- Back to Home »
- Ask Me Quick: Common Youth Ministry Problems
Wednesday, November 27, 2013
May tanong na galing tumblr ko (http://oneday-isangaraw.tumblr.com/)
"Hi po youth leader po ba kayo ng church nyo? ano po ung mga problems na na encounter nyo sa ministry? okay lang po ba na mahurt pag di sumusunod yung youth. thanks po."
Naging youth leader ako noong 3rd Year Highschool. Binusog ako ng mga lessons, failures, successes, pains at character shaping na sobrang worth it. Since na bata pa ako, I expect na sobrang madami pa din akong matututunan.
I guess hindi naman mawawala talaga ang problema ministry lalo na sa youth.Ang youth ministry ang pinakamakulay sa lahat. Sabi nga ni Doug Fields, tayong mga youth leaders ang pinakapagod. Icompare mo daw sa mga ushers na sunday lang nagtratrabaho or sa mga Sunday School teachers na nagpreprepare at nagtuturo ng lesson.. [ Wala kong something against sa ibang ministry ah. :)) ] Tayo daw kasi, imba yung trabaho natin. Mag-disciple ka ba naman ng mga tao na pa-usbong palang ang pagka-tao at inaayos ang foundations ng buhay + mga nasa puberty stage pa na mga nagwawala dahil sa lovelife.. Fully involved ang buhay mo, load mo, time pati pera sa kanila. Isama mo pa ung fact na youth ministry talaga ang palaging target ni Satan dahil ayaw niya na magkaroon ng ‘future’ ang church. Sabi nga, wala naman siyang pakialam sa mga thunders kasi thunders na sila. Pero ang mawalan ng future ang church ay sobrang satisfying kay Satan.
Practically, ang mga usual na problema: resources, support at church culture. (Primary na naisip ko)
Resources - dahil youth ang hawak mo at hindi naman sila gaanong kayayaman, limited din ang resources mo. Pero kung resourceful ka, magagamit mo yung mga creative juices nila. Isa pa, kapag naintindihan nila at inembrace nila yung vision ng youth ministry, kahit kapos sila, magbibigay sila para sa ministry. So kami, madalas naming kinocommunicate yung vision, success indicators, risks-if-not-happened, ng mga ginagawa namin sa mga youth.
Pero sabi nga, relax lang, Christ love the church more than we do. Pinakamasarap na ginawa ni Lord sa amin ay nagpadala siya ng isang hulog-ng-langit na support. Yung youth leaders retreat namin ay first class, private at all-expense paid. Ang great ng God.
Support - Pag sa mga thunders naka-focus ang church at hindi nila alam yung significance ng youth ministry, you get minimal support.
Ang pinaka-worst pa siguro na problema ay isipin ng mga church leaders mo na threat ka sa kanila or sabihan kang nag-eestablish kayo ng sarili niyong kingdom. Masakit ‘yan kasi sa heart of hearts mo ay napakaclear ng consensya mo. At! kahit kelan, hindi mo naman naisip na makipag-compete sa church. Relate na relate much ang kwento ni David dito. Leader niya si Saul at ang init ng mata ni Saul sa kaniya.
Tiyagaan lang talaga ‘to. Prayers. Saka magestablish ng relationship sa mga leaders. Kahit anong mangyari, sila pa rin naman ang leaders at inappoint sila ni Lord.
Nagsubmit kami sa mga leaders namin. Kapag sinabi nilang bawal or hindi pwedeng gawin, kahit na sobrang sakit, dugo at pawis ang binuhos namin, okay lang. We followed. Talagang trust in the Lord with all our hearts and lean not on our own understanding. Well, it turned out din naman na tama sila nung may time na hindi nila kami pinayagan na magheld ng camp just because hindi pa naman talaga namin kaya. Pero may mga projects kami na mga nag-success kaya na-gain din namin yung trust ng mga leaders eventually. Nung nakikita na yung mga transformations sa buhay ng mga youth namin, inask kami nung Senior Pastor namin na kung pwede, pati yung Young Professionals ay hawakan na rin namin. So, buti na lang, nagtiwala kami sa Lord - na alam Niya lahat. Kahit matagal at masakit. It’s so worth it and so rewarding.
May mga magulang lang talaga na hindi ipagkakatiwala yung mga anak nila sa iyo. Aattend sila ng church pero hindi nila iallow yung mga anak na nila na idisciple. Winithdraw nila yung mga anak nila nung nawalan kami ng Youth Pastor. Wala na kaming hold ‘don.
Church Culture - Pag traditional yung church at naka-stick sa culture na pwede namang basagin, feeling mo, naiipit ka. Gusto mong umabot sa mga kabataan pero nakatali ka naman sa traditional setup o Ang lungkot. Sabi nga ni Gabe Lyons, hindi naman aalis sa church ang mga kabataan dahil ayaw nilang maging Christian. Naghahanap sila ng environment na pwede silang maging Christian in a culture that constantly changing. Hindi dapat kinakain ng kultura ng simabahan ang mensahe ng simbahan. Sabi nga ni Andy Stanley, "If the church is for everybody, we dare not create a church culture that excludes any body".
Hindi naman sobrang traditional ng church namen.. pero dahil may ibang mga youth na iba na ang mindset sa church, may gagawin kaming project this sunday (Dec1) para abutin sila.
Organizational problem pa lang ‘yan. :)
May mga young people talaga na hindi nakikinig. Ang hirap umintindi. Laging nauuna ang puso at emotion. Pwedeng sumunod sila sa’yo (halimbawa..) na huwag muna mag-bf/gf.. pero after ilang weeks, balik to landi-mode na naman ‘yang mga ‘yan. Pwedeng makinig sila sa’yo, papagsabihan mo sila. Hanggang mahihiya sila sa’yo at eventually, hindi na sila magkwento at feeling nila, helpless sila. Tapos, syempre, dahil mahal mo sila at hindi sila nakinig o sumunod, masakit talaga. Una, dahil may care tayo sa kanila. Pangalawa, dahil pride natin sila.
Mas relational ang mga bagets ngayon. Susundin nila kung sino yung masmadalas na naghuhulog sa Love Bank nila. Kung mas-na-affirm pa sila ng mga crush/m.u./jowa nila, dun sila pupunta. May sense ako na masnagiging loyal ako sa mentor ko dahil masfeel kong anak at loved ako. So, mas feel ko na sumunod at makinig sa kaniya. Wag na nating iexpect na makinig sila at susunod kung hindi naman natin naiparamdam sa kanila how much we cared for them. Well, bilang tao, hindi natin talaga ‘to kaya na mag 24/7 sa kanila. Hindi lang dahil napakahirap ng youth ministry, kundi hindi naman talaga tayo ang Savior at Lord nila. Gawin na lang natin yung best na masmaging influencial sa mga buhay nila more than sa influence ng mundo sa kanila. At hindi talaga dapat mawawala na si Jesus talaga ang solution ng mga desires nila. Mawala man tayo, dapat maging fully founded sila kay Lord.
Isa pang problema ay sarili din natin. Sabi ni Craig Groeschel, sobrang entitled ng generation ngayon. Super achievers habang bata pa. Parang di mawawalan ng bukas. Akala natin, magaling na tayo or equipped with experience na. Gusto natin madali ang lahat. Pati yung growth ng mga youth.Inuuderestimate daw kasi natin kung anong pwedeng gawin ni Lord sa lifetime natin at inooverestimate yung pwede nating magawa within a period of time. Example, gusto nating maging author ng isang libro. Gusto natin, agad agad makapagpublish ng book without taking into consideration na marami pang pwedeng gawin sa atin si Lord within 10 years pa at nang maging tunay na source of wisdom yung book na ilalabas natin. So as leaders, kailangan nating maging teachable (includes humility) at maging student of life. Kahit ako, nagcrecrave pa din ako sa wisdom ng mga thunders at nagbabasa pa din ako ng mga leadership books. Kailangan eh. At kailangan ding iapply. Sabi ng mentor ko, yung growth ng ministry ay nakadependent din sa growth ng leader. Ang ministry na hindi naggrogrow ay nagrereflect ng isang leader na hindi naggrogrow (qualitative) Saka never be in a hurry. Mas pumapangit ang outcome ng crafts natin kapag minamadali. Isa pa, kung pabilisan lang ang youth ministry, nagkanda-dapa dapa na tayo.
Tip ko lang, synergize yung mga strengths ng youth leaders. Sa case namin, meron kaming vision caster, detail-master, at networker. Hindi natin kayang gawin lahat. Accomplish more by doing less. Piliin lang yung mga bagay na ikaw lang ang makakagawa, yung iba, ipasa mo na sa ibang youth. You’ll give them opporunity to serve and feel nila na you trust them as well.