Saturday, March 9, 2013



O anong hirap mag-ipon kung yuppie ka't single pa. Lahat kasi ng kalayaan ay nasa iyo. Wala kang masyadong responsibilidad di tulad ng mga pamilyado. Marami kang time para magpunta sa malls. Sabayan pa yan ng mga kung anu-anong makikita mo dito, sa tv, internet at maging sa mga kaibigan mo. Laging may bagong labas na phones laptops, media players at mga can afford naman pero mahal pa rin na DSLR's. Ito rin yung panahon na masarap pang mag-explore ng mga hobbies tulad ng photography, travelling at kung anu ano pang nagrerequire sayo para maglabas ng pera.

May social pressure ding dala ang pagiging single. Pag ikaw ang may pinakamataas na sweldo sa barkada o kaya'y employed ka sa isang prestige na company, babangayan ka ng grupo na ikaw ang manlibre. Ang hirap pang sumama sa mga kitaan dahil bihado'y kakain na naman kayo sa masasarap at mahal na kaninan. Pag chapakokok na at hindi up to date ang phone mo, medyo nkakahiya ring ilabas ito. Ang sikat ay yung may iPad 4 at yung may cellphone na nakakakuha ng HD videos sa underground river (water proof na, high tech pa).

Isang malaking temptation ang credit card. Kapag meron ka na nito, mas lalo kang may kalayaang bumili ng mga bagay na hindi mo naman talaga afford pa. Ang ending point mo, hindi ka na nga nakakapagipon, may utang ka pa.

Sabi ng mga eksperto, ang finances daw ay 20% knowledge at 80% behavior. Kahit alam na alam mo na ang lahat ng financial strategies sa mundo, pero hindi umayon ang puso mo, wala rin.

Isang powerful line ang natutunan ko tungkol sa bagay na ito. "Decide what percentage of your income you're going to live because if you're not going to, the malls and the culture will decide for you". Katulad ng nabanggit ko sa itaas, maraming singles ang naprepressure lamang ng mga kaibigan at ng kapaligiran para mag-acquire ng mga bagay. May mga binibili para magpa-cute lamang at hindi naman talaga kailangan. Ang masakit na katotohanan ay may 12 months kang may kailangang bayaran at 1 month ka lang naging cute dahil may bago na namang lumabas na mas bagong gadget. Minsan, kahit hindi naman swak sa lifestyle ay napakataas ng standard of living. Ang hilig makipagsabayan sa mga anak mayaman. Sabi tuloy ng karamihan, "Masasabi mo bang mahirap ang Pilino eh ang daming naka iPhone?".

Marami sa atin ang plano ng plano o budget ng budget ng ating kayamanan. Maraming hindi nagsuccess dahil nagplano lang at hindi nagdecision ng buong puso na sundin ito. Ang mga decisiong ito ay magte-take effect kapag nasa loob ka na ng mall o nasa harap ka na ng temptation. "Maganda kang rubbershoes ka, pero dahil hindi ka swak sa lifestyle ko, hindi muna." Minsan, nakakainggit sila sa mga gamit nila. Pero hindi mo alam, mas naiingit sila sa himbing ng tulog mo dahil meron silang financial pressure na natamo mula sa mga gabundok na kailangang bayaran.

Naisulat ko ito dahil dumaan ako dito. Noong nakaraang taon ay napakadami kong napuntahang lugar at mayroon akong mga bagong gadgets. Though financially capable akong bayaran sila at somehow ay kailangan, dahil mali pa rin na bilhin ko sila, ay alam kong hindi ako naging "good and failthful" na steward. Dala ko ang mga consequences ng mga careless decisions na ginawa ko noon. Sabi nga, what you reap is what you will sow 10 times greater. Maraming dumaang opportunities para makapag-bigay at makapagsupport sa ministry at ibang tao. Ngunit naharangan ang willingness na magbigay ng mas marami dahil sa mga kailangang bayaran. "Debt is keeping you from putting your money to where your heart is", sabi ni Andy Stanley.

Sabi ni Mr. Chink Positive, bago bumili ng kung anu-ano, number 1, irecognize na ang perang hawak mo ay pera ni Lord at hindi sa iyo. Maraming nagkamali dito dahil, "gusto ko namang enjoyin ang pera ko" Ngayon lang naman daw pero bukas, ganun ulit. Number 2, Huwag bumili kung hindi kailangan at gusto lang pag-pacute. Pag financially pressured ka na at may ibang taong nangangailangan, hindi mo maappreciate ang cuteness mo. Madali ring magpalit ng technology dahil hindi nasasatisfy ang tao. Number 3, Huwag bumili ng bagay na uutangin lamang. Ibigsabihin ay hindi mo talaga afford iyon. Ang hindi mo kayang bilhin in cash ay hindi mo talaga kayang bilhin. Pag-umutang ka ng pang-gadget na babayaran ng 12 months. Pagkatapos ng 12 months ay sawa ka na sa gadget mo at bihadong may lumabas na naman ng bago. Kung may utang ka at may ipon ka, ubusin mo ang ipon mo at bayaran ang utang. Aanhin mo ang ipon mo kung alipin ka pa ring kung sino o anong bangko na humihingi sa iyo ng kung anong hidden charges.

Lastly, magsurrender kay Lord. Ang kasiyahan at satisfaction na hinahanap mo ay hindi maibibigay ng kahit anong bagay na mabibili. Ito'y nanggagaling sa Kaniya lamang.

Visitors

Popular Post

Followers

- Copyright © 2013 Prisoner's Free -Metrominimalist- Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -