Friday, September 28, 2012

Makikita sila sa bahay niyo. Nagkalat din ang iba sa Edsa. Minsan, nakikipagtitigan pa sa'yo ang kanilang mga mata. Hinihikayat ka. Marami rin sa iba't ibang babasahin, panoorin at minsan kasama mo pa. Mayroon silang mensaheng nais iparating. Ang kadalasan nilang sigaw, " You're not enough!"

Kung ang mga kasinungalingan ay nasa hangin, malamang ay polluted na ang paligid. Sinasadya nga siguro ng mga advertisments, kagaya ng mga nasa billboards, magazines, TV, babasahin at kung sino pa na ipakita sa iyo na may kulang sa pagkatao mo para tangkilikin mo ang kanilang produkto. Trabaho lang daw, walang personalan.

Lumingon kang sandali. Naalala mo ba noong unang tinusko ang ninuno mong si Eba? "For God knows that when you eat from it your eyes will be opened, and you will be like God, knowing good and evil.”Genesis 3:5 (NIV)..

"Kulang ang pagkakalikha sayo". Iyan ang kasinungalingang lumason sa isip ni Eba. Sinabi sa kaniya ng kalaban na mayroon siyang mga hindi nalalaman. Siguro nga'y naisip niya na mayroong mga ipinagdadamot sa kaniya ang Diyos. Hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng tiwala sa kanyang Manlilikha.

"Kulang ang pagkakalika sa'yo". Walang pinagkiba sa kasinungalingang binubulong ng kaaway noon hanggang ngayon sa mga atin. Kaya kabikabila ang mga tao, lalu na sa mga babae, ang hindi kontento, pilit na binabago ang pisikal na anyo, mababa ang tingin sa sarili at walang tiwala sa Diyos.

Espesyal ang pagtingin ng Panginoon sa mga babae at may kung anong formula sa pagkakalikha. Sa hindi natin malaman na kadahilanan, si Eba, hindi si Adan ang tinusko at nilapitan. Fast forward ng ilang libong taon at napakasignificant pa din ng mensahe ng kwentong iyon. Si Eba at hindi si Adan ang mas madaling matukso, maloko at masaktan.

Hindi lamang sa mga ipinapakita ng media madaling maniwala ang mga kababaihan. Isama mo pa ang mga taong ibinababa siya sa mga pananunukso at pananlalait. Ang tawag dito ay "Death Words". Ito ang mga salitang pumapatay sa kaniya. "Bobo ka", "Panget mo!", "Wala kang kwenta!". Iyan sila. Madaling maniwala si Eba sa kaniyang mga naririnig. At kadalasan, ang mga kasinungalingang naririnig ang tumatayong katotohanan sa kaniyang buhay.


Apektado rin ang kaniyang lovelife sa mga pambobola at matatamis na mga salita ng manliligaw na lampas langit pa kung mangako. Paulit ulit sa kaniyang isip ang mga sinasabi sa kaniya ng pursuer. Tumatakbo palagi sa kaniyang diwa ang mga ginagawang "chivalrous acts" ng mga lalaking wala namang balak na mahalin siya. Masmadali kasing mag-assume si Eba dahil masyadong nagiisip. Kalaban niya ang uso ngayong gawain ng mga kabataan na sweet-sweetan lang. Ang unang mahulog, taya. Ang nabubuntis, siyang mukhang kawawa.

Ilang taon lang na nakalipas ay merong isang mama na ibingay ang buhay niya para ipakita sa iyo na mahal na mahal ka. Sa kabila ng lahat ng kasinungalingang sumisigaw at pumapatay sayo, sinabi nia, "I am the way, the truth and the life..". Kahit anong sabihin sa iyo ng mundo ay walang halaga kumpara sa mga sinasabi sa iyo ng iyong Manlilikha. Namatay ang tao (pagkakahiwalay sa Diyos na Siyang buhay) dahil lamang sa isang kasinungalingan. Wag mong hayaang kasinungalingan din ang pumatay sa iyo. Dapat mabuhay ka sa Katotohanan, kay Hesus. Tigilan na ang pagbabasa ng mga magazine na nagpopollute ng isip mo. Ihinto ang pagkukumpara ng sarili sa ibang tao. Wag nang manood ng mga panuoring naglilimita sa iyong mga pangarap. Alagaan ang sarili hindi para akitin ang mga kalalakihan. Gawin ito dahil ang katawan mo ay templo ng Panginoon. Hanapin mo ang katotohanan sa Salita ng Diyos. Iyan ang magpapalaya sa iyo.

Visitors

Popular Post

Followers

- Copyright © 2013 Prisoner's Free -Metrominimalist- Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -