Archive for 2012

2012: Year of Blessings!



Malapit ng magpaalam ang taon. Ang bilis. Parang kelan lang noong nagbabalik tanaw ako sa taong 2011. Ngayon 2013 naman ang kinapapanabikan. Sa listahan ko ng mga request kay Lord ngayong 2012 ay madami na namang sinagot si Lord. Lubos akong nagpapasalamat dahil mga plano Niya ang nasunod at mas malaki pa sa mga inaakala ko ang kaya Niyang ibingay. Patunay din ito na binago Niya ang laman ng aking puso at mga naisin.




Gaya ng mga nakaraang taon, ibinigay ni Lord ang aming family request. Dumating si Goldy, isang Mitsubishi Galant, sa amin hindi pa man nangangalahati ang taon. Binigay ito ni Lord sa Kaniyang tamang timing. Hindi lamang iyon ang grinant ni Lord. Nagprovide din Siya upang kami ay makapagbakasyon kasama ang iba naming mga kamag-anak.

Laiya, Batangas
Ngayong 2012 din ay nakapag-libot ako sa labing-dalawang (12) iba't ibang lugar dito sa Pilipinas. Nakita ko sa sariling mga mata ang greatness Niya at kagandahan ng Kaniyang mga ginawa. Naenjoy ko ang mga masusungit at tahimik na dagat, sampal at laming ng hangin, mapuputing buhangin, over over over looking, naglalakihang rock formations, mga bituin na parang naka-retina display at madami pang iba!



Pristine Beach, Puerto Princesa, Palawan

With Kids at Abongan, Palawan during our Mission Tour

Kapurpurawan
Pagudpud

with CPI Friends @ Grande Island, Subic

Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil inalagaan Niya ang aking career. Napromote ako at nakaranas ng 3 salary increases. Gumawa rin Siya ng paraan para ako'y matuto. Ipinakilala niya ako mula sa lumang technology hanggang sa bago ngayon. 

With some of the college friends @ Vigan, Ilocos Sur
Nasaksikhan ko rin ngayon ang spiritual growth ng aking mga kaibigan. Masaya akong unti unti silang nagiging involved sa church at ministry. Masarap sa pakiramdam na hindi na ako nagiisang Kristiano sa barkada. Hindi na mahirap makipagkwentuhan ng mga bagay na tungkol sa Kaniya.


Nagpadala si Lord ng isa sa malalaking blessings sa buhay ko. Si Pastor Ronald Molmisa. Inallow ni Lord na mag-krus ang landas namin at maging mentor ko siya. Noong una'y sa pagsusulat. Ngayo'y sa iba't ibang bagay na rin lalu na sa ministry. Isinama Niya ako sa pag-advance ng Kaniyang kingdom sa buhay ng mga kabataang Pilipino. Nagpapasalamat din ako sa Panginoon dahil ipinagkatiwala Niya sa akin ang spiritual growth ng aking mga disciples at ang pagdami ng mga disciples sa Youth Ministry ng church.

With Lovestruck Movement Core Team






Isa rin sa mga masasarap na blessings ni Lord ang patuloy na pagbabago Niya sa akin, sa patuloy na paglilinis sa aking puso at pagtatanggal ng mga hindi kaaya-ayang bagay sa akin. Patuloy Niya akong tinuturuang magmahal, magpatawad at magpakumbaba. Lubos akong nagpapasalamat sa Panginoon dahil binuksan Niya ang mga mata ko sa mga bagay na malalapit sa Kaniyang puso.

Hindi nawawala ang mga sakit sa puso, crying moments, higpit ng sinturon ng taon. Pero salamat sa  Panginooon dahil sinamahan Niya ako sa mga panahong ito. May mga panahon mang nasusugatan ako noong 2012, ngunit alam kong ito'y dahil sa kagustuhan ni Niya upang mahubog ako.

Muli, Salamat Lord. Salamat sa bawat pagkakataong ipinakikilala Mo ang iyong sarili sa akin. Maraming salamat sa pagmamahal mong hindi nagbabago at sa pagiging tapat Mo palagi. :)

Monday, December 31, 2012

Discipleship

Noong nandito pa Siya, isa sa mga una Niyang ginawa bago mag ministry ay ang maghanap ng Kaniyang mga disipulo. Hindi muna Siya nagpakilala sa mga tao , o nagpagaling ng may mga sakit o nagpakain ng isang baranggay. Hinanap muna Niya sila. Noon ay direktang binahagi ng Panginoon ang kaniyang buhay sa kanila. Hindi lamang siya nagturo, nagpakita ng mga kababalaghan. Hindi lang sila nag-Praise and Worship. Kasama Niya silang naglakad ng mga malalayong lugar, tinama Niya ang kanilang mga kamalian, nagkainan, tawanan, tinawag na Kaniyang mga kapatid at higit sa lahat, ipinakilala Niya ang kaniyang sarili.

Ang salitang "Kristiano" ay iilang beses lamang binanggit sa Biblia. Ang tawag ng mga taga-sunod ni Kristo sa kanilang mga sarili ay "Disciple". Fast forward tayo ng dalawang libong taon, ang bagay na binigyan ng importansiya ng Panginoon ay tila isa na lamang programa o suggestion na activity ng mga simbahan ngayon. 

Ngayon, marami nang tumanda sa kanilang pananampalataya at natatakot pa ring magdisciple. Meron namang ilan na hindi ito pinahahalagahan. Aksaya daw sa oras. Corny. Old school. Maari mo nang itawag ang lahat dito, ngunit wala kang magagawa dahil ito ay mandated ng Panginoon bago siya umakyat sa langit.

Ano bang nakakatakot sa discipleship? Ang pag-mentor at maginvest sa mas nakababatang Kristiyano? Matuto sa buhay ng ibang tao? Magbahagi ng iyong buhay? Maging kapatid nila? Maitama at magtama ng mali ng bawat isa? Magkaroon ng mga kaibigang magtatayo sayo kapag nadapa ka o magsisindi ng ilaw mo kapag namatay ito? Maraming kasing nagiisip na ang discipleship. Hindi kasi ito yung tipikal na inaakala mong Bible Study na information overloaded. Hindi ito para sa mga Kristianong mahuhusay lamang. Kung papaanong inimbita ni Jesus si Matthew noong Tax Collector pa siya at kinamumuhian ng marami dahil sa mga ginagawa niya, ganoon din tayo iniimbita ng Panginoon upang makibahagi nito. Akala ng iba, ang pangunguna ng isang discipleship group ay gawain lamang ng mga Pastor at mga guro. Inutos ito ng Panginoon sa lahat ng Kaniyang mga anak. Basta tuwid kang maglakad sa pagsunod mo kay Kristo ay maari kang makatulong sa mga naglalakad ng pasuray-suray.

Sa discipleship, hindi mo kailangang maging palaging tama sa mga itatanong sa iyo. Kailangan mong maging totoong tao upang maibahagi mo ang buhay mo at lumago kang Kristyanong genuine at walang bahid ng kaplastikan. Ang discipleship ay hindi patalinuhan o pagalingan. Ito ay tulungan at palakasan ng mga magkakapatid. Relasyon ang pangunahing punterya nito. Ito ay pagiinvest ng panahong kasama sila katulad ng ginawa ni Jesus. Sila ang mga kaibigan mong magtatama sa iyo (Proverbs 27:17) , magmamahal sa iyo, magsisindi ng namatay mong kandila, tutulong sa iyong tumayo (Eccl 4:10) at makakasama mo sa hirap at ginhawa. Bilang Kristyano, mahalagang magkaroon ka ng mga makakatuwang mo.

Personally, malaking tulong ang naidulot sa akin ng discipleship. Masyadong malakas ang agos ng mundo. At napakahirap na sumunod sa Panginoon kung may mga umiipluwensiya sa iyo na makamundo. Nang ako'y magkaroon ng mga kaibigan at mga kasama sa aking lakad, mas lumakas ang loob ko at nasabing, "hindi ako nag-iisa sa pagsunod". Masakit man na marebuke sa mga pagkakamali ay sigurado namang ito ay ang pagtatama din ng Panginoon. Walang Kristiyanong nagpapadisiplina ang naliligaw ng landas. Ang pag-lago sa loob ng isang discipleship group ay mas mabilis kumpara sa pag-aattend lamang sa Sunday Services. Dito, tiyakang may nagbabantay sa iyo. Sabi nga ni Dietrich Bonhoeffer, Christianity Without Discipleship Is Christianity Without Christ.
Tuesday, November 20, 2012

Rockstars, Ministers and Monsters

Noon, kapag gumagawa ako ng aking testimony, lagi kong binabanggit ang mga ministry na sinalihan ko at mga ginagawa ko para sa Kaniya. Sinusulat ko din ang mga talento na ibingay sa akin ni Lord. Bakit? Gusto kong ma-please ang mga taong babasa o makikinig nito. Kailan lang ay nakita ko ang aking testimony na sinulat 3 years ago. Isa lang ang nasa isip ko, "Nakakahiya kay Lord!!".

Isang araw, tinanong ko ang mga youth sa aming church, "Bakit ka nagmiministry?". "Para magamit ni Lord ang talent ko", sagot ng karamihan. "Kung talent lang naman ang hanap ni Lord, eh di sana si Jessica Sanchez na lang ang ginamit Niya. Bakit Siya gagamit ng hindi naman magaling kung talent lang din ang basehan?"

Noong isang araw, sabi ko sa kanila, "Kapag sa ministry ay pinagsabihan kayo, huwag kayong magdadamdam o magagalit. Kapag nagtampo kayo at nag pusong mamon, sarili niyo na'ng talaga ang pinaglilingkuran niyo".

Marami na akong nasaksihan na mga kabataan na sumasali sa ministry dahil sa kagustuhan nila. Ang sabi ng iba, pinagpray daw nila. Mayroon din naman mga tinanggal na ni Lord. Meron din yung mga pag pinagsabihan mo, magagalit o magdadamdam sayo. Mayroon din yung mga rockstars at mahilig mag-public display of talents lang. Paano ko nalaman? Nangangamoy kasi ang mga motives ng mga puso ng mga tao sa kanilang paggawa. Kadalasan ineexpose ito ni Lord. At kapag ganito, hindi nakakapag-usher sa presence ni Lord. Walang kwenta ang ginagawa. Walang laman ang mga lyrics ng mga kanta sa Praise and Worship. Walang halaga ang pagtuturo. Wala! "..His worshipers must worship in the Spirit and in truth.” (John 4:24)

Pagsumali ka sa ministry, tandaan mong kay God ito at hindi sa iyo. Bago ka sumali, kilalalanin mong mahusay ang grandess, holiness at iba pang ness niya. Kapag nalaman mo kung gaano siya ka-enggrande, kalaki at ka-glorious, mahihiya kang maki-agaw sa kaniyang glory. Madami sa mga kabataan ang sumasali sa ministry nang hindi kilala ang kanilang pinaglilingkuran. "Magaling ako Lord, ginagawa ko ito para sa iyo". Sorry, hindi pumapayag si Lord na may makishare sa glory Niya. Hindi dapat bilangin at ipamukha sa mga tao kung anong nagagawa para sa Kaniya na as if may utang na dapat bayaran si Lord. Wala nang mashihigit pa sa nagawa ni Lord na sakripisyo para sa atin.

"Hindi tayo rockstars, ministers tayo. Hindi tayo nandito para magpasikat", sabi ng mentor ko. Hindi natin deserve ang glory and honor na dapat lamang ay kay Lord. Hindi na tayo dapat nakikiagaw pa. Nakakapagod lang 'yon at nakakafrustrate pa. "..whoever wants to become great among you must be your servant." Matthew 20:26

Dati rin akong rockstar. Ngunit hindi ko gusto na manatili na lamang na ganito dahil nakapagtanto ko na walang direksyon ang ganitong lakad. Niyakap ako ni Lord at ipinaalala Niyang muli kung gaano Niya ako kamahal. Nagpakilala Siya (at patuloy na nagpapakilala). Nalaman ko kung gaano Siya kalaki. Ooooaah! Sinabi Niya kung saan tumitibok ang Kaniyang puso at kung saan Niya ako nais maki-participate para sa Kaniyang glory. Isang prebelehiyo ang paglingkuran ang King of kings.

Ministers tayo. Servants. Hindi tayo rockstars na parang monsters sa pag-agaw ng glory ni God. Very truly I tell you, no servant is greater than his master, nor is a messenger greater than the one who sent him. John 13:15-16

Friday, November 16, 2012

Sinungaling

Makikita sila sa bahay niyo. Nagkalat din ang iba sa Edsa. Minsan, nakikipagtitigan pa sa'yo ang kanilang mga mata. Hinihikayat ka. Marami rin sa iba't ibang babasahin, panoorin at minsan kasama mo pa. Mayroon silang mensaheng nais iparating. Ang kadalasan nilang sigaw, " You're not enough!"

Kung ang mga kasinungalingan ay nasa hangin, malamang ay polluted na ang paligid. Sinasadya nga siguro ng mga advertisments, kagaya ng mga nasa billboards, magazines, TV, babasahin at kung sino pa na ipakita sa iyo na may kulang sa pagkatao mo para tangkilikin mo ang kanilang produkto. Trabaho lang daw, walang personalan.

Lumingon kang sandali. Naalala mo ba noong unang tinusko ang ninuno mong si Eba? "For God knows that when you eat from it your eyes will be opened, and you will be like God, knowing good and evil.”Genesis 3:5 (NIV)..

"Kulang ang pagkakalikha sayo". Iyan ang kasinungalingang lumason sa isip ni Eba. Sinabi sa kaniya ng kalaban na mayroon siyang mga hindi nalalaman. Siguro nga'y naisip niya na mayroong mga ipinagdadamot sa kaniya ang Diyos. Hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng tiwala sa kanyang Manlilikha.

"Kulang ang pagkakalika sa'yo". Walang pinagkiba sa kasinungalingang binubulong ng kaaway noon hanggang ngayon sa mga atin. Kaya kabikabila ang mga tao, lalu na sa mga babae, ang hindi kontento, pilit na binabago ang pisikal na anyo, mababa ang tingin sa sarili at walang tiwala sa Diyos.

Espesyal ang pagtingin ng Panginoon sa mga babae at may kung anong formula sa pagkakalikha. Sa hindi natin malaman na kadahilanan, si Eba, hindi si Adan ang tinusko at nilapitan. Fast forward ng ilang libong taon at napakasignificant pa din ng mensahe ng kwentong iyon. Si Eba at hindi si Adan ang mas madaling matukso, maloko at masaktan.

Hindi lamang sa mga ipinapakita ng media madaling maniwala ang mga kababaihan. Isama mo pa ang mga taong ibinababa siya sa mga pananunukso at pananlalait. Ang tawag dito ay "Death Words". Ito ang mga salitang pumapatay sa kaniya. "Bobo ka", "Panget mo!", "Wala kang kwenta!". Iyan sila. Madaling maniwala si Eba sa kaniyang mga naririnig. At kadalasan, ang mga kasinungalingang naririnig ang tumatayong katotohanan sa kaniyang buhay.


Apektado rin ang kaniyang lovelife sa mga pambobola at matatamis na mga salita ng manliligaw na lampas langit pa kung mangako. Paulit ulit sa kaniyang isip ang mga sinasabi sa kaniya ng pursuer. Tumatakbo palagi sa kaniyang diwa ang mga ginagawang "chivalrous acts" ng mga lalaking wala namang balak na mahalin siya. Masmadali kasing mag-assume si Eba dahil masyadong nagiisip. Kalaban niya ang uso ngayong gawain ng mga kabataan na sweet-sweetan lang. Ang unang mahulog, taya. Ang nabubuntis, siyang mukhang kawawa.

Ilang taon lang na nakalipas ay merong isang mama na ibingay ang buhay niya para ipakita sa iyo na mahal na mahal ka. Sa kabila ng lahat ng kasinungalingang sumisigaw at pumapatay sayo, sinabi nia, "I am the way, the truth and the life..". Kahit anong sabihin sa iyo ng mundo ay walang halaga kumpara sa mga sinasabi sa iyo ng iyong Manlilikha. Namatay ang tao (pagkakahiwalay sa Diyos na Siyang buhay) dahil lamang sa isang kasinungalingan. Wag mong hayaang kasinungalingan din ang pumatay sa iyo. Dapat mabuhay ka sa Katotohanan, kay Hesus. Tigilan na ang pagbabasa ng mga magazine na nagpopollute ng isip mo. Ihinto ang pagkukumpara ng sarili sa ibang tao. Wag nang manood ng mga panuoring naglilimita sa iyong mga pangarap. Alagaan ang sarili hindi para akitin ang mga kalalakihan. Gawin ito dahil ang katawan mo ay templo ng Panginoon. Hanapin mo ang katotohanan sa Salita ng Diyos. Iyan ang magpapalaya sa iyo.

Friday, September 28, 2012

Alpha & Omega, Thank You For The Everlasting Love

Thank you for Your love, so extraordinary I could not comprehend.

Thank you for your grace even if I don't deserve it, even if I offended You, even if I disobeyed and rebelled.

Thank you for pursuing me even if I'm not lovely, choosing me even if I'm not worthy.

Thank you for guiding me everyday, for protecting me in all my ways.

Thank you for being there when my heart wants to explode, when I'm broken.

Thank you for giving me rest when I'm so tired.

Thank you for being my strength when I cant take anymore step.

Thank you for being my wisdom when I dont know what to do.

Thank you for being my light when I cannot see anything but darkness.

Thank you for being my hope when all else failed.

Thank you for being my certainty when I'm confused.

Thank you for being right when all is wrong.

Thank you for being my satisfaction when I want to crave for something else.

Thank you for your wide open arms when I wanna run back to you.

Thank you for you are my only rightousness.

Thank you for being my everything cause I am nothing.

Thank you for loving me even if I'm unaware.

Thank you for supplying the air I breathe everytime.

Thank you for carrying me, for carrying the cross for me.

Thank you for fighting for me.

Thank you for restoring me when I deserve nothing but to die.

Thank you for dying just for me to live.

Thank you for hiding me, for being my shelter when it's raining cold outside.

Thank you for being my comfort when no one knows I need it.

Thank you for holding me close to your heart.

Thank you for moving the heavens and earth, even the history, just for you to find me.

Thank your the plans you had for me that I need not to be worry.

Thank you for being so patient with me even it took you so long..

Thank you for setting me free.

Thank your for not condeming me even if You're holy, holy, holy.

Thank you for mercy even if I deserve death in your justice.

Thank you for cutting my chains that I may dance with you.

Thank you for rising up hope when my faith is dead.

Thank you for being so victorious that I may too.

Thank you for reigning still, for bring in charge of everything that I need not to worry about tomorrow, or about anything.

Thank you for being my first love.

Thank you for creating me that I may live with you.

Thank you for rising up the sun everyday and letting me feel the heat of your love.

Thank you for being my reward even If I'm undeserve.

Thank you for making me complete - for filling up the hole in my heart.

Thank you for everything. Words cannot express the gratitude I had here. I'm forever Yours.

Tuesday, September 4, 2012

EvangeLigaw

Old school na ang katagang ito para sa mga kabataang Kristyano. Ngunit para sa kaalaman ng mga hindi nakakaintindi, ang Evangeligaw ay ang pagsheshare ng gospel ng mga Kristyano sa kanilang sinisita na hindi mananampalataya para maging legal o payagan ng simbahan o ng mga magulang ang kanilang relasyon. May kaakibat itong famous line na "malay mo, makilala niya si Lord dahil sa iyo"

Sinabi ni Paul sa 2 Corinthians 6:14 na hindi tayo maaring makipagrelasyon sa mga hindi mananampalataya. Ngunit tila walang linaw sa mga kabataan kung bakit nga ba ayaw ni Lord? At dahil hindi naiintintindihan ay hindi sinusunod. Madalas pang itanong sa Panginoon, "bakit ba Lord? Ayaw mo ba akong maging masaya? Akala ko ba mahal mo ako?"


Hindi dapat pagdudahan ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Sinasabi niya ito sa atin dahil mahalaga ito Kaniya. Kung hindi importante sa Panginoon ang ating relasyon, bakit pa niya pag aaksayahan ng panahon upang maisama ito sa Bible at maiparating sa atin? Kung hindi tayo mahal ng Panginoon ay dapt na hinayaan Niya lang tayong mapunta sa kung sino sino lamang. Nais ng Panginoon na sumunod tayo upang matikman natin ang inihanda Niyang plano para sa atin. Nais niyang maranasan natin ang the best at ang the fullest sa ating lovelife. Gusto Niya tayong maging masaya hindi lang sa ngayon kundi maging sa hinaharap.

Ang EvangeLigaw ay hindi mabisang paraan. Wala pa akong nabalitaang successful na relasyon na dumaan dito. Ang tanong marahil ng Panginoon, "Paano mo siya sheshare-an ng magmamahal ko, kung ikaw mismo, hindi mo naiintindihan kung gaano kita kamahal?"

 

Saturday, August 18, 2012

Laki sa Church. Laki sa layaw


Katulad ng iba, laki din ako sa sa church. Mulat ang aking murang isipan sa mga gawain sa simbahan gaya ng paghahayo, evangelism at iba pa. Alam kong maraming kailangang makakilala sa Panginoon ngunit isang araw, napakwestyon ako, "bakit ang dami kong kababata sa church na naiwan?" Maraming mga magulang sa aming church ang nagtataka sa mga nangyayari sa kanilang mga anak gayong lumaki naman ang mga ito sa kanilang tabi habang nasa gawain ng iglesya. Bakit nang nagsi-lakihan sila ay tila nakalimutan nilang lahat ang aming mga natutunan? Ngayon, salo nila ang iba't ibang expextations at madalas masabihan ng " Kristiyano ka pa naman", "Anak ka pa naman ni.. " , "Anak ka pa naman ng Pastor"..

Kailanman, hindi dapat i-assume na ang mga batang lumalaki sa simbahan ay lubos na naiintndihan ang ginawa ng Panginoon sa kanila. Hindi rin dapat isipin na kesyo Kristiyano ang magulang ay Kristyano na din ang anak. Walang apo ang Diyos. Importante ang pakikipagtulungan ng simbahan at mga magulang sa pagpapalaki ng mga anak.

Sabi ni Haring Solomon sa kaniyang obserbasyon sa Proverbs 22:6, Train a child in the way he should go, and when he is old he will not turn from it. Hindi niya sinabing ituro lamang. Sinabi niya na hubugin ang mga kabataan kung saang daan dapat sila naroon. Ibigsabihn, dapat ito ay constant at matinding pagmamatiyag.

Simulang tumungtong ang isang kabataan sa highschool ay nagiging kritikal ang lahat. Ang hudyat na sumasagot na ang isang kabataan sa kaniyang magulang ay senyales na may sarili na itong kakayahang magdahilan, mag isip at magdesisyon. Ang paniniwalang minana niya sa kaniyang mga magulang ay dapat ng suportahan nang masmalinaw. Ang pag-ibig ng Panginoon ay lubos na dapat niya ulit matutunan upang maintindihan niya ito ng masmabuti. Dapat siyang suportahan sa pagdalo niya sa gawain ng mga kabataan sa simbahan upang hindi siya maiwan, magkaroon ng mga panghabang buhay na mga kaibigan, hanggang mahubog siya sa pagigng totoong pag-asa ng bayan. Ang simbahan ay maginvest sa kabataan dahil ito ang kaniyang hinaharap. Ito ay dapat na mayroong matibay na youth ministry na nakasentro sa Panginoon at hindi sa kasiya siyang gawain lamang. Anong silbi kung aktibo ang simbahan ngayon kung wala naman itong tiyak na kinabukasan?

Ang mga kabataang lumalaki sa simbahan ay hindi dapat iwanan na lamang basta basta. Hindi dapat mag-assume na maayos ang mga buhay nila dahil sila'y mga anak ng Kristyano. Katulad ng mga nasa labas ay spiritually lost din sila at may personal na relasyon sa Panginoon na iba sa kanilang mga magulang. Dapat ay patuloy na diligan ang mga binhi na itinanim sa kanila noong kami ay bata pa.

Ito'y responsibilidad ng lahat- ng mga magulang, simbahan at gayun din ang mga kabataan.


 

Tuesday, August 14, 2012

Canon Philippines Price 2012

Para sa mga nais bumili ng camera, bumaba na ang presyo ng Canon mula noong January
Canon Philippines Price 2012

Friday, July 20, 2012

Gala sa Ilocos Norte - Ang Pagdating!

Bangui WindmillsAfter ng napakatagal na pagiipon, pagbabasa ng mga blogs ay natuloy din kami ng bestfriend ko sa aming destination last week. Marahil maraming hindi lahat nang nasa plano ay natuloy at may mga lugar na hindi napunatahan - ay nasulit naman namin ang aming Ilocos Tour. 




Hindi kami sumabi sa dagsa ng mga tao kaya nauna kami ng isang linggo. Dahil hindi naman maraming tao ang pumupunta sa Ilocos ay wala kaming choice kundi sundin ang schedule na available lamang sa Partas. Medyo napagastos more than sa expected dahil nag delux bus na lang kami. Pero sobrang sulit naman dahil napaka comfortable & mabilis. 

Partas Delux Bus
Partas Delux Bus

Pagdating namin ng Laoag, naghanap kami ng makakainan. Dahil mahilig kaming maglakad, hindi na gaanong malayo para sa amin nang maabot namin ang Muncipal Hall na malapit sa Dapayan - Ti.

Dapayan - Ti Laoag
Dapayan-Ti Amianan

Maraming tindahan sa Dapayan - Ti. Pero syempre, ang inuna namin ay Bagnet at Longganisa. 

Bagnet!

Hindi naman magkakalayo ang mga tourist attraction sa Laoag. Kaunting lakad lang ay makikita mo sila.

Laoag City
Sinking Bell Tower
Sinking Bell Tower



Laoag Market
Laoag Market


Ilocos Norte Museum
Ilocos Norte Museum

Sarado pa itong Museum nung dumaan ako. Quarter to 8 palang noon.

Tobacco Monopoly Monument
Tobacco Monopoly Monument

Katapat nito ang Ilcoos Norte Capitol

Bus going to Pagudpud
Bus going to Pagudpud
Malapit ito sa Ilocos Norte Museum.
Mga details:
Thursday - March 28, 2012
8:00 PM  Cubao to Laoag via Partas Bus  - P917.00
5:30 AM Arival at Laoag
5:45 AM Breakfast at Dapayan Ti Amianan: Bagnetsilog : P80.00 Longsilog P80.00
8:00 AM Laoag to Pagudpud: P80.00


(Ang Next post ay Gala sa Laoag: Pagudpud (coming soon))



Sunday, April 8, 2012

Big Balloons Experiece










Friday, February 10, 2012 - Sobrang excited na talaga kong umalis. Dala ko lahat ng gamit ko papuntang office & nagka-count down sa sobrang pagka-excite...

Kasama ko ang mga ka-ministry ko, ang mga Creative WERKS ppl ng Marikina Christian Fellowship. To make the story short, 1030 PM na kami nakaalis ng sibilisasyon, kumain sa McDonald's Mindanao Ave para magdinner at nakarating ng 1:00 am, February 11, 2012 -  sa Lourdes Heights  Subdivision upang makitulog.

4 AM ang usapang alis namin para maaga pa kami. 3:30 pa lang, gising na kami. Excited si Miguel, sabi niya, "Tara na, takbo na tayo don". Yung iba, ayaw pang magising, niloloko na namin na, "Andyan na ung mga balloons sa labas". Not knowing na napakalayo pa pala namin. Halos 5 AM na rin kami narating sa field at sooooooobrag dami nang tao. Medyo ilang layers na rin ang mga tao mula don sa edge ng bakal. Pero siyempre, nakapwesto ng magaling ang lola niyo kaya nakapwesto pa rin ako sa pinakaharap. Sarap. Sulit!

Naglalakihan ang mga lenses ng mga photographers sa tabi ko kaya sobrang nahihiya naman akong maglabas ng camera ko. Akala ko noong una, hanggang tingin na lang ang mga mata ko, pero dahil once in a lifetime este a year pala ito, sige na ! picture na. Etong ilan sa mga nakuha ko










Syempre dahil first time iyon, marami akong napansin na mga hindi inaasahang bagay:

1) Ang mga Pilipino ay hindi talaga late. Ayon sa parking ppl don, 2-3 AM pa lang ay nagpupuntahan na ang mga tao. No wonder na magdating namin ng 5 am don ay marami nang naroon.

2) Magdala ng tent, sapin, karton, sun block, kumot, unan, kahit anong mapaglilibangan, extra batteries ng camera. Sa mga hindi pa nakakapunta, mejo weird na bakit parang may tulugan kang dala. Oo - maraming guamgawa nito. SiguroĆ½ sa sobrang dala ng pagod ay naglatag na ang mga tao. Kaya, nakigaya na rin kami. :) Sobrang tindi ng init ng araw-asahan na iyon.

3) May mga stuff, food & kung ano anong mabibili sa loob. Wala namang problema sa presyo nila, halos pareho lang sa labas kaya hindi hussle.

4) Asahang maliligo sa alikabok ang inyong sasakyang dala. Dusty sa parking space nila hindi sementado eh.

5) Sa sobrang daming tao, umasa ng heavy traffic & ayaw magbigayan papalabas sa parking.

6) Asahan din ang sobrang daming tao sa mga fastfood chains lalu na papauwi.

Visitors

Popular Post

Followers

- Copyright © 2013 Prisoner's Free -Metrominimalist- Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -