Selfie




Ilang solo pictures ang meron ka sa profile pic album mo? 100? 200? 500+?

Wag kang mag-alala, hindi tayo magkaiba. 6 mega pixels pa lang ang usong camera at de-Photoshop pa, nagseselfie na ko. Pero salamat sa powers ng filters ng Instagram at Camera 360 ay nagiging pantay ang uneven skin tone natin, naaayos ang mga oily face plus iba pang perks.

Magpasalamat tayo sa mga front facing camera na ginagamit naman talaga para sa pagseselfie at hindi para sa video call. Less ang trial-and-error effort kasi kita mo na ang tama at cute na cute mong anggulo. Pag digicam nga diba, pagkatapos ng picture-an ay magkukumpulan lahat sa camera man at sasabihing, "patingin nga! ... Burahin mo yan, Panget!!"... Hiyang hiya naman ako noong araw na de-film pa. Kabado ba sila pagkatapos magpa-debelop ng film? "Ano kayang itsura ko don?" Pero bakit nga ba natin to ginagawa?

Isang araw habang naglalakad ako sa Quezon Ave ay napansin ko ang billboard ng isang pampa-puting produkto. Ansabe, "The attention you deserve". Mabenta ang produktong ito. Madaming gumagamit. Yun pala, innate sa tao na naghahanap siya ng attention. Kaya no wonder, madaming selfie images ang nagkalat sa social media. Unconscious man o hindi ay gusto natin ng attention, likes, approval at feeling ng belongingness. Don't get me wrong, hindi mo naman ipopost yan at pagieffortan na itry lahat ng filters ng instagram kung ayaw mong ilike ng iba diba? 

Kahit mga Kristyano na, may ganito pa ding feeling. "Lord, sabi mo, fearfully and wonderfully made ako. Pero bakit pagbukas ko ng TV, mas-cute pa din sila? Bakit hindi swak ang nakikita ko sa sinasabi Mo?" Hanggang sa manlumo na sa kalungkutan, kumain ng papaitan at makaisip ng paraan para i-at-ease ang sarili. Paano? magseselfie. Pagmaraming likes, ibigsabihin, nakakuha ng maraming approval. Feeling complete na.

Hindi naman kaiba ang henerasyon natin sa mga nauna. Ilang libong taon lang ang nakaraan, may ganiyang kwentong nangyari. Natukso siya ng isang serpent sa puno. Oo, tama. Si Eba. Dahil alam natin ang ending, feeling natin, masmatalino tayo sa kaniya. Pero ano nga ba ang position niya?

Ang sabi ni God sa tao, created in His own IMAGE siya. Very good pa ngang naturingan kumpara sa ibang nilikha. Kaya lang, nung minsang natambay siya don sa may puno sa gitna, tinukso siya ng "You will be like God knowing good and evil...".. Sa isip ni Eba, 

"Bakit ganito yung sinasabi ni Satan? Na parang there's more behind sa mga sinasabi niya? Feeling ko tuloy, incomplete kami. Bakit parang may tinatago samin si God at parang hindi ko Siya mapagkakatiwalaan? at bakit ipinagbabawal pa Niya ito? " Kaya naniwala siya kay Satan. Inisip niya na iyon na ang makakapag-pakumpleto sa kaniya. 

"Di ka naman mamamatay", pangako pa ng bagong kaibigan. 
Binigyan niya si Adan, "Eto din ang makakapagpa-kumpleto sa pagkatao mo, Honey". Pero na-wow-mali sila. Imbis na makapag-pa-kumpleto, natagpuan pa nila ang sariling hubad. Nainsecure. Nahiya..

Biglang nagkaroon ng patahian ng dahon sa Eden. Kung dati, no shame sila kahit wala silang damit. Ngayon hindi na. Kumbaga sa present time, kahit na panget ka sa group picture or profile pic mo ay hindi ka mahihiya. Keribells lang. Pero dahil ganoon ang nangyari, kailangan mong itago yung mga insecurities mo. Dapat tamang anggulo at wag kang lalabas na panget. Kundi shame on you. Minsan, kailangan pa nating laitin ang ibang kapwa para lamang mas maemphasize ang kapintasan nila kesa sa atin. Saklap noh? Pero katulad ng dahon na biodegradable, hindi din permanent ang mga cover ups ng mga tao to feel liked and approved. At the end of the day, kung incomplete ka, incomplete ka pa din.

Unang utos pa lang sa kanila, epic fail na. Dahil ilang araw pa lang ang mundo, pwede siguro na irestart na lang ng Diyos ang lahat. O di kaya gumawa ng buhay sa Mars at hayaan na lang si Adam and Eve na magtahi araw araw. Disobedient naman sila eh. Pero hindi ganoon ang ginawa ni God. Hinanap Niya sila at binigyan ng permanenteng damit. Yun ang naabutang grace ni Adam and Eve and the rest is history.

Iba satin. Naabutan natin si Jesus. Para sa iba, passport lang Siya sa langit or para may mai-celebrate sa Christmas. Pero hindi lang iyon ang dala Niya. Yung desires na hinahanap natin sa mundo ay binigay ni God sa pamamagitan ng kaniyang Anak. Sabi niya "Ito (Jesus) ang ultimate na pagpapakita ko sa inyo ng attention Ko, ng pagmamahal Ko at approval". Binigyan Niya din tayo ng belongingness o karapatang matawag na anak dahil kay Hesus. Dahil sa Kaniya, ay naging malinis at kumpleto din tayo. Eto pa:

"Anak, kahit na ireject ka ng mundo, tandaan mo, dahil kay Kristo, you are complete and you are so loved. Kung nilikha kitang ganiyan, tiwala lang. Ako ang ultimate creative at ultimate creator. Sa mga mata ko, You are fearfully and wonderfully made. Ikaw lang ang nilikha Kong ganyan. Isa ka lang at hindi ako naglika ng katulad mo noon, ngayon o bukas. Hindi mo kailangang maghabol, mapagod, magkumpara o makipag-kumpitensiya. Madami pa Akong plano sa iyo. Wag kang magpapatalo sa kalaban, sinisira ka lang niyan. One day, magkikita tayo face to face. Kung anong sasabihin Ko sa iyo, iyon ang pinakamahalaga at pinaka-totoo".

Iyak ako ng iyak sa katotohanang ito. Once, nabiktima din ako ni Satan na panira ng buhay. Naging agent din niya ako sa pambubully ng ibang tao dahil sobrang low ang self esteem ko. Pero dahil tinama ni Lord ang lahat, binago Niya din ang tingin ko pati sa ibang tao. Naging secured ako sa Panginoon.

Kung napapagod ka na at gusto mo nang hubarin ang insecurities mo, siguro'y makatutulong na damhin mo itong kanta. Pakinggan mo na as if si Lord ang nagsasabi sa iyo.

http://www.youtube.com/watch?v=vqr-Q1U87fY

Tandaan, You are complete and you are so loved.
Monday, September 30, 2013

Galing Gera

Galing Gera

Isang buong linggong nakalipas. Sobrang bangag ako sa alalahanin. Kakapasok ko palang sa isang bago pero pamilyar na project. Puro research. Kailangan, mapagana ko itong feature ng mobile app kahit na hindi ko naman talaga alam kung anong gagawin.

Pagumuuwi ako, hindi na ko nakakakita ng mga tao. Pati pamilya ko, di ko na naabutang gising. Habang natutulog ako, pasan ko pa sa isip kung paanong gagawin. Hindi matahimik ang isip ko. Patuloy na naghahanap ng solusyon sa problema. Pag-gising ko, tila may mabigat na krus na nakapatong sa akin. Kung pwede lang sana pahabain pa ang tulog. Bago ako bumangon, mararamdaman ko nang luha ko sa aking pisngi. Paulit ulit na binubulong sa Panginoon, "tulungan Niyo po ako".

Maiisip kong napakadami ko nang beses na ginawa ang lahat halos nang solusyon na naisip ko at walang nangyayari. Sinisigawan ako ng kaaway, "Di mo yan kaya!!!".. ang malala pa, "di ka naman naririnig ng Diyos mo! hello? program kaya yan?!" Pagnaiisip ko 'to, napapabuntong-hininga na lang ako at sinasabing "Hindi yan totoo!" Kahit na hindi ko naman talaga alam kung anong mangyayari. Pero sa araw araw na iyon, nagpatuloy ako, nagtiwala at umasa.

Ngunit sa limang araw na tila nasa wilderness ako't walang direction, ay napakadami kong namang natutunan:

Una, God is in doing something in you.
May mga paghuhulma na ginagawa sa atin si Lord. Hindi Siya limitado sa loob ng simbahan. Pati sa opisina o sa ikswelahan. Tinuturaun niya tayo ng mga bagay na magshe-shape sa pagkatao at paniniwala natin.

Alam ni God ang ginagawa niya. Kung alam mong may direction o purpose na binibigay sa iyo si Lord, magtiwala ka, "And we know that all things work together for good for those who love God, who are called according to his purpose." (Romans 8:28 NET). Hindi ito limitado sa mga Pastor lamang o mangagawa sa simbahan, para ito sa mga tinawag Niya upang mantyahan ang mundo.

Kapag nauunahan tayo ng takot dahil hindi natin alam ang maaring mangyari, hindi tayo yung nagiging kung sino mang gusto niyang maging tayo. Parang lobo na kulang sa hipan dahil nakakatakot na kapag pinahangin ito ng malaki ay baka pumutok. Pero hindi ba, yung mga malalaking lobo ang mas kinatutuwaan natin? Dahil sila ay naistretch at naganap sa kanila kung gaano kalaki dapat sila.

Pangalawa, God is increasing our XP level
Nilikha tayo ni Lord hindi lamang para magexist dito sa mundo at mabuhay ng masaya. May mga panahon na kailangan Niya tayong i-istretch. Kahit ikaw pa ang pinakamagaling, kailangan mo pa din na magstretch. Kapag hindi tayo nagstrecth, ay hindi natin maabot ang mga pangarap Niyang binigay sa atin at mananatili lamang tayo kung nasaan tayo.

Pangatlo, Unlimited ang Supply ni Lord ng Pag-asa
Umaagaw ng atensyon ang pag-aalala sa akin sa buong linggo. Pero ang maliliit na sinag ng pag-asa na galing sa kaniya ay ang nagsilbing pahingahan ko at lakas. "My flesh and heart failed, but God is the strength of my heart and my reward forever." (Psalms 73:26 LEB). May mga araw na pagod na pagod na ko at umuwi sa bahay na namamanhid na ang mga paa. Pero hangga't ang Diyos ang nagpapaandar ng mundo, palaging may pag-asa. Kapag naaalala kong kontrolado Niya at maari ko siyang pagkatiwalaan ang lahat ay napapalagay ako.

Pang-apat, Wag matakot
"Do not be afraid of them, for I am with you and will rescue you,” declares the Lord." (Jeremiah 1:8 NIV). Mahirap maniwala sa mga nakasulat lamang kapag nasa gitna ka ng problema. Madaling sabihuin. Mahirap gawin. Pero lalu ko Siyang nakilala noong pinatunayan Niya na hindi Niya ako iiwan.

Pang-lima, Ang tamis ng tagumpay ay pinakamasarap kapag galing sa pinakamadugong gera.

Worth it ba lahat ng pagod at sakit sa puso? Oo! Kung hindi ko naranasan ang mga iyon ay hindi ko makikilala ng lubos ang aking Tagapag-Ligtas. Kung hindi ko naranasan ang madilim na paligid ay hindi ko malalaman na may liwanag Siyang binibigay.  Faith stretching, ika nga.

Punong puno man ang buhay ng hirap, hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Ang mga luha at pagod ay may ibubunga din. Kapag hindi mo na alam kung anong gagawin, tandaang may Diyos na higit na nakakaalam ng lahat. Ibulong sa Kaniya lahat ng takot at pangamba. Kahit kailan, hindi Siya magpapabaya.


Friday, September 20, 2013

Cheap Cute Glasses: Starfinder Optical

Noong last na nagpa-APE ako, nadiscover ko na malabo na pala ang mga mata ko.  Akala ko, natural lang na nagbo-bokeh talaga yung mga nakikita ko sa malayo. Yun pala, may topak na. Dahil madalas ako sa PC at designer ako, hindi ko mate-take na forever na lang ako na ganito.

Dahil walang budget, naghanap ako sa internet ng mga mura na glasses dahil can't afford ko namang gumastos para EO Optical, Sarabia at iba pa. Hindi ko rin namang trip na pumunta sa Quiapo para maka-mura dahil busy much ang schedule.

Buti na lang, nadaanan ko sa dalawang blog: Vision Improved at sa Discovgraphies ang mga post nila tungkol sa Starfinder Optical Shop.  So isang gabi, nagpunta ko sa shop nila sa Robinsons Metro East. Ito'y matatagpuan sa 2nd Floor. Isang Korean optical shop pala ito. Mga 7:45 PM na ako nakarating. Mababait yung mga staff don pati si Doktora na nag-accomodate pa sa akin kahit pauwi na siya. Pagkatapos mong mamili ng frame mo na as low as P500 lang, ia-eye check up ka na. Kung available yung lens mo, makukuha mo ito after 30 minutes pero kung hindi ay kinabukasan na. Itetext ka nila kung available na yung glasses mo.

So ito ang nakuha ko:

Expenses:
P500 (Frame) + P500 (Lens) + P500 (Multicoat) = P1,500

Alive Alive: Ang Kwento Ko Ng Mini Modern Persecution

"Alive Alive: Ang Kwento Ko Ng Mini Modern Persecution"

Isang nakakarinding tawa. Hindi magandang joke. Mina-mock ng isang barkada ang pagiging Born Again. "Alive Alive!!" kanta niya, sabay pa ng wagayway ng kamay sa hangin. Mag-isa lang akong Christian sa classroom no'n. Pulang pula na ko sa inis. "Niloloko mo ang faith ko??? Baka hindi mo kilala kung Sino'ng kinakabangga mo", bulong ko sa sarili habang tinitignan siya. Inis na inis ako sa kaniya. Gustong gusto ko siyang patulan. Ang eksanang iyon ay nag-impact sa akin sa pakikitungo ko sa kaniya. Halos lahat ng kabarkada ko'y taimtim kong ninanasa na maka-kilala sa Panginoon, maliban lang sa kaniya.

Ilang taon nang nakalipas, kahit nagsisimba na siya ay masama pa rin ang tingin ko sa kaniya. Minsan nasabi ko sa sarili, "Look who's here!! Kinain niya rin yung mga sinabi niya". Hindi kwestyon sa akin ang kakayahan ni Lord na palambutin ang puso ng isang makasalanan. Pero iba talaga yung feeling ng makita ko siya sa church. Sabi ko kay Lord, "Sa atin din pala ang huling halakhak!"

Isang araw, nabasa ko ang isang pamilyar na kwento sa Bible. Sa kwento, noong gabing iyon ay alam na ni Hesus na Siya ay malapit ng magbalik sa Ama. Alam din Niya na mayroong magtratraydor sa Kaniya. Noong gabi ding yon ay hinugasan Niya ang paa ng kaniyang mga disciples. Isa isa sila. Marahil ay nalulusaw sa hiya ang mga ito kay Lord dahil dito.

Kung katulad natin si Hesus, marahil ay nilagpasan na niya si Hudas. Kung gayon, pwede na niyang ipahiya ito, "Hindi ko huhugasan ang paa mo dahil ipagkakanulo mo lang ako!! Ano to, plastikan?!" Ngunit kahit na alam ni Hesus ang lahat ng mangyayari ay umupo pa rin Siya sa paanan ng Kaniyang betrayer at pinaglingkuran ito. Walang kulang o labis, katulad ng ginawa Niya sa ibang disipulo, hinugasan Niya ang paa ni Hudas.

Siguro nga, hindi na kailangan ng Panginoon na ipagtanggol ko Siya sa mga nanloloko sa Kaniya o sa paniniwala ko. "Lord, naalala mo pa ba noong mino-mock ka niya? Alive alive ka daw o". Ang nais Niyang makita ko ay kung anong eksaktong ginawa Niya noon. Pinili Niya na paglingkuran pa rin si Hudas kahit na alam Niyang may gagawin ito "laban" sa Kaniya. Ginawa Niya ito out of love at walang halong kaplastikan. Ganun din sa kabarkada ko na minahal Niya kahit na niloko-loko pa Siya. Ahhh. Ang unconditional love ng Panginoon sa kaniya ay nagtulak sa akin para patawarin ang kabarkada kong ito at tanggapin siya bilang kapatid sa Ama.

Sabi ko kay Lord, "Sa Iyo pa rin ang huling halakhak!"
Friday, July 26, 2013

Assumer's Prevention

"Nakakaramdam ako ng something sa kaniya. Iba kasi treatment niya sakin. Possible bang may gusto na siya sakin?"
Madalas kong makita itong tanong na 'to mula sa lahi ni Eba. Marami sa atin ang nagkamali sa mga assumptions. Ang hirap magkamali dito dahil nakakahiya. "Feelingera" daw ang peg mo kapag nag-assume ka. Mas nagbebase kasi tayo sa nararamdaman natin. Pinag-iisipan natin yung mga kilos at sinasabi nila based sa feelings at hinala. Badtrip ka sa mga mokong na nagpa-asa o nag-lead on sa iyo. Masaklap din kung nahulog ka sa mga pachuwariwariwap nila. O kaya, crush mo siya tapos akala mo gusto ka niya. Either sinasadya nilang ipain ka or talagang naturally sweet lang sila. Uso pa naman ngayon ang pa-sweet lang. Ang unang ma-fall, talo. Hindi ka pwedeng mag-assume dahil epic magkamali. So anong pwede mong gawin o isipin?
#1 "Ang kapatid ay kapatid. Walang talo talo" Mindset
Natural sa mga lalaki ang maghanap ng "ate" or "sister" na masasabihan ng nasa loob nila na hindi nila usual na nasasabi sa mga ka-baro nila. Madalas akong hinihingiian ng time nitong mga "kapatid ko sa labas" para lang makipagkwentuhan. Huwag mag-assume na ikaw na ang gusto niyang "wife-to-be" dahil lang feeling mo, suitable helper ka na agad agad. I-honor mo lang iyon at wag sasayangin ang kanilang tiwala. Hindi nila ito usually ginagawa sa iba dahil hindi naman natural talkers ang mga guys. Pero hindi dahil ikaw ang napili nilang sukahan este kwentuhan ay mag-iisip ka na ng kung anong malisya.
Pinapahalagahan talaga nila't inohonor ang mga mga sisters/ate nila kaya't nagpapaka gentleman sila. Hayaan mo silang praktisin nila ito sa iyo gayun din ang ibang character na kailangan nilang madevelop. Sumakay ka na lang kung gusto ka nilang ilibre. Matuwa ka na lang kung may unique na tawag sa iyo. Pero hanggang do'n na lang yon. Do not over analyze things.
#2 "Bored lang siya" Thinking
Minsan tatabihan ka na lang bigla at makikipagkulitan, aasarin, manggugulat, bigla kang kikilitiin sa tagiliran, hihiritan ka ng pinakamalupit nilang natutunang pick-up line, icha-chat ka o di kaya'y magtetext. Iisipin mo, "Bakit ba siya nagbibigay ng time? Gusto ba niya kong makilala?"
Huwag mag-assume, bored lang talaga sila. Walang magawa. Wag bigyan ng laman ang mga actions nila. Hindi naman lahat ng bagay na ginagawa ng tao ay may purpose. Minsan out of nowhere lang. Parang pag-jojoke lang. Minsan walang purpose. Nagjojoke dahil bored lang talaga. So do not take them seriously.
#3 "I can go the Distance"
Hindi mo forever kayang ihandle ang mga espiritu ng ka-sweet-an at ka-boringan ng mga lalaki lalu na kung trip mo na din siya o di kaya ay sinasadiya na ipain ka para ma-fall ka na. Minsan makakalimutan mo na lang ang lahat ng natutunan mo o di kaya'y isang hakbang na lang ay mahuhulog ka nasa bangin. Distansiya distansiya din pag may time. Lumayo sa tukso. Wag patukso. Um-arms-sideward-raise din para magka-space. Masmadali kang makakain ng predator mo kapag malapit ka masyado.
Nasa isip talaga ang unang battlefield mo. Kaya sabi ni Paul sa Philippians 4:8-9, "Finally, brothers and sisters, whatever is true, whatever is noble, whatever is right, whatever is pure, whatever is lovely, whatever is admirable—if anything is excellent or praiseworthy—think about such things." Panatilihin ang purity ng kaisipan. Huwag mag-isip ng malisya. Piliin ang katotohanan at kapuri-puri. Maghanap ng mga mas mature na masasabihan para maitama kung anu man ang iniisip mo. Kapag mga ka-level mo lang ang pinagkwekwentuhan mo, baka tuksuhin kanlang din nila lalo. "Ayii! Haba ng hair mo teh!" lang ang masasabi nila sa iyo.
Sa mga guys na nagbabasa nito, huwag naman pa-fall at pa-lead-on. Emotional-logical ang mga babae. Iniisip at pinagcoconnect connect ang mga actions at mga palipad hangin niyo. Be a real gentleman hindi lamang sa pagsakay sa jeep o pagbubukas ng pinto. Igalang din ang kanilang emotional and mental purity. Be their protectors and trusted brothers.
Sunday, June 30, 2013

Bakit Single Pa Din?

Tila to the Nth power ko na naririnig ang tanong na yan. To the Nth power ko na ding binibigay ang vague kong sagot. Either Busy ako or hindi ko pa time. Gusto kong ishare sa inyo ang answers behind..


 

Ang Single Season sa buhay natin ay:

 

#1 Season para mag-set ng foundation para sa marriage.

Sabi ng isang Pastor, kadalasan hindi naman marriage problem ang issue ng mag-asawa. Kundi ang dalawang taong may single problem na nagsama. Parehong may problema sa paghandle ng pera, walang pasensya, o kung anu ano pang problema ng indibidual na tao. Walang magic na mangyayari sa kasal mo na bigla na lang maayos ang lahat ng tinatago mo. Dadating ang panahon na magfloafloating na lang silang lahat sa harap mo. At dahil may kasama ka pa, mas komplikado. Gamitin ang season na ito upang tumakbo kay Lord at magpa-ayos. Dumadaan ako sa season na ito ngunit panatag ang loob ko dahil ayaw kong maging sakit ng ulo ng makakasama ko.

 

#2 Testing Period

Para sa akin, hindi porket naka-graduate ka na ay ready ka na talaga. Actually, naguumpisa ka pa lang. Para kang ibon na nag-aaral pa lang lumipad. Hindi mo pa timplado kung matibay na ang pakpak mo. May times na papalya ka pa. Kung tutuusin, nakatira ka pa nga sa mga magulang mo at nakikiinom ng tubig sa baso nila.

Ito ang panahon na may sarili ka ng pera, mas malaya ka sa oras mo at nakakabili ka na ng mga sarili mong gamit. Ito yung panahon na naeenjoy mo na ang iyong pakpak at pa-Starbucks Starbucks na lang o kaya'y papunta punta na lang sa Pagudpud o Cebu. Pero hindi ibigsabihin ay stable ka na. Pag-nawalan ng pera, okay lang andiyan naman si Mama. Pero pag nasa relasyon ka na, masakit sa ulo na wala ka manlang pangtext.

 

Dumadaan ako sa season na ito ngayon, madami na kong naputahang lugar at madaming beses na din akong umasa kay Mama. Ito ang testing period kung nagiging good and faithful servant ka ba sa resources ni Lord.

 

#3 Serving Time

Gaya ng sabi ko sa #2, ito yung panahon na mayroon ka nang malayang oras para gawin ang gusto mo. Panahon ito para makapagbigay ng undivided attention sa ministry. Dito din mataas ang growth period dahil nagseserve ka at nakakahalubilo ng ibang tao. Chance ito para mas maayos ang character na napaka essential sa #1. Ito yung panahon na matututo kang maglead at magsubmit. Ang pag-lead at pag-submit ay essential sa buhay ng magaswa, right? Gamitin ang season ng buhay na ito para maggrow at magserve.

Saturday, June 22, 2013

Surrender


Sabi nga nila, isang paraan para magkaroon ng magandang lovestory ay ipaubaya mo sa Lord ang pagsusulat nito. Napagtanto ko na merong dalawang klase ang pasuko ng lovelife kay Lord:

Yung una, nagsusuko ng lovelife kay Lord para sa kaniya (sa taong nagsusuko).
Yung pangalawa, nagsusuko ng lovelife kay Lord para sa Kaniya (Kay Lord, sa glory Niya).
Anong pinagkaiba nila?

Yung una, madalas magworry, “Lord, kelan ba? Lord, paano na? Lord, sino ba? Lord, siya na ba?” Isang worrier.
Madalas, pagpagod na sila kahihintay, kinukuha ulit nila ang pen ng pagsusulat ng lovestory kay Lord.

Yung pangalawa, “Lord, ano mang mangyari sa takbo ng lovelife ko, gamitin mo ang buhay ko para sa glory Mo”. Isang warrior para sa glory ni Lord na walang hidden agenda. Nagtitiwala at nagmamahal ng lubos sa Panginoon.

Sabi nga ng Matthew 6:33, “Seek first the KINGDOM OF GOD and His righteousness, and all these things shall be given to you”.

Oo, kasama ang pinakawoworry ng mga tao-ang lovelife.
Sabi nga ng Lovestruck, If you want your lovelife to be worry-free, you must find yourself lovestruck with the Lord!
Friday, May 31, 2013

Young Pro o Young Poor



O anong hirap mag-ipon kung yuppie ka't single pa. Lahat kasi ng kalayaan ay nasa iyo. Wala kang masyadong responsibilidad di tulad ng mga pamilyado. Marami kang time para magpunta sa malls. Sabayan pa yan ng mga kung anu-anong makikita mo dito, sa tv, internet at maging sa mga kaibigan mo. Laging may bagong labas na phones laptops, media players at mga can afford naman pero mahal pa rin na DSLR's. Ito rin yung panahon na masarap pang mag-explore ng mga hobbies tulad ng photography, travelling at kung anu ano pang nagrerequire sayo para maglabas ng pera.

May social pressure ding dala ang pagiging single. Pag ikaw ang may pinakamataas na sweldo sa barkada o kaya'y employed ka sa isang prestige na company, babangayan ka ng grupo na ikaw ang manlibre. Ang hirap pang sumama sa mga kitaan dahil bihado'y kakain na naman kayo sa masasarap at mahal na kaninan. Pag chapakokok na at hindi up to date ang phone mo, medyo nkakahiya ring ilabas ito. Ang sikat ay yung may iPad 4 at yung may cellphone na nakakakuha ng HD videos sa underground river (water proof na, high tech pa).

Isang malaking temptation ang credit card. Kapag meron ka na nito, mas lalo kang may kalayaang bumili ng mga bagay na hindi mo naman talaga afford pa. Ang ending point mo, hindi ka na nga nakakapagipon, may utang ka pa.

Sabi ng mga eksperto, ang finances daw ay 20% knowledge at 80% behavior. Kahit alam na alam mo na ang lahat ng financial strategies sa mundo, pero hindi umayon ang puso mo, wala rin.

Isang powerful line ang natutunan ko tungkol sa bagay na ito. "Decide what percentage of your income you're going to live because if you're not going to, the malls and the culture will decide for you". Katulad ng nabanggit ko sa itaas, maraming singles ang naprepressure lamang ng mga kaibigan at ng kapaligiran para mag-acquire ng mga bagay. May mga binibili para magpa-cute lamang at hindi naman talaga kailangan. Ang masakit na katotohanan ay may 12 months kang may kailangang bayaran at 1 month ka lang naging cute dahil may bago na namang lumabas na mas bagong gadget. Minsan, kahit hindi naman swak sa lifestyle ay napakataas ng standard of living. Ang hilig makipagsabayan sa mga anak mayaman. Sabi tuloy ng karamihan, "Masasabi mo bang mahirap ang Pilino eh ang daming naka iPhone?".

Marami sa atin ang plano ng plano o budget ng budget ng ating kayamanan. Maraming hindi nagsuccess dahil nagplano lang at hindi nagdecision ng buong puso na sundin ito. Ang mga decisiong ito ay magte-take effect kapag nasa loob ka na ng mall o nasa harap ka na ng temptation. "Maganda kang rubbershoes ka, pero dahil hindi ka swak sa lifestyle ko, hindi muna." Minsan, nakakainggit sila sa mga gamit nila. Pero hindi mo alam, mas naiingit sila sa himbing ng tulog mo dahil meron silang financial pressure na natamo mula sa mga gabundok na kailangang bayaran.

Naisulat ko ito dahil dumaan ako dito. Noong nakaraang taon ay napakadami kong napuntahang lugar at mayroon akong mga bagong gadgets. Though financially capable akong bayaran sila at somehow ay kailangan, dahil mali pa rin na bilhin ko sila, ay alam kong hindi ako naging "good and failthful" na steward. Dala ko ang mga consequences ng mga careless decisions na ginawa ko noon. Sabi nga, what you reap is what you will sow 10 times greater. Maraming dumaang opportunities para makapag-bigay at makapagsupport sa ministry at ibang tao. Ngunit naharangan ang willingness na magbigay ng mas marami dahil sa mga kailangang bayaran. "Debt is keeping you from putting your money to where your heart is", sabi ni Andy Stanley.

Sabi ni Mr. Chink Positive, bago bumili ng kung anu-ano, number 1, irecognize na ang perang hawak mo ay pera ni Lord at hindi sa iyo. Maraming nagkamali dito dahil, "gusto ko namang enjoyin ang pera ko" Ngayon lang naman daw pero bukas, ganun ulit. Number 2, Huwag bumili kung hindi kailangan at gusto lang pag-pacute. Pag financially pressured ka na at may ibang taong nangangailangan, hindi mo maappreciate ang cuteness mo. Madali ring magpalit ng technology dahil hindi nasasatisfy ang tao. Number 3, Huwag bumili ng bagay na uutangin lamang. Ibigsabihin ay hindi mo talaga afford iyon. Ang hindi mo kayang bilhin in cash ay hindi mo talaga kayang bilhin. Pag-umutang ka ng pang-gadget na babayaran ng 12 months. Pagkatapos ng 12 months ay sawa ka na sa gadget mo at bihadong may lumabas na naman ng bago. Kung may utang ka at may ipon ka, ubusin mo ang ipon mo at bayaran ang utang. Aanhin mo ang ipon mo kung alipin ka pa ring kung sino o anong bangko na humihingi sa iyo ng kung anong hidden charges.

Lastly, magsurrender kay Lord. Ang kasiyahan at satisfaction na hinahanap mo ay hindi maibibigay ng kahit anong bagay na mabibili. Ito'y nanggagaling sa Kaniya lamang.
Saturday, March 9, 2013

Made to Conquer


Pag tinanong mo ang mga lalaki kung anong gusto nila sa isang girl, may common silang answer - "Maganda". Pero tanungin mo ang mga babae kung anong gusto nila? Tila halo halo ang sagot. Pero sa pagbabasa ko ng sari saring answer key, meron akong isang natumbok na pinaka. Wanna know?

Marami kang makikitang magagandang babae na may kasamang jowa na mukha namang mabait, masipag at makakalikasan. :) Hindi kasi masyadong nakatuon sa physical attributes ang lahi ni Eba.  Ano nga bang hinahanap niya?

Nakakatuwang isipin kung paano dinesign ni Lord ang mga desires ng babae at lalaki. Kung gusto ng mga lalaki na nirerespeto siya. Ang gusto naman naman ng mga babae ay yung someone na rerespetuhin niya. Bakit? dahil tungkulin ng babae na magsubmit sa lalaki. Ang hirap magsubmit sa taong hindi mo naman alam kung karespe-respeto. Pansin mo ba, basta Pastor, ang ganda ng asawa. Maganda ang asawa. Respetado ang pastor (Hahaha! peace sa mga pastor. Nirerespeto ko po kayo.)

Maraming babae ang nasa marriable age na ngunit hindi pa rin nakakapagasawa dahil naghahanap ng someone na pwede niyang sundin. Yung alam niyang may patutunguhan sa buhay, may vision at direction. Kaya nga maraming babae ang nahuhumaling sa may asawa na  dahil yung mga married men ay marami nang mga achievements sa buhay, may leadership skills at may vision pa.


Maraming lalaki ang nakakapasok lang sa relasyon dahil cute sila. Pero sad to say ay hindi sila nagtatagal dahil sa immaturity. Boys lang who remained boys at takot na pumasok sa commitment. Ganito rin yung "sarap lang ang hanap" at paasa lang na nagbibigay ng sweet nothings sa mga babae. Nakakasira ng bangs!

Kaya sa mga lalaking nagbabasa nito, wag nang masyadong patagalin ang adolescent stage. Hindi dahil gusto nating magmatch-making, kundi dahil kailangan ka din ng lipunan at ng simbahan. May mga promised land  si Lord na kailanganan mong suungin na nangangailangan ng courageous leadership. Paano ka magiging leader at paano ka rerespetuhin kung sa kanang kamay mo ay mouse ng computer ay sa kaliwang kamay mo naman ay salamain.

Lastly, tandaan mo, Sir, you are made to conquer!


Thursday, March 7, 2013

Tiis Ganda

Liberal na ngang maituturing si Gabriela. Aba, akalain mong marunong nang pumorma.

Dahil sa corrupt na ang mundo ngayon, maraming kabataang Kristiyano ang nalilito na rin ang isip. "Pwede bang manligaw ang babae?" Tanong ng marami. Iniisip kasi nilang pwede ito dahil marami namang ibang gumagawa.

Isang tanong na nainkwentro ko, "Pwede bang lapitan ni girl ang crush niyang guy at makipagfriends?". Sagot ng marami, "gorarats teh! Walang masama, friends lang naman". Sagot ko, hindi.

Napakadecietful ng puso. Sundin mo ito ng isang hakbang, hindi mo alam - dadalhin ka na pala nito sa bangin. Kahit nga Satanic Bible naniniwalang "Do what thou will shall be the whole of the law". In short, "Follow your heart". Parang si King David, na nagpaiwan lang gera. May nakita siyang babaeng naliligo (Bath! she ba?) pagkatapos ng ilang kembot, murderer na siya.

Personally akong kinausap ng nagtanong. Sabi ko sa kaniya, "Pagkatapos mong maging kaibigan ang crush mo, hihinto ka ba? Hindi. Susunod no'n aasa kang maging close kayo at hihilingin na sana maging mutual din ang feelings." Masakit ang katotoohanan. Pero atleast nagising siya.

Mula sa panliligaw, pag-amin sa crush o simpleng pakikipag-kaibigan sa napupusuan. Lahat ng 'yan ay may pareparehong motibo. Binigyan tayo ng roles ni Lord bilang lalaki't babae. Si lalaki ang leader, initiator at pursuer. Maraming akong kakilalang nagfail ang relasyon dahil ang babae ang nangunguna. Dahil si girly ang nagstarat, ayaw niya nang magsubmit at ayaw magpaka-leader ni lalaki. Hanggang sa napagod na lang sila, nagsawa at parehong naghanap ng iba kung saan sila'y magiging sila.

Girls, hayaan silang mag-Man up. Kapag nanligaw ka ng lalaki, hindi boyfriend ang tawag don kundi girlfriend! Sabi nga ng isang pastor, "If you pursue him now, you'll pursue him all of your life". Ikaw ang makikipag-kaibigan, ikaw ang hahabol. Ikaw ang magsusundo, maghahatid, magpapakain, etc. Hindi mo gawain 'yon!

Kaya't tiwala kay Lord at magkakalovelife ka rin! Umi-step sa faith kahit wala ka pang makita. Minsan, ang salitang tiwala at pagpre-pray kay Lord ay hindi lubos na pinapansin. Lalo na sa panahon ngayon na napakaikli ng attention span ng mga bagets at lahat ay gustong instant. Hintayin mo ang will ni God. Hayaan mong ipag-pray ka at ipursue ka with sweat and blood ng lalaki. Mas mainam nang mag-"Tiis-Ganda" at magpahaba ng hair kesa naman one day, ikwekwento mo sa mga anak mo na nanligaw ka sa tatay nila.

Lastly, pakinggan mo kung anong sinasabi ng Panginoon sa iyo. Sa Katotohanan ka kumuha ng wisdom sa mga gagawin mo sa buhay. Hindi kung saan saan na cu-corrupt ng iyong isipan. Mahal ka Niya at pinuruse ka Niya. Kahit hindi ka confident sa sarili mo ay maganda at precious Ka sa paningin Niya. Tandaan mo, kahit walang lumapit sa iyo, you are loved.
Wednesday, March 6, 2013

Visitors

Popular Post

Followers

- Copyright © 2013 Prisoner's Free -Metrominimalist- Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -