tinamaan?", sabay evil laugh. Minsan, paawa effect pa para makuha ang simpatya ng mga tao. Kapag maraming likers ang post mo, feeling mo, kakampi mo ang mundo. Anong ibig sabihin nito? Paki-explain.

Madali kasi para sa atin, lalo na sa mga outspoken na tao ang ibulalas aggressively ang ating mga nararamdaman. Walang pinagkaiba sa pagiging hot-tempered at walang self control sa tunay na buhay lalu na kapag nasa isang uncontrolled situation. Problema ito ng mga artista. Isang maling post lang nila sa twitter, nagkakatrabaho na ang mga intrigera at chismosa. Paikot ikot ang cycle. Hindi lang sa kanila kundi sa atin ding mga simpleng mamamayan. Hindi mo lang napagtanto, mayroong dalawang bagay na nasasapul sa iyo sa bawat hate post mo: Image at Integrity.

Two opposite ends ang dalawang bagay na ito. Image: kung sino ka sa harap ng madaming tao. Integrity: kung sino ka kapag magisa ka lang. Sa bawat post mo  mayroong mga nagI-strongly agree, agree, disagree at strongly disagree sa iyo. Pero sabi nga ni Donya Ina, marami pa din yung mga walang paki. Sa mga likers ng post mo, may dalawang types pa yan: yung mga may pakialam talaga sa iyo at yung mga nakakarelate lang talaga sa sitwasyon mo.

Pero kahit ano pa mang tingin nila sa stat mo, ang image mo ay nabubuo sa mga tao lalu na kapag galit ka o desperado na. Sabi nga nila, mas nakikilala mo ang isang tao sa mga uncontrolled situations niya. Kahit sabihin mong virtual lang ang cyber space, may essence mo pa din ang bawat post at share ng mga patama quotes dahil may pinanghuhugutan ka. Hindi ka naman robot at hindi naman captcha ang pinopost mo.

Kadalasan, ang mga hate posts lalu na yung mga personal ay ginagawa in secret o kapag mag-isa ka lang. Mas madali ngayon dahil naka mobile na halos lahat. Hindi mo naman ipapacheck sa Pastor yung grammar ng hate post mo dahil irerebuke ka niya bago mo pa maipost iyon. Katulad ng kahit anong kasalanang ginagawa in secret, ganun din ang pagfoformulate ng mga posts na nagmumula sa iyong heart of hearts. Sapul ngayon ang integrity mo.

Elibs ako sa mga taong malilinis ang FB walls. Akala ko noong una ay restrained lang talaga sila at may self control. Maganda ang image nila dahil sila ay mga tao na may integridad. Sa aking journey bilang isang Internet user, ilan ito sa mga nadampot ko:

"Kapag nagpost ka, siguraduhin mong kaya mong panindigan" -Ptr Ronald Molmisa

"Kung tunay kang leader, isettle mo muna yung mga issues mo sa totoong buhay bago mo isuka sa FB ang galit mo na as if maayos nito ang problema mo" - Ptr Ron Fortaleza

"Wag mong isipin na mga friends mo lang ang makakakita ng mga posts mo"- Beng  Alba

"Wag kang magpopost kapag galit ka. Ipost mo yan kapag hindi ka na galit. Subukan mo kung mapopost mo pa iyan" - Ptr Migz Poja (rephrased)

Huwag na nating dungisan ang mundo at gamitin ang Social Media para gumawa ng mga World War sa mga kaibigan natin. Sa internet, malaking porsyento ang miscommunication tulad ng parinigan at patamaan dahil  sa mga indirect na messages na binabato natin against sa ating mga pinakamamahal na kaibigan. Mag-logout. I-off ang wifi, kausapin ng personal ang nakasakit sayo. At nang maging hayahay ang buhay.

Visitors

Popular Post

Followers

- Copyright © 2013 Prisoner's Free -Metrominimalist- Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -