- Back to Home »
- Ang buhay stujanteng IT
Haay. ilang araw lang simula nung pumasok kami ng Prelim. Ngayon, Finals na. ilang mga araw na sobrang nalurkey ako dahil hindi ko na alam ang gagawin dahil sabay sabay ang defense, ang exams tapos, nawalan pa ng pasok kaya nawala ng momentum sa pag-aaral at pagrereview.
Ilang exams na nga ba ang nakuha ko ng hindi nagrereview?
malamang, hindi maganda ang resulta ng mga yon.
ang hirap talga.
sabayan pa ng mga teachers na hindi maxadong pumasok no'n dahil sa kani-kanilang mga rason. magagawa ko ba??
sabi nga nila..
Studyante daw kami at obligaxon naming mag-aral.
sila ba, hindi nila obligaxong pumasok?
Noong nakaraang linggo, nagsimula kaming magdefense para sa aming mahiwagang Sales Mangement System. Ayon, sinabihan kami ng aming mahal na panelista na bumalik sa susunod na araw o linggo para ipakita ang sales reports, pag hindi namin nagawa yon ay hindi niya raw kami bibigyan ng score.
Dumaan ang ilang araw. Sa sobra kong pagkainis ay binura kong lahat ang Data Environment ng aming system. Wala mang magagawa ay inulit naming ito lahat. Ang saya noh? Well, masaabi ko namang naimpruv iyon. Yun nga lang, kailangan kong ulitin pati ang suppliers at kung ano-ano pa, sa halip na gawin nang diretso ang reports. Ilang araw ang nasayang at hindi kami nakapagdefense, dumaan ang monday, tuesday.. tuesday.
Tuesday, sinabihan kami ng aming guro na wala pa raw nagbibigay sa kaniyang mga form na nagpapatunay na may nagdefense na. Ni ang aming documentation ay hindi pa namin naipapasa. Hindi namin iyon mapasa dahil kailangan pa itong basahin ng aming panelist.
Pagkatapos ng subject na yon ay dali dali kaming tumungo sa Photocopier para ipapotocopy ang documentation. sabay bigay kay Mam ng Envelop at sinabing "Atleast, may Documentation kayo"...
nawawalan na ng pag-asa ang kasama ko. Hindi ko na rin alam ang gagawin. Basta, alam ko, tinuturo ni Lord ang daan kung saan dapat pumunta. Hanggang nakarating kami sa Laboratory. at nakakita kami ng Prof..
(continuation, pinapatulog na ko ni Mama, bibilihan kya niya ko ng Laptop bukas?.. ikwekwento ko na lang sa inyo)