Saturday, September 6, 2008

cont.. September 06 2008
Ayan.. nabalik na rin ako dito. Sa kasalukuyan ako'y nakadapa rito sa sala. Sa harap ng aking bagong laptop. heheh..
Asan na nga ba tayo sa ating pinagkwekwentuhan?? Ah.. ayon! Ah.. yuon araw na yon na parang nahophopeless na talaga ako kung ano na ang mangyayari sa aming system. Tama nga kaya ang pagkakasunod-sunod ng mga nailagay ko rito?
Anyway, napakahirap para sa isang estudyanteng IT ang sitwasyong iyon. Halos naihanda na namin ang mga sapat na pangangailangan para sa aming project. Pero ayon, wala kaming mapagkuhaan ng computer/laptop para makapagpresent. Halos gusto ko na ngang sumuko pero hindi ko pwedeng ipakita sa mga kasama ko na nawawalan na ako ng pag-asa. Symepre, dahil ako ang programmer nila, na parang doctor na sabihing wala ng pag-asang mabuhay ang pasyente. Ang lungkot non diba? Pero sabi ko sa sarili ko, " Eh ano naman kung babagsak ako? Hindi naman ako mamamatay o itatakwil ng mga magulang ko, sa katunayan, mas mahalaga pa nga sa akin kung magkakaroon ng turning point ang buhay ko, masmabuti nang tumungo na ako sa ibang daan. baka tinatawag na ko ni Lord." Madalas ring marinig ng mga kaibigan ko mula sa kin na "Handa na 'kong bumagsak. May Bible school naman".. Alam ko naman ang kung Sino ang nagmamane-obra o nagmamaneho ng buhay ko. Ginawa ko naman ang lahat. Ginawa ko para sa Kaniya. (nakakainis ang mga daga. Napaplingon tuloy ako sa may System Unit namin dahil doon sila mahilig maglaro. baka matanggal yung mga kable ng computer. Wala pa namang chassis ang computer namin). Ilang oras lang din ang nakaraan. SAD na or system analysis and design na ang subject namin. Sabi ko, bahala na. Kung hindi ako papasok ay malamang, babagsak ako ng tuluyan. Minsan, sa kakapalan ng mukha, sabi ko sa kabarkada ko, Pag ako, binagsak ni Ma'am, nako! magtataka ang mga taO. sasabihin nila.. "Si Fortaleza at si Paras(bestfriend), binagsak mo!? Huh?!" .. isang pampalubag-loob lang.Nang makapasok na kami ng room. Ilang minuto pa ng kwentuhan ang aming ginawa dahil wala pa ang aming mahal na guro. Kaya may panahon pa para magpa-banjing banjing. Kaya yon., nang pumasok siya sa room ay bigla akong nagulantang, kinabahan at umasang babagsak na kami. Sinabi na niya ang mga nakapag-defense na. Sa hindi ko inaasahan ay tinawag nia ang aming pangalan! Sa isip ko, kaya siguro kami tinawag nito ni Mam ay dahil naka-isa na kaming defense. Ok lang na 70 na yong isa. Pag-katapos ngg subject ay hindi ko na alam ang aking gagawin dahil sa bagong laptop ang sa isip ko'y namumutawi. medyo nabitin kasi ang pagbili nito dahil hindi dala ni mama ang card. matapos non ay pinapirma namin sa aming guro ang aming Endorsement Letter at pinasa sa Department chair upang magpagawa. Nakita namin ang isa naming panel na nagsabi sa amin na bumalik na lang kami sa ibang araw para ipagpatuloy ang defense. Hinarap niya kami. "Nakita ko na ang program niyo. Grinade-an ko na kayo! I think 90-91". Sa sobra kong tuwa ay nagtatatalon ako at hinanap ang isa naming kagroup na nasa 4th floor ng building na iyon. Kitang kita ko siya mula sa labas at tinawag ko siya sa taas... "Beeert!, nagrad-an na pala tayo ni Mam! 90-91" ... haha.. rinig pa ng buong bayan.
Ayon lang ang istorya ng initial defense namin. Matpos ang hapong iyon. Pinagtatanong si Paras ng aming mga klasmates, magdedefense na kayo?
sige, hanggang sa susunod na kwentong SAD ulet. Sana, makapasa kami. Depende kasi kay God yon.
>> rigel

Visitors

Popular Post

Followers

- Copyright © 2013 Prisoner's Free -Metrominimalist- Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -