Tuesday, November 20, 2012

Noong nandito pa Siya, isa sa mga una Niyang ginawa bago mag ministry ay ang maghanap ng Kaniyang mga disipulo. Hindi muna Siya nagpakilala sa mga tao , o nagpagaling ng may mga sakit o nagpakain ng isang baranggay. Hinanap muna Niya sila. Noon ay direktang binahagi ng Panginoon ang kaniyang buhay sa kanila. Hindi lamang siya nagturo, nagpakita ng mga kababalaghan. Hindi lang sila nag-Praise and Worship. Kasama Niya silang naglakad ng mga malalayong lugar, tinama Niya ang kanilang mga kamalian, nagkainan, tawanan, tinawag na Kaniyang mga kapatid at higit sa lahat, ipinakilala Niya ang kaniyang sarili.

Ang salitang "Kristiano" ay iilang beses lamang binanggit sa Biblia. Ang tawag ng mga taga-sunod ni Kristo sa kanilang mga sarili ay "Disciple". Fast forward tayo ng dalawang libong taon, ang bagay na binigyan ng importansiya ng Panginoon ay tila isa na lamang programa o suggestion na activity ng mga simbahan ngayon. 

Ngayon, marami nang tumanda sa kanilang pananampalataya at natatakot pa ring magdisciple. Meron namang ilan na hindi ito pinahahalagahan. Aksaya daw sa oras. Corny. Old school. Maari mo nang itawag ang lahat dito, ngunit wala kang magagawa dahil ito ay mandated ng Panginoon bago siya umakyat sa langit.

Ano bang nakakatakot sa discipleship? Ang pag-mentor at maginvest sa mas nakababatang Kristiyano? Matuto sa buhay ng ibang tao? Magbahagi ng iyong buhay? Maging kapatid nila? Maitama at magtama ng mali ng bawat isa? Magkaroon ng mga kaibigang magtatayo sayo kapag nadapa ka o magsisindi ng ilaw mo kapag namatay ito? Maraming kasing nagiisip na ang discipleship. Hindi kasi ito yung tipikal na inaakala mong Bible Study na information overloaded. Hindi ito para sa mga Kristianong mahuhusay lamang. Kung papaanong inimbita ni Jesus si Matthew noong Tax Collector pa siya at kinamumuhian ng marami dahil sa mga ginagawa niya, ganoon din tayo iniimbita ng Panginoon upang makibahagi nito. Akala ng iba, ang pangunguna ng isang discipleship group ay gawain lamang ng mga Pastor at mga guro. Inutos ito ng Panginoon sa lahat ng Kaniyang mga anak. Basta tuwid kang maglakad sa pagsunod mo kay Kristo ay maari kang makatulong sa mga naglalakad ng pasuray-suray.

Sa discipleship, hindi mo kailangang maging palaging tama sa mga itatanong sa iyo. Kailangan mong maging totoong tao upang maibahagi mo ang buhay mo at lumago kang Kristyanong genuine at walang bahid ng kaplastikan. Ang discipleship ay hindi patalinuhan o pagalingan. Ito ay tulungan at palakasan ng mga magkakapatid. Relasyon ang pangunahing punterya nito. Ito ay pagiinvest ng panahong kasama sila katulad ng ginawa ni Jesus. Sila ang mga kaibigan mong magtatama sa iyo (Proverbs 27:17) , magmamahal sa iyo, magsisindi ng namatay mong kandila, tutulong sa iyong tumayo (Eccl 4:10) at makakasama mo sa hirap at ginhawa. Bilang Kristyano, mahalagang magkaroon ka ng mga makakatuwang mo.

Personally, malaking tulong ang naidulot sa akin ng discipleship. Masyadong malakas ang agos ng mundo. At napakahirap na sumunod sa Panginoon kung may mga umiipluwensiya sa iyo na makamundo. Nang ako'y magkaroon ng mga kaibigan at mga kasama sa aking lakad, mas lumakas ang loob ko at nasabing, "hindi ako nag-iisa sa pagsunod". Masakit man na marebuke sa mga pagkakamali ay sigurado namang ito ay ang pagtatama din ng Panginoon. Walang Kristiyanong nagpapadisiplina ang naliligaw ng landas. Ang pag-lago sa loob ng isang discipleship group ay mas mabilis kumpara sa pag-aattend lamang sa Sunday Services. Dito, tiyakang may nagbabantay sa iyo. Sabi nga ni Dietrich Bonhoeffer, Christianity Without Discipleship Is Christianity Without Christ.

Visitors

Popular Post

Followers

- Copyright © 2013 Prisoner's Free -Metrominimalist- Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -