Friday, July 26, 2013

"Alive Alive: Ang Kwento Ko Ng Mini Modern Persecution"

Isang nakakarinding tawa. Hindi magandang joke. Mina-mock ng isang barkada ang pagiging Born Again. "Alive Alive!!" kanta niya, sabay pa ng wagayway ng kamay sa hangin. Mag-isa lang akong Christian sa classroom no'n. Pulang pula na ko sa inis. "Niloloko mo ang faith ko??? Baka hindi mo kilala kung Sino'ng kinakabangga mo", bulong ko sa sarili habang tinitignan siya. Inis na inis ako sa kaniya. Gustong gusto ko siyang patulan. Ang eksanang iyon ay nag-impact sa akin sa pakikitungo ko sa kaniya. Halos lahat ng kabarkada ko'y taimtim kong ninanasa na maka-kilala sa Panginoon, maliban lang sa kaniya.

Ilang taon nang nakalipas, kahit nagsisimba na siya ay masama pa rin ang tingin ko sa kaniya. Minsan nasabi ko sa sarili, "Look who's here!! Kinain niya rin yung mga sinabi niya". Hindi kwestyon sa akin ang kakayahan ni Lord na palambutin ang puso ng isang makasalanan. Pero iba talaga yung feeling ng makita ko siya sa church. Sabi ko kay Lord, "Sa atin din pala ang huling halakhak!"

Isang araw, nabasa ko ang isang pamilyar na kwento sa Bible. Sa kwento, noong gabing iyon ay alam na ni Hesus na Siya ay malapit ng magbalik sa Ama. Alam din Niya na mayroong magtratraydor sa Kaniya. Noong gabi ding yon ay hinugasan Niya ang paa ng kaniyang mga disciples. Isa isa sila. Marahil ay nalulusaw sa hiya ang mga ito kay Lord dahil dito.

Kung katulad natin si Hesus, marahil ay nilagpasan na niya si Hudas. Kung gayon, pwede na niyang ipahiya ito, "Hindi ko huhugasan ang paa mo dahil ipagkakanulo mo lang ako!! Ano to, plastikan?!" Ngunit kahit na alam ni Hesus ang lahat ng mangyayari ay umupo pa rin Siya sa paanan ng Kaniyang betrayer at pinaglingkuran ito. Walang kulang o labis, katulad ng ginawa Niya sa ibang disipulo, hinugasan Niya ang paa ni Hudas.

Siguro nga, hindi na kailangan ng Panginoon na ipagtanggol ko Siya sa mga nanloloko sa Kaniya o sa paniniwala ko. "Lord, naalala mo pa ba noong mino-mock ka niya? Alive alive ka daw o". Ang nais Niyang makita ko ay kung anong eksaktong ginawa Niya noon. Pinili Niya na paglingkuran pa rin si Hudas kahit na alam Niyang may gagawin ito "laban" sa Kaniya. Ginawa Niya ito out of love at walang halong kaplastikan. Ganun din sa kabarkada ko na minahal Niya kahit na niloko-loko pa Siya. Ahhh. Ang unconditional love ng Panginoon sa kaniya ay nagtulak sa akin para patawarin ang kabarkada kong ito at tanggapin siya bilang kapatid sa Ama.

Sabi ko kay Lord, "Sa Iyo pa rin ang huling halakhak!"

Visitors

Popular Post

Followers

- Copyright © 2013 Prisoner's Free -Metrominimalist- Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -