Monday, March 4, 2013

Hindi ako ko kumportable kapag may nakikita akong mag-asawang nag-away. Sino bang hindi? Parang may holy war na nangyayari at hindi ka maaring mangialam. Dahil witness ako sa pagsasama ng aking mga magulang, nakikita ko ang buhay nila 24/7. Mula sa unselfish nilang pagmamahalan hanggang sa kanilang World War 3.

Dahil lulong tayo sa entertainment, madaming bagay sa reality ng buhay ang hindi natin alam. Akala natin, kapag nagsama na ang dalawang taong nagmamahalan, they'll live happily ever after na hanggang sa hangganan. Hindi naman pinakita na nairita si Sleeping Beauty sa kaniyang prince nung ginising siya nito mula sa masarap nitong tulog. Tila ba perpekto na ang lahat kapag kinasal na sila. Kaya na-oover desire ng mga tao, lalo na ng mga kabataan, ang pag-aasawa na tila ba ito na ang kanilang way para makapag-great escape mula sa buhay na nakagisnan.

Sorry to say pero marami na ang nagkamali. Kapag nag-asawa ka, lahat ng baggage mo noong single Ka, unless settled, ay dala dala mo. Ang mga unhealthy financial habits, physical at emotional impurities, at mga behaviors na tinatago tago mo ay parang multong lalabas muli. Maraming mag-asawa ang nagkakaproblema hindi dahil sa kanilang marriage problem. Ito ay dahil sa dalawang individual na nagsama at may parehong single problems.

Pag-nagasawa ka, unti unti mong malalaman na yung girl o guy of your dreams ay hindi pala si Mr. o Ms. Right dahil hindi siya perpekto. Siya lang si Mr. /Ms. Right one for you. Maraming pagkakataon na Hindi na cute ang lahat. Dito ay Biglang liliwanag ang Bible sa 2 Corinthians 13 at malalaman mong ang love ay hindi para sa pagpapaka-cheezy lamang. Kapag sinabing Love is Patient, hindi lamang ito tungkol sa paghihintay. Patience talaga na dadalhin ka sa dulo ng iyong pisi. Nang sinabing Love is Kind, ito'y tungkol sa pagiging considerate sa nararamdaman ng bawat isa. Kailangan ng partner mo na mahalin mo siya. As in. Kaya nga walang palabas sa TV o movie tungkol sa mag-asawang nagsasama dahil ang tunay na pag-ibig ay hindi pagpapa-cute lamang at madalas, hindi entertaining.

Ang marriage ay dinesign ni God. Maganda ito. Über. Ang magandang marriage ay ang isa sa mga pinakamagandang regalo ng mga magulang sa kanilang mga anak. Ito ay nakakatulong sa hindi lamang sa lipunan kundi pati na rin sa church at ministry. Kailangan ng lalaki ng katuwang niya dahil hindi niya kayang gawin ang mga bagay na mag-isa at kailangan naman ng babae ng proprotekta sa kaniya.

Kaya ikaw na single, lasapin mo ang season na ito para maghanda. Baka maculture shock ka sa kamamadali mong mag-asawa. Panahon ito para isettle ang mga accounts kay Lord at sa ibang tao. Ito ang nalalabi mong mga taon para praktisin sa pamilya at mga kaibigan ang 2 Corinthians 13. Panahon ito para harapin si Lord at maging kumpleto sa kaniya at matagpuang Siya ang iyong first at forever love. Sa paghahandang ito, may dumating man na the one o wala ay hindi ka talo dahil naging faithful ka kay Lord. Tandaan mo, ang mga pangako ni Lord ay pinaghahandaan at hindi hinihintay ng nakanganga.

 

Visitors

Popular Post

Followers

- Copyright © 2013 Prisoner's Free -Metrominimalist- Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -