- Back to Home »
- Rockstars, Ministers and Monsters
Noon, kapag gumagawa ako ng aking testimony, lagi kong binabanggit ang mga ministry na sinalihan ko at mga ginagawa ko para sa Kaniya. Sinusulat ko din ang mga talento na ibingay sa akin ni Lord. Bakit? Gusto kong ma-please ang mga taong babasa o makikinig nito. Kailan lang ay nakita ko ang aking testimony na sinulat 3 years ago. Isa lang ang nasa isip ko, "Nakakahiya kay Lord!!".
Isang araw, tinanong ko ang mga youth sa aming church, "Bakit ka nagmiministry?". "Para magamit ni Lord ang talent ko", sagot ng karamihan. "Kung talent lang naman ang hanap ni Lord, eh di sana si Jessica Sanchez na lang ang ginamit Niya. Bakit Siya gagamit ng hindi naman magaling kung talent lang din ang basehan?"
Noong isang araw, sabi ko sa kanila, "Kapag sa ministry ay pinagsabihan kayo, huwag kayong magdadamdam o magagalit. Kapag nagtampo kayo at nag pusong mamon, sarili niyo na'ng talaga ang pinaglilingkuran niyo".
Marami na akong nasaksihan na mga kabataan na sumasali sa ministry dahil sa kagustuhan nila. Ang sabi ng iba, pinagpray daw nila. Mayroon din naman mga tinanggal na ni Lord. Meron din yung mga pag pinagsabihan mo, magagalit o magdadamdam sayo. Mayroon din yung mga rockstars at mahilig mag-public display of talents lang. Paano ko nalaman? Nangangamoy kasi ang mga motives ng mga puso ng mga tao sa kanilang paggawa. Kadalasan ineexpose ito ni Lord. At kapag ganito, hindi nakakapag-usher sa presence ni Lord. Walang kwenta ang ginagawa. Walang laman ang mga lyrics ng mga kanta sa Praise and Worship. Walang halaga ang pagtuturo. Wala! "..His worshipers must worship in the Spirit and in truth.” (John 4:24)
Pagsumali ka sa ministry, tandaan mong kay God ito at hindi sa iyo. Bago ka sumali, kilalalanin mong mahusay ang grandess, holiness at iba pang ness niya. Kapag nalaman mo kung gaano siya ka-enggrande, kalaki at ka-glorious, mahihiya kang maki-agaw sa kaniyang glory. Madami sa mga kabataan ang sumasali sa ministry nang hindi kilala ang kanilang pinaglilingkuran. "Magaling ako Lord, ginagawa ko ito para sa iyo". Sorry, hindi pumapayag si Lord na may makishare sa glory Niya. Hindi dapat bilangin at ipamukha sa mga tao kung anong nagagawa para sa Kaniya na as if may utang na dapat bayaran si Lord. Wala nang mashihigit pa sa nagawa ni Lord na sakripisyo para sa atin.
"Hindi tayo rockstars, ministers tayo. Hindi tayo nandito para magpasikat", sabi ng mentor ko. Hindi natin deserve ang glory and honor na dapat lamang ay kay Lord. Hindi na tayo dapat nakikiagaw pa. Nakakapagod lang 'yon at nakakafrustrate pa. "..whoever wants to become great among you must be your servant." Matthew 20:26
Dati rin akong rockstar. Ngunit hindi ko gusto na manatili na lamang na ganito dahil nakapagtanto ko na walang direksyon ang ganitong lakad. Niyakap ako ni Lord at ipinaalala Niyang muli kung gaano Niya ako kamahal. Nagpakilala Siya (at patuloy na nagpapakilala). Nalaman ko kung gaano Siya kalaki. Ooooaah! Sinabi Niya kung saan tumitibok ang Kaniyang puso at kung saan Niya ako nais maki-participate para sa Kaniyang glory. Isang prebelehiyo ang paglingkuran ang King of kings.
Ministers tayo. Servants. Hindi tayo rockstars na parang monsters sa pag-agaw ng glory ni God. Very truly I tell you, no servant is greater than his master, nor is a messenger greater than the one who sent him. John 13:15-16