3 Myths of Being An NGSB/NBSB

Nakakaproud maging NBSB (or NGSB for the guys). Feeling mo,  nalusutan mo lahat ng temptations na dumaan sa puso mo.  You're so glad na wala kang pinatulan sa mga iyon.  May mga "Buti na lang" moments and you're thanking God dahil kapag kinasal ka na,   pwedeng pwede mong sabihin ang mga linyang "Ikaw lang ang minahal ko sa buong buhay ko" o di kaya'y "Ikaw ang reward ng obedience ko kay Lord". How sweet!

Pero being one,  aaminin ko na may hirap factor din siya. At may mga myths:

#1 Having no relationships since birth does equate emotional purity.

Hindi porkit wala kaming pinasukang relasyon,  ay ubber linis na ng puso namin. Wala lang talagang naging karelasyon. Natutukso din kami.  Nagkakamali.  Nagdidisclose ng laman ng puso namin sa maling tao.  Nagchachat sa disoras ng gabi. May ka-term of endearment.

At para sa mga kapwa ko ganito,  we should not think na masmalinis tayo sa mga taong nagkarelasyon na at nagkamali.  Wala tayong pinagkaiba sa kanila.  Kailangan pa din natin si Lord para sa isang pusong dalisay.  Minsan kasi tumataas ang tingin natin sa sarili natin.  Minsan  akala din natin na.. .

#2 We're doing this for our Future Spouses

Akala natin ginagawa natin ito para sa future asawa.  No.  We're doing this as an act of obedience sa Lord at the same time para sa sarili natin.  Parang virginity lang.  Para pagdating mo sa marriage bed,  wala kang ibang alaala ng nakasama mo. Wala kang icocompare dahil fresh ang memory mo.

You dont do your Spiritual Disciplines hoping one day ay makapangasawa ka ng isang superman of God.  You do it dahil mahal mo si Lord. Pag ginagawa mo na ang mga bagay para doon sa tao,  one day guguho na lang siya na naging mundo mo at madidisappoint ka lang.

Minsan dahil sa maling motibasyon na ito,  tumataas ang expectation natin sa future special someone.  "Lord dapat ganito din siya kasi ganito ako". Walang masama kung "clean slate" kayo pareho. Kaya lang,  dumadating sa time na ubber taas na at near to perfection na ang hinihingi.  Mamahalin mo lang ba ang tao dahil malinis siya kung minahal tayo ni Lord despite sa pagiging unlovely natin?

#3 I Have No Capacity To Love

Kapag nasa iyo si Jesus,  may capacity ka talagang tumanggap at magmahal ng tao despite sa kung anong nangyari sa kanila. 

You have the capacity to love,  to forgive and to respect no matter sino pa iyan. No need na pumasok sa relasyon.  Praktis na sa mga magulang,  sa mga kapatid at sa mga pasaway mong mga disciples.

Kaya mo eh.  Kaya mo kasi nasa iyo si Jesus.  Kaya mong mag go through them habang binabago sila ni Lord at binabago ka din Niya.


Im not saying na magcompromise ka sa non negotiables mo ah. We are not expected to be perfect.  We are expected to be real.  :)

Bakit May Paasa?


Bakit nga ba may mga taong paasa? Anong trip nila? Bakit sila ganoon? Bakit ang galing nilang nilang magsaranggola - yung pagkatapos nilang mag-enjoy kasama ka, ay iiwan ka sa ere?

Hatiin natin sila sa 2 categories.
Yung sinasadya at hindi sinasadya.

A. Sinasadya.
1. Simulan natin sa masakit - dahil OPTION ka lang. Sad to say, meron siyang ibang choice. Kung ano man iyan, kaya ka niya iniwan ay dahil may nakita siyang, para sa kaniya, ay masmahalaga o masbetter (ouch).

Kahit hindi sa context ng relasyon. Kadalasang dahilan natin kaya tayo nalelate sa kitaan ay dahil may inaasikaso tayong masmahalaga, may ibang priority. "May dinner pa kami ng family", "May pinapanood pa kasi ako". Kung ano man iyan - nangangahulugan lang na mayroong masmahalaga.

2.   He doesn't  respect you. Masmasakit pa to sa naging option ka lang.

Wala e. Gusto lang talaga niyang maglaro. Wala siyang magawa sa buhay niya. Bored siya teh. Sasabihin niya sa iyo ang sweetest lies na maari mong marinig. And he doesn't  care kung maniwala ka or what.  Your call.

Isa rin tong dahilan ng mga late.  Kasi hindi nila nirerespeto ang oras mo.  Walang paki kung naiiinip ka na kahihintay. Papaasahin ka lang na dadating sila sa tamang oras.

Anong dapat ginagawa sa ganitong tao?
Pinapatawad at Pinakakawalan.
Mahirap kasama sa buhay ang ganitong tao kaya ilet go mo na.  Hindi mo alam kung kelan totoo at hindi ang sinasabi niya. So para hindi masayang ang tiwala mo, wag din masyadong magrerely sa ganitong tao.

B. Hindi sinasadya.
1. Wala sa dugo nila ang pagiging paasa. At usually ay may maganda silang dahilan kaya naiwan ka.  Yun lang,  hindi na siya nakapagexplain o nakapagpaalam. Baka kasi wala namang dapat iexplain.  Deep inside,  winiwish niya na maintindihan mo ang pagiwan niya sayo sa ere.  Baka para din sa sarili mong kapakanan.

2. Ikaw rin e.
Hindi niya sinasadya na umasa ka dahil hindi iyon ang intensyon niya.  Naging paasa lang siya dahil umasa ka.

Para sa mga paasa,
Kuya/Ate,  Kung projected mo na na walang mangyayari sa relasyon o sa kung ano mang bagay.  Kung hindi mo kayang tayuan o gawin,  wag mo nang subukan.  Sa umpisa pa lang,  lubayan mo na o magsabi ka.  Kung sadyang wala kang paki sa mga tao,  isipin mo na lang kung iyan ng gawin sa iyo.  Kung ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw,  gayun din ang mga paasa.  Mahirap mabuhay sa mundo na wala kang kaibigang reliable at may integridad. Masakit din yung isang araw,  malaman mong wala nang nagtitiwala sa iyo dahil kapapaasa mo sa kanila. Kaya huwag paasa.  :)

Crush Na Nga Lang, Na-BroBroken Hearted Pa?

Hindi kayo pero nagmomove on ka. Ang lapit lapit niya lang pero ang layo layo naman. Dati, masaya ka na pag andyan siya. Nakakausap. Nakabonding. Nasusulyapan. Kaya lang minsan, hindi talaga constant lang ang mga nangyayari sa buhay ng tao. Nagkakatsunami, nagroroad construction, forest fires, nagkakalason ang milk tea, at dahan dahan kang napapalapit sa kaniya. Maaring kalikasan ang may gawa. Pero madalas ring ikaw. 
May 4 na common stories na nangyayari kapag nagkaka-crush ang mga tao ngayon. 
1. Umasumera: 
Nung nakita mo na tinignan ka niya, feeling mo, crush ka na din niya. Kahit saan siya umupo-sa tabi, sa tapat o sa likod mo, feeling mo, may meaning. Nagka-group kayo sa research work, feeling mo, sign na from the Lord. Isang araw sa library, sabi niya, “Kain na tayo", kala mo "I love you" (True Story sa Barkada namin). O kaya pag nagsheshare siya sayo ng mga keme niya sa buhay dahil comfortable lang siya sayo, iniisip mo, "Bat kaya siya nagsheshare? Suitable partner ba tingin niya saken?"
Pero minsan sagap na sagap na talaga ng mga wind vanes mo ang mga palipad hangin niya. Subalit bakit nga ba isang araw, bigla kang iniwan sa ere. Hindi man lang nagpaalam. Bigla na lang nanlamig. O kaya magkwekwento na lang na may bago siya. Awwww. Bat ganon? 
2. Bestfriendzone
Bulok na to pero uso pa din. Crush mo tas ibebestfriend mo. Ang totoo niyan, gusto maging ka-close. Kasi kapag close na kayo, may dahilan ka para mag show ng care. At sana magka-care din siya sayo. Hopeful ka na baka dumating sa point na mapansin ka niya. O kaya kahit papaano ay mahalin ka niya o maging importante ka sa kaniya.. kahit hanggang kaibigan lang. 
Minsan kahit hindi naman bestfriend e. Basta maging close lang. Minsan astang superhero ka. Laging andiyan kapag kailangan. Gagawin lahat. Ililibre pa. Pag nagtext siya, mag-uunli ka. Pagnag-chat siya sa madaling araw, gigising ka. Hindi talaga matanggihan. 
3. Meron bang makapag-sasabi? 
May time na gustong gusto mo nang ilabas lahat ng nararamdaman mo. (Kung babae ka) Kasi baka torpe lang talaga siya. O dahil baka iniisip mong ikaw lang din ang hinihintay niya. O minsan wala lang talagang purpose. Basta makapag-sabi lang. Wala. Walang plano. 
Pero minsan, kahit hindi mo sabihin. Invest lang. Bigay lang ng motive. Noong college ako, mayroon akong magagaling na mga kaibigan na pinagkalat yung crush ko. Gumawa ng post doon sa bulletin board ng college/department namin. I-announce kung sino crush ko. Nagkaroon ng kulay ang lovelife ko weeks after. Pero alam kong hindi authentic dahil grinab lang naman ni crush yung opportunity na may nagkacrush sa kaniya. Ang ending? Wala. Nganga. Nagkasakitan lang kami. 
Ano bang nangyayari sa kanilang lahat? Si #1 nag-assume na mayroong something yung crush niya sa kaniya. Si #2, isiniksik niya ang sarili niya sa mundo ng crush niya para mapansin siya. Si #3, Umamin at naginvest kasi umasa na mayroong mangyayari. Lahat sila ay may dalawang Greatest Common Factor: Umasa sila at Hindi nila naguard yung (re)actions nila. 
Ano yung #4 scenario? 
Naattract ka pero walang halong chenes. Yung pagkaconfirm sa hypothalamus mo na.. "Oo, crush ko siya".. ay icleaclear out mo yung mga level ng hopes at boundaries mo.
Pwede ka naman kasing maattract. Walang masama don kasi tao ka. 
Pano? Maglevel down ng expectations. Maniniwala ka lang na may something na siya sayo kapag sabi niya at ginawa niya. Tandem iyan: salita at gawa. I-tone down mo din yung hopes mo for future na kasama siya. Kapag lumilipad yung imagination mo na magiging kayo at nag-whawhat if's ka na, ibig sabihin, naguumpisa ka nang umasa.
Kung alam mong hindi ka pa ready na sumalakay, magset ka ng perimeter mo kung hanggang saan ka lang gagalaw. Wag yung bigay ka ng bigay ng kung anu ano, walang tulugang chat at 24/7 Unlimited Sun-to-Sun text and call pa kayo. Investment iyan at malakas maka-feed ng emotions. Mahirap mauna sa tamang panahon. At ang tamang tao sa maling panahon ay maling tao. 
So yun. Chillax lang. Pwedeng ma-attract pero i-guard and puso, i-purify ang mga motives at salain ang kaisipan.
Thursday, April 23, 2015

Where's My Water?

May 3 major worry ang mga singles sa lovelife.  Una,  baka walang dumating.  Pangalawa,  baka mali sa pagpili. Pangatlo,  hindi pa rin ready.

Bakit nga ba?   Siguro dahil natuto ka na, mas alam mo na kung anong gusto mo or may idea ka kung anong paghahandaan mo.

Pero ewan ko.  Bakit nga ba kapag maattract ka at tumitibok ang puso mo,  tila kinakain ng buong hyphotalamus (part ng brain na naguudyok sayo na mainlab) ang buong utak mo at hindi ka din makapag-isip ng matino. Minsan,  iwiwish mo na lang talaga na sana handa na kayo..  na pwede mo na lang isurrender yung puso mo sa kaniya nang walang pangamba. “Lord,  kung hindi mo po siya ibibigay sa akin,  pwedeng ako bang ako na lang ang ibigay mo sa kaniya?"

Nakakapagod. Pero naiinip ka din namang maghintay.  Hindi mo maintindihan kahit sarili mo. Andami mo pang dapat gawin pero hindi ka din makapagfocus. Bakit kasi ganyan ang puso noh? Gusto mo. Ayaw mo.  Gusto mo.  Ayaw mo.

Gulo.

May mga desires kasi ang PUSO e. Desire na mahalin at mapansin. Hindi ito dapat natutuyo.  Wellspring of life daw, ika nga ng Proverbs. Kapag wala tayong natatanggap na pagmamahal mula sa kung saan man, nahihirapan tayong mabuhay. Madalas nagiging insecure tayo pag walang pag-ibig. Naiinggit sa iba. Kaya kapag may nagoffer sayong tubig,  sige na lang. Kahit alam mong hindi malinis,  iinumin mo.  Kahit na alam mong hindi ka niya forever na susupplyan ng tubig,  aasa ka pa din.  Uhaw ka kasi e.

May naalala ako.

Minsan isang tanghali,  dumaan si Jesus sa Samaria. Haggard na Siya sa walkathon niya kaya nagstop over muna sa isang balon. May isang Samaritana na nag-iigib. Siguro sa pagod ni Jesus ay naglakas ng loob na siyang maki-inom kahit alam Niyang Clash of Clans ang mga lahi nila.  Choosy pa ba Siya? Init kaya non. Kaya nagulat si Ate na kinausap siya.

Sabi tuloy ni Jesus,  "Kung alam mo lang kung sinong kausap mo,  baka ikaw pa humingi.  Ang kaya kong tubig na ibigay-kung sino man ang iinom ay hindi na mauuhaw." Naamaze si Ate at humingi. Para nga naman hindi na siya pabalik balik sa balon.  Sabi ni Jesus,  "Sige,  tawagin mo asawa mo". Nasa In denial stage pa ang lola mo.  Ansabe hindi niya daw asawa yung present niya by thay time. Tapos chinikka ni Jesus sa kaniya ang lovelife niya..  na madami na siyang kinasama. Isyu to si Jesus eh noh.

Kung iisipin mo nga naman,  alam ni Jesus ang lovelife niya.  Alam na alam ni Jesus yung laman ng puso niya. Alam. ni Jesus yung mga isyu niya sa buhay.  Na kaya siguro siya kinatagpo ni Jesus ng araw na iyon ay dahil tuyot ang wellspring ng buhay niya. Ilang beses na niyang triny magmahal, pero wala.  Hindi nagpupush.  Baka natakot din siya na mali yung napili niya. Kaya sinadya siya ni Jesus at inofferan siya ng Tubig.  Uhaw na uhaw.  Insecure.  Kaya kung sino sino nilalapitan.

Madalas ganiyan din tayo. Kahit sino ka pa,  maghahanap at maghahanap ka ng tubig para hindi manuyot ang puso mo. Kailangan e. Lalo naman kung sa paligid mo ay ubber init at mayroong mga umiinom ng ice-cold water. Kainggit.

Kaya binasag ni Jesus ang katahimikan ng langit at lupa ay dahil gusto Niya, Siya ang mag-fill up sa atin. Siya lang naman ang lumikha sa atin,  nakakaalam ng innermost needs natin at kung paano tayo isu-sustain. Alam niya na kailangan natin ng tubig. Nandiyan siya para sayo lalu na kapag mga luha mo na lang ang tubig na naainom mo. Kaya lang,  hanap tayo ng hanap pa sa iba na as if kaya ng iba na fill up-an tayo on their own. E paano kung uhaw din sila at naghahanap din ng tubig?

Kahit hindi natin aminin,  kailangan natin ng pagmamahal.  Kailangang ng tubig ang wellsprings ng mga buhay natin.  Kahit mga anak, kailangan ng magulang. Kahit si Adan,  hindi magandang nag-iisa. Bakit? Di ko alam.  Ganiyan tayo dinesign e...

Kung si Jesus ang manufacturer at purchaser natin,  Siya din ang nakakaalam ng value natin.  Kung hindi tayo sanggang dikit sa Lumikha,  hindi Niya maibubulong sa atin kung paano Niya pinahahalagahan yung masterpiece niya. Kung yung inaasahan mong magsusupply ng tubig sa iyo ay hindi dikit sa Gumawa sa iyo,  maappreciate niya ba yung value mo?

Ang inooffer ni Jesus na tubig ay living. Continuous at running.  Kahit na nadumihan ka pa ng ilang beses,  kaya ka nitong linisin. At kapag natikman mo 'to,  hindi ka na maghahanap ng tubig sa iba o di kaya'y makikipaglaro ng sweet-sweetan-ang-unang-mafall-talo,  dahil alam mo ang worth ng pagpunta dito ni Jesus para lamang malinis din sila.

Ang tubig na inoofer ni Jesus ay overflowing at hindi natatapos. Na kapag always filled up ang puso mo ng pagmamahal Niya,  kaya mo din itong gawin sa iba. Kahit ano mang worries ng mga singles- walang dumating,  hindi alam ang pipiliin,  paghintayin ka ng a thousand years ay secured ka pa din.

Minsan,  kailangan mo lang talagang lumapit kay Jesus. "Lord,  Uhaw na ko.  Alam mo yung mga pinagdaanan ko.  Painom naman. "


Thursday, March 5, 2015

Apo Island 2014: Convertrip Day 3

430 AM ng umaga ay umalis na kami sa Santa Catalina (municipality na malapit sa Bayawan) para ituloy ang aming trip. Dumating kami sa Malatapay Port ng 6:00 AM.

Wednesday ang kanilang Market Market day at medyo busy-busyhan ang Malatapay sa kanilang mga kalakal. Ansabe, galing daw sa iba't ibang nako ng Negros ang mga naglalako dito. Minsan, uso pa din pati ang barter.

Dahil wala pa kaming almusal, bumili muna kami ng suman. Yung suman na hugis apa ng ice cream, tinawag ni Makoy na Cornetto.
Pagdating namin sa dulo, merong umasikaso sa amin. Si Ate na nabebenta ng pagkain at meron ding contact sa boatmen. Tinext niya yung kakilala niya at sinabing 7AM daw aalis. Sa kaniya na din kami bumili ng napakasarap na sinugba at kanin. Pinahiram niya kami ng plato, kubyertos at lagayan ng pagkain. So bait of her. "Meron bang marunong magbisaya sa inyo?" Kung meron daw marunong magBisaya, mas makakatipid kami. P25 kasi ang bayad kapag taga-doon ka. Bago kami umalis ng Malatapay, merong form na pinasagutan sa amin ang coast guard. For safety purpose, malamang.

Pasado 7AM na kami nakasakay. Mga 45 minutes din ang aming boat ride. Hindi pa kami nakakarating ng Apo ay sobrang stunned na kami sa linaw ng tubig.

Ininform kami nila Kuya na rotational daw ang assignment nila sa mga tour. Pagkatpos bayad bayad din ng Environmental Fee sa office.


Pagkalapag namin ng gamit, dumiretso na kami sa dagat. Nakalimutan na naming mag-sun block sa sobrang excitement. Paano ba naman kasi, naglakad lang si PastoRon sa may shore, may nakita na agad siyang Pawikan.





Dahil nilinis ko ng madaming toothpaste yung mask (goggles) ko bago lumarga, parang high definition lahat ng nakikita ko. Ang saya!


Umalis kami sa Apo Island ng quarter to 3. Hindi na kami pinagbigyan ng araw na magswimming ulit pagkatapos kumain. Kung babalik ako doon (at talagang babalik ako dahil iisang reef lang naman yung tinignan namin), ay magoovernight ako doon. pramis!


Pinagbiyan lang si Arjohn nung bagong, humarap din yung pagong.


Nakaalis kami ng Malatapay ng 5:00 at nakarating sa Dumaguete ng 5:30. Pagbaba ng bus ay bumili kami ng Lechon Manok, sumakay ng Trike papuntang Port. Nagpadaan pa kami muna sa tinadahan ng Sans Rival. Yun lang, hindi na namin inabot yung 6:30pm na ride dahil yung pangalawang trike na sinakyan namin ay indi alam ang daan papuntang port.

Kumain muna kami sa katabing carinderiya. Maya-maya lang, nakabalik na yung fast craft. Dali-dali kaming kumain. Special trip kumbaga.


Nakarating kami ng Liloan Port ng 730PM. Pagdating doon, mayroong Cebu bound bus na sasakyan namin paputang Oslob.

Highlight ng Trip: Yung nagsayang ako ng 100 pesos para sa Life Jacket... :))) Nakalimuntan kong hindi nga pala ko lumulubog dahil may built in air sack ako. Char! Ang makita ang napakalaking Pawikan at Coral Garden ng Apo Island

Bayad bayad din (Updated October 2014):
Sta Catalina to Malatapay Port - P70 (Non Aircon)
Malatapay Port to Apo Island - P3000 for 8, +250 for excess person
Environemental Fee: 100Php, 25P pag tagadoon
Cottage Rental: P200
Fins: 100
Snorkel + Mask : 100
Aqua shoes: 100
Life Vest: 100
Pay CR - 10 (Ligo)

Saturday, October 25, 2014

Are You "The Juan"? : Willing to Wait

Minsan, kung kailan nasa harapan ka na ng counter para umorder ng pagkain, saka ka naman mauubusan. "15 minutes, Maam? Willing to wait po ba?" Dahil wala ka namang choice, aagree ka na lang na maghintay. Impernes, worth the wait naman ang paghihintay ng bagong -lutong pagkain.

Pagdating sa lovelife, marami naman sa atin ang willing to wait. Pero kung gutom ka na at di mo maiiwasang mainggit sa mga taong naeenjoy sa kanilang food  o kahit f na f mo na talaga ang gutom mo, hindi mo maiiwasang i-follow up si God, "Yung order ko po?" Bawat lumalabas sa counter na kahawig ng inorder mo, ay tinatanong mo, "Sa akin na ba iyan?" o di kaya'y, "Siya na ba?", Are you "The Juan"?

Dalawa nga lang daw ang kinakatakutan ng mga Christian Singles. Una, iyon ay maging single habang buhay. Pangalawa, yun ay ang makapangasawa ng taong hindi aprubado ni Lord.  Dahil dito, may ibang naghihintay ng Perfect One. Ngunit dahil mayroong mastakot na hindi magkalovelife for the rest of their lives, mga naghihintay ng Wrong One.

Kahapon habang nagtatanghalian ang kaming mga youth sa church, isang matandang dalaga ang sumabay sa amin. Makulit siya. Halos lahat ng Pastor ay tinatawag niyang "Papa". Boyfriend daw niya sila. Ang sarap usisain ng lovelife niya o malaman kung nagka-boyfriend ba siya kaya tinanong ko siya, "Choice niyo po ba iyan?". Seryoso siyang sumagot ng "Oo. Wala kasi akong nakitang spiritual na lalaki na makakapag-lead sa akin". Nakangiti siyang sumagot na tila walang pinagsisisihan. Better single than sorry ang peg ni Ate.

Sa totoo lang, hindi lang siya ang kilala kong tumatanda ng dalaga. Elibs ako sa kanila sa pagka-consecrated ng buhay nila. Wala namang masama sa pagso-solo flight. Masaya sila at secured. Pero karamihan sa kanila'y may mga pagsisisi dahil sa  napakataas nilang standards na hindi mo mawari kung realistic o attainable pa ba.

"Maghihintay ako hanggang sa maging okay na. Pero as of now, si Lord lang talaga muna". A Thousand Years lang ang peg, teh? Madalas ko itong marinig (at mabasa) mula sa mga people na naunang na-hook ang emotion kesa sa siyasatin ang spiritual health, o kung ano pang mga dapat ikahanda nila at ng prospect nila.  Pero ang unang problem ay, maging sila'y hindi rin naman makapaghintay. Sa pagka-inip ay hindi maiiwasang mag-invest  sa lovebank ng mga iniirog nila. Pa-friends friends. Pa-close close friends. Pa-bestfriends bestfriends. Invest sa gifts, sa load, sweet nothings na communication, service o help, mental energy sa kakaisip, emotional thoughts, at memories. Dahil diyan, ang major problem ay tuluyan nang hindi makapagfocus kay Lord. Akala ko ba, si Lord muna?

Karamihan sa mga naghihintay ay nauubusan ng pasensya at sumusuko na lang, "Lord, kung hindi naman po siya yung will niyo para sa kin,  tanggalin niyo na lang po itong feelings". Uso 'to noh? Sa totoo lang, effective itong prayer if and only if makiki-cooperate ka. Pero kung nakayakap pa din ang mga puso at mga actions mo sa kaniya, sa tingin ko, macoconfuse mo ang move ni Lord sa mga da moves mo.

Hindi talaga trip ng mga tao ang naghihintay. Kainip eh. Patience is a waste of time daw. Lalo na ngayon na halos lahat ay pinapabilis ng technolohiya. Kaya tayo gusto din nating instant ang lahat. Nakakalimutan natin na ang unang property ng Love ay patience. Patience na nagtuturo sa ating magtiwala kay Lord dahil everything will be alright when the time is right. Patience na nagsasabi sa ating huwag muna nating bakuran yung mga inirog natin kahit na sasabog na ang ating mga damdamin. Patience na tutulong sa atin para maging emotionally pure.

Dadating ang araw na o-"order" ka ulit at tatanungin kung "Willing to Wait?". Hindi man applicable sa mga kainan, pero ang pinakatamang gawin ay magpakabusog muna-magpakabusog  muna kay Lord para hindi ka gutom at naiinggit sa iba. Matagal man dumating, hindi ka naman nakafocus sa bawat order na lumalabas sa counter. Matagal ka mang paghintayin ay rest-assured ka na dadating yung in-order mo sa tamang oras, mainit init at masarap kainin. Maaring hindi ka na masatisy ng inorder mo, iyon ay dahil bago pa lang siya dumating ay satisfied ka na.
Monday, April 7, 2014

Are You “The Juan”?: Isang Glimpse Kay Future Husband

Not so long ago, may nakilala ako at naging close friend. Naglead ito sa hindi maintindihang M.U. o commonly known as Magulong Usapan. Comprised ito ng mga sweet nothings, "I love you" na wrong send lang naman pala at mga mixed signals na di mo mawari. Sa totoo lang, para kang pina-pain. Inaabangan kung kakagatin mo, at kapag kumagat ka, ikaw ang talo sa laro.

"Wag ka kasing assumera", ito ang sinasabi sa mga nag-assume, lalo na sa mga babae. Siya na nga itong tinetesting, siya pa ang sisisihin. Pero kahit may mga pagkakataong ridiculous lang talagang magassume ang mga babae dahil sa pagka-emotionally logical niya, hahayaan na lang ba na ganito na lang palagi ang scenario ng mga kwentuhan natin?

Kapag nagsesend ka ng wrong signals sa isang babae. Natritrigger siyang mag-isip. Parang imbestigador na ikakalap ang lahat ng data - yung mga sinabi mo at ginawa mo sa kaniya sa past hanggang sa present, maging ang mga ikinilos, sinabi at kahit tingin - lahat 'yon ay ide-data warehousing niya. Kahit hindi niya sinasadya, sumisilip siya sa future para tignan kung "click" ba kayo o pwede ka ba niyang maging the one. Thus, magtatanong tanong siya sa mga friends niya kung bakit ganoon ang ikinikilos mo o kung saan na ba iyon patungo. Minsan, pwede siyang magising sa sampal ng katotohanang pinapaasa mo lang siya. Pero pwede ring patuloy na lang siyang ihele ng mga kaibigan niya sa kaniyang mahimbing na pananaginip.

Naranasan na ng radar ko ang makatanggap ng mixed signals. Maaaring nakakakilig pero hindi nakakatuwa. Hindi ko sinasadyang sumilip sa future para makita kung "pwede" ba kami nung sender. Nagulat ako sa tumambad sa akin - yung listahan ko ng negotiables at non-negotiables na nakahighlight sa "Integrity". Naalala ko, gusto kong magkaroon ng mapapangasawa na mayroong integridad sa kaniyang mga sinasabi, yung taong kayang back up-an ang mga salita niya ng commitment at action. Yun ang katangian ni Future Husband na hindi ko nakita sa taong nagsend sa akin ng mixed signal. "The Juan" will not do such thing. Therefore, hindi siya 'yung hinahanap ko at hindi ako pwedeng mag-assume na siya na si "The Juan"

Minsan, hindi na lang talaga natin maiiwasan ang mga ganitong sitwasyon. Ngayon pa't usong uso ang ganitong laro sa ating henerasyon. Pero wika nga nila, madedefine tayo sa reaction natin sa mga ganitong mga pagkakataon, kung anong pinaninindigan mo at kung saan ka tumatayo. Kailangan alam mo din kung ano talagang gusto mo at hindi lang basta kakagat sa mga minsanang opportunidad. Sa tagpong iyon nagkaroon ako ng glimpse ni Future Husband.. na Oo nga pala, hindi pala siya basta basta. At dahil hindi siya basta basta, kailangan pinaglalaban ko siya ng mga desisyon ko't ginagawa.
Sunday, April 6, 2014

LEAD. Don't MisLEAD.

Surrounded ako ng mga Christian Singles. BTW, ang season na ito ang pinakamasaya at kilig season of all (na naabot ko sa talambuhay ko). Eto kasi yung moment na free ka na daw ma-inlove dahil graduate ka na sa "Hindi ka pa pwedeng mag BF/GF, nagaaral ka pa" sermon. This is the moment! Mas kilig pa 'to sa high school dahil may sarili ng pera pang date. Samahan mo pa ng mga supportive parents na mas excited pa sayo: "Gorarats, Anak! Humayo ka nang dumami tayo!" At ng mga spiritual family mong katuwang mo sa pagprepray. Pero may napansin ako. Tila ang taas ata ng rate ng mga uma-ouch baby sa atin? Dahil nasa loob tayo ng church at nasa loving community tayo, hindi natin naiiwasan na mag-show off ng pagmamahal at care sa mga kapatid natin sa opposite sex. At dahil may pagka personal pa ang trabaho kasi ministry, hindi maiiwasang maging close at tumibok ang puso. Hindi porket graduate ka na't working ay handa ka nang magcommit. Marami pang inaayos sa buhay at kailangan pang magpa-mold kay Lord. Eto ang dahilan kaya't merong mga singles na hanggang palipad hangin na lang at may mga taga-assume na lang din. Ang daming nalilito: "Puwede na kong pumasok sa relasyon pero di ko pa ata kaya". Dahil "the heart is deceitful" (Jer 17:9) pero "eveything you do flows from it" (Prov 4:23), madalas unguarded ang mga actions natin. Masmadaling sundin ang sinasabi ng puso e. Hindi ka nga nagpupursue, invest ka naman ng invest sa Love Bank niya. Nagbubuhos ng time, energy, effort at pera pero walang follow through ng commitment. At dahil walang commitment, assume-nganga mode ang karamihan lalu na mga babae. At dahil ayaw mawala ang tender care na pinapakita ng guy, tahimik na lang sa isang tabi. Minsan, umaamin ng feelings hoping na mag-next level. Pero dahil hindi pa ready yung isa, "Sorry. kapatid lang talaga." Madaming emotionally attached, intimate at freely nagdidisclose ng mga personal issues pero undefined ang relationships. Pag niyanig at naghiwalay, merong "Move on" peg kahit hindi naman sila. Bakit? Kasi naginvest at walang ROI (Return of Investment). Anong dapat gawin? Una, Bago maghanap ng Mr. o Ms. Right, magfocus kay Lord na siyang magfifill up ng Love Bank mo. Kapag puno ang Love Bank mo, secured ka. Kapag secured ka, hindi mo kinocompara ang sarili mo sa iba at hindi ka nagcoconform sa patterns ng mundo. Mas nakikinig ka kay Lord na okay lang kahit 'di high end ang gadgets mo. Dahil diyan, mas nakakapag-ipon ka para sa future. Pag financially ready ka, nagkakaroon ka ng dagdag confidence para pumasok sa relasyon. Mas nagiging cooperative ka din sa pagmomold sa iyo ni Lord para maging Mr/Ms Righteous. Focused ka sa mga pinapagawa sayo ni Lord. Hindi mo kailangang umalis para maghanap ng someone. Kapag umalis ka sa pwesto mo, hindi ka makikita ng naghahanap sayo. Pangalawa, dumikit sa mga masnakakatanda. Lumaki tayo sa henerasyon na hindi na natin kinokonsulta ang mga oldies dahil old fashioned na sila. Kelangan nating matuto sa mga pagkakamali nila para maputol ang mga generational sins. Ilang beses ding sinabi ni King Solomon, the wisest dude, na makinig sa mga magulang (Proverbs 1:8,4:20). Kailangan natin sila at kailangan natin ng may nagbabantay sa atin. Kapag may mga bagay na hindi natin kayang sabihin sa kanila o iexpose sa liwanag, indication na may something wrong. Pangatlo, dumikit sa mga kabaro. Personally, challenge sa akin ito. 70% ata ng mga friends ko ay puro mga lalaki. Pero thankful ako kay Lord dahil may mga girlfriends pa din na 24/7 available para sa principled daldalan para sa mga correction. Para silang mga doktor na nagchecheck up saken kung okay lang ba ang takbo ng mga isip at emotion. May Queen Bee Syndrome ang ilang mga kababaihan. Madalas mas gustong sumama s mga guys dahil "ayoko sa kanila (ibang babae) kasi ang aarte nila". Personally, di ako bilib sa boy-girl na magbestfriend, unless mag-asawa. Minsan umpisa pa lang, iba na motibo. Minsan, nagkakadevelop-an sa dulo tas walang commitment. Gaya ng sabi ko, marami akong guyfriends. Dahil kapatid sila at nagvolunteer akong protektahan sila, walang special treatment kahit crush ko pa. Ayoko ngang ibigay ang rightfully belong kay Future Husband at ayokong i-mislead sila. Isa pa, mga kumare-sa-future ko ang mga mapapangasawa nila. Ngayon palang, kailangang i-sure na mapagkakatiwalaan nila 'ko. Lastly, isettle ang mga dapat isettle. Humarap sa salamin at alamin kung ano ba talaga ang real deal na dapat ayusin. Siguraduhin mong "gift" ka din sa "gift" na hinihingi mo. LEAD. Don't MisLEAD.
Saturday, February 1, 2014

Opportunities

May pintuang nagbukas. Magandang opportunidad. Pag tinanggap ko 'yon, makukuha ko lahat ng gusto ko. Marahil matupad ang mga pangarap ng nanay ko. Pero di ko tinanggap. Sayang! Ako na nga siguro ang pinaka-walang-isip para tanggihan iyon. Di ko kasi kayang ipagpalit ang direction ko para lang sa materyal na bagay. Di ko kayang ipagpalit ang kwento ng buhay ko sa mga pangarap ng iba para sa akin. Higit sa lahat, hindi ko pwedeng baliin ang mga bagay na pinahahalagahan ko. Masakit para sakin na pakawalan ito. Ang hirap magdesisyon. Ang alam ko lang, sumusunod ako. Opportunities reveal the hidden things inside a person's heart. Sacrifice is giving up something you love for something you love more.
Wednesday, December 18, 2013

Feels Like David In His Shepherd Boy Years

Minsan, nagkwentuhan kami ng isang ka-parallel ng pangarap,
"Kelan ka magpupublish ng libro?" tanong ko. 
"Hopefully, next year. Ikaw, kelan ba?", tanong niya din.

Sumagot ako ng "After four years pa.. or more"
"Bakit ang tagal?", pagkagulat na tanong niya. 
Hindi ako nakasagot. Nahiya ako.

Highschool pa lamang ako, isa na sa secret dreams ko ang makapagsulat ng libro. Hindi ako magaling magsulat at wala din naman akong experience. Hindi ako journ student at wala din akong kinocontribute sa mga newsletters sa school. Ang praktis ko lang ay magsulat ng letters kapag gusto kong humingi ng tawad sa mga magulang o magbigay ng mga advices sa mga kaibigan ko. Pakiramdam ko, ako si David na shepherd boy na walang proper training para pumatay ng higante o kaya maging hari. 

Dahil iba naman ang tinahak kong career, unti unting namatay ang pangarap kong iyon. Not until na nameet ko ang aking Lovestruck Mentor na nagturo sa akin ng napakadaming bagay at ginamit ni Lord para maintroduce ako sa mga libro at sa mga taong hindi ko aakalaing makikilala ko. 

Ngayon, alam ko sa puso ko na may isang araw na dadating at makakapagpublish din ako ng libro. Parang ang sarap magteleport sa mga araw na iyon dahil alam kong mahirap ang dadaanan ko. Ayaw kong madaliin dahil ang nagmamadali ay natitinik ng malalim. 

Palaging hinahabilin sa amin ni Mentor na magipon ng experience. Ang experience kasi ang nagbibigay buhay sa mga isinusulat. Dito nakakarelate ang mga tao. Dito tayo natututo. Lalu na yung personal at first-hand. Sabi nga ng guest-mentor-of-the-day namin, What's most personal is most universal. Kung anong nararanasan natin ay most likely, naeexperience ng ibang tao, ng mga potential-readers.

Masyado daw entitled ang generation natin ngayon. Ang sarap maging author ng libro habang bata ka pa. Pride mo 'yan eh. Ang sarap kayang maging young achiever. Pero sabi nga ng isang guest-mentor-of-the-day,"Pag may libro ka na, parang multo mo 'yan. Dala dala mo yung mensahe. Dapat ikaw mismo yung mensahe". Madali naman talagang magsulat, lalu na kung bright at matalino ka. Madaling makamina ng bagong wisdom na hindi pa nakikita ng iba. Pero napakahirap mag-apply. So bago ako ma-excite-much na ipakita sa mga tao ang newly-found-point ko, dapat siguraduhin ko munang dumaan ako sa apoy at kinakatawan ko ang mensahe nito. Sabi nga ni Andy Stanley, "It's easier to make a point than to make a difference".

Elibs ako kay Tolkien, author ng Lord of the Rings, na naghintay ng 17 years para lang marelease ang libro niya. Di kaya inisip niya na patience is a waste of time?  Imagine kung ilang re-writes at edits yon. Alam niya kaya na sa pagpopolish ng craft niya ay tatagal ito ng more than 50 years? Alam niya kaya na hanggang ngayon, madami pa rin ang nagbabasa at nanonood ng mga scenes na naging laman ng imaginations niya?

"Vanity Writing ang tawag sa mga nagsusulat for the sake lang na magkaroon ng published book", sabi ni Ms. Beng Alba-Jones. Minsan daw kung anong "theme of the season" sa buhay ng isang author, iniisp nito na pwede nang iconsider na book proposal. Minsan, walang depth, passion o  purpose. Walang buhay. 

"Dapat handa kang sumikat", bilin ni Mentor. Madami daw kasing kinakain ng kasikatan at bumabagsak. "Sucess is sweet. But if handled incorrectly, it can have a bitter after-taste", reminder noong OMF Lit Fellowship

Para sa akin, napakalaking stewardship nito. Parang promised land na inaangkin ko at dapat paghandaan. Hindi ko alam kung kailan iyon dadating o kung iaallow ba talaga ng Panginoon na mangyari. Pero parang David in his shepherd boy years at masmatagal pa sa youtube ang buffering ang buhay, dapat maging faithful sa Master na nagkaloob ng talent at sa the One na nagblue print ng aking divine destiny. 
Wednesday, December 11, 2013

Visitors

Popular Post

Followers

- Copyright © 2013 Prisoner's Free -Metrominimalist- Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -