Saturday, June 22, 2013

Tila to the Nth power ko na naririnig ang tanong na yan. To the Nth power ko na ding binibigay ang vague kong sagot. Either Busy ako or hindi ko pa time. Gusto kong ishare sa inyo ang answers behind..


 

Ang Single Season sa buhay natin ay:

 

#1 Season para mag-set ng foundation para sa marriage.

Sabi ng isang Pastor, kadalasan hindi naman marriage problem ang issue ng mag-asawa. Kundi ang dalawang taong may single problem na nagsama. Parehong may problema sa paghandle ng pera, walang pasensya, o kung anu ano pang problema ng indibidual na tao. Walang magic na mangyayari sa kasal mo na bigla na lang maayos ang lahat ng tinatago mo. Dadating ang panahon na magfloafloating na lang silang lahat sa harap mo. At dahil may kasama ka pa, mas komplikado. Gamitin ang season na ito upang tumakbo kay Lord at magpa-ayos. Dumadaan ako sa season na ito ngunit panatag ang loob ko dahil ayaw kong maging sakit ng ulo ng makakasama ko.

 

#2 Testing Period

Para sa akin, hindi porket naka-graduate ka na ay ready ka na talaga. Actually, naguumpisa ka pa lang. Para kang ibon na nag-aaral pa lang lumipad. Hindi mo pa timplado kung matibay na ang pakpak mo. May times na papalya ka pa. Kung tutuusin, nakatira ka pa nga sa mga magulang mo at nakikiinom ng tubig sa baso nila.

Ito ang panahon na may sarili ka ng pera, mas malaya ka sa oras mo at nakakabili ka na ng mga sarili mong gamit. Ito yung panahon na naeenjoy mo na ang iyong pakpak at pa-Starbucks Starbucks na lang o kaya'y papunta punta na lang sa Pagudpud o Cebu. Pero hindi ibigsabihin ay stable ka na. Pag-nawalan ng pera, okay lang andiyan naman si Mama. Pero pag nasa relasyon ka na, masakit sa ulo na wala ka manlang pangtext.

 

Dumadaan ako sa season na ito ngayon, madami na kong naputahang lugar at madaming beses na din akong umasa kay Mama. Ito ang testing period kung nagiging good and faithful servant ka ba sa resources ni Lord.

 

#3 Serving Time

Gaya ng sabi ko sa #2, ito yung panahon na mayroon ka nang malayang oras para gawin ang gusto mo. Panahon ito para makapagbigay ng undivided attention sa ministry. Dito din mataas ang growth period dahil nagseserve ka at nakakahalubilo ng ibang tao. Chance ito para mas maayos ang character na napaka essential sa #1. Ito yung panahon na matututo kang maglead at magsubmit. Ang pag-lead at pag-submit ay essential sa buhay ng magaswa, right? Gamitin ang season ng buhay na ito para maggrow at magserve.

Visitors

Popular Post

Followers

- Copyright © 2013 Prisoner's Free -Metrominimalist- Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -