- Back to Home »
- Caution Bago Pumasok sa Relasyon
Highlight na nga ata sa buhay kabataan ang lovelife. Masarap nga naman kasi ang feeling ng minamhal at nagmamahal. Para kang nang nakasakay sa ulap. Ang tamis isipin na may nagke-care sayo, nag-iisip , nilalaman ka ng status at kung anu ano pang perks ng in a relationship.
Madaming dahilan si kabataang Kristyano para kulitin si Lord na payagan siyang mag-lovelife. "Inspiration lang naman eh", sabi ng nakakarami. Kahit hindi naman pumayag si Lord, sige lang. Wapakels sa planet earth kapag tumibok na ang puso.
Isa pang dahilan ng mga bagets ay ang social at media pressure. Sabi ng TV, ang cute cute mong tignan kapag meron ka nang kaholding hands kahit bata ka pa lang. Dahil nalulunod sa entertainment ang mga kabataan ngayon, hindi niya alam na isa pala itong malaking kasinungalingan.
Relational beings tayo. Ganyan tayo nilikha ng ating Diyos. Kahit Siya, alam niya na kailangan natin ng makakasama. Uhaw tayo sa pagmamahal. Kaya't minahal tayo ng Diyos natin ng uber uber. Yun nga lang, ang pagmamahal na inaalay Niya sa atin ay hinahanap ng maraming kabataan sa iba. Ang masakit nga lang niya'n - hindi naman nakakapatid ng uhaw ang pag-ibig na hindi galing sa Diyos Ama.
Marami tayong alam na mga iba't ibang kwento ng mga true-to-life loves stories na tragic. Eto yung mga tatlo araw hanggang ilang buwan lamang nagtatagal. Ang iba naman, matapos ang ilang taong pagsasama, sasabihin ng isa, "Break na tayo. Hindi na AKO MASAYA". Love ba yan? Nauso din ang mga Assumero/Assumera Fever. Nag-aassume ang isang tao na type din siya ng prospect niya dahil gusto niyang mapunan ang nais niyang mahalin din siya. Ang sakit sa bangs diba?
Kaya't ikaw na nagbabasa nito. Dapat mong maunahan na Ikaw ay Sobrang mahal ni Lord. You are Loved. Ginawa tayo ni Lord na may mga ganitong desires dahil gusto Niyang Siya mismo ang magfill nito.
Ang tamang condition ng isang puso upang pumasok sa relasyon ay kung siya ay uberly satisfied sa Panginoon. Hindi na niya kailangan ng inspirasyon dahil inspired na siya. Hindi na siya madaling nabobola ng mga pick up lines dahil lagi niyang pini-pick up ang Bible niya at alam niya na kompleto na siya kay Jesus. Secured siya dahil siya ay "hold-in-hands" ni God. Hindi siya naghahanap ng partner para lamang sumaya o ma-fill ung void sa heart niya. Hindi niya kailangang mag-assume na may magmamahal sa kaniya dahil malinaw sa kaniya na mahal na mahal siya ni Lord. At kayang kaya niyang magmahal ng iba na hindi humihingi ng kapalit dahil ang love na nasa kaniya ay nag-uumapaw.
Muli, hindi mo kailangan ng ibang tao para mahalin ka. You are loved.