- Back to Home »
- Bye Diko.
haaay..
andito ako ngayon sa aming church sa Marikina.. habang nagmimiting ang board sa loob, kasama ng kapatid ko. Ako naman, eto nag-eenjoy sa libreng internet at sa mag pagkaing dumarating naman.
Ilang taon na rin ang nakakalipas nang umalis si Kuya sa bahay. Pinalayas siya ni Ina para maging independent at matuto nang mabuhay magisa. Pero wala naman akong maxadong pakialam sa kaniya. Hindi naman kasi kami close
Ilang buwan na ring nakakaraan ng magsabi siya, si Diko na baka lilipat na sya sa Paranaque para doon na magpastor. hindi ko alam, parang ayoko. Naiyak pa nga ko sa bus non dahil .. di ko alam, marahil hindi ko naman inaasahan na pagkatapos niyang grumadwate ay aalis na xa sa church.
Makaraan ang ilang buwan. Nagbago rin ang ihip ng hangin. Hindi na raw siya sa Paranaque. Sa Cagayan na siya. Masmalayo. Masmalaki ang chance na hindi ko na siya makikita ng 2 taon. (awch! masakit na ang wrist ko.. baks maglock ito,, at magka-carpal tunnel syndrome pa ko)... hindi naman sa pinagdadamot ko siya kay Lord.. wala lang.. nakakamiss lang.
Minsan, naiisp ko kung aalis na siya. Wala na yung taong magdadaldal ng kanyang lovelife at iba't ibang bagay na makakapagpaklilg, makakapagalab ng passion nya kay Lord at kung anu-ano pang common interest namin. Haay. Hindi ko na makkita yung taong wala nang ginawa kundi magbantay at magdisciple sakin. Hindi ko nga alam kung baket bigla na lang kaming naging close nung kapatid kong yon. Haay... siguro nga, dahil sa ministry.
Ang hirap din pala nun ano? Wala nang mag-aayos ng computer pagnasira. Wala nang katuwang sa paghuhugas ng plato. Wala nang magkwekwento tungkol sa special someone niyang si Jesus.
Pero ganun talaga. May mga bagay este tao na kailangan nating i-give up para sa Glory ni God. Magkapatid pa rin naman kami kahit anong mangyari. Ika nga, "text text na lang". Haay.
Sa sabado ata, aalis niya siya, papuntang Cagayan.
Haay.
kaya sa mga nakakabasan nito.
Sana, iappreciate nyo (shocks! naiiyak ako) ang mga kuya niyo. Pastor man sila o hindi. Kapatid pa rin sila. Magkakaroon man tayo ng iba't ibang families sa future.. Kapatid pa rin sila.. Pagdating sa langit, lalo ng kapatid sila.. hehehe. ayon lang ang masha-share ko ngayong araw.
Maraming Salamat!