Laki sa Church. Laki sa layaw
Katulad ng iba, laki din ako sa sa church. Mulat ang aking murang isipan sa mga gawain sa simbahan gaya ng paghahayo, evangelism at iba pa. Alam kong maraming kailangang makakilala sa Panginoon ngunit isang araw, napakwestyon ako, "bakit ang dami kong kababata sa church na naiwan?" Maraming mga magulang sa aming church ang nagtataka sa mga nangyayari sa kanilang mga anak gayong lumaki naman ang mga ito sa kanilang tabi habang nasa gawain ng iglesya. Bakit nang nagsi-lakihan sila ay tila nakalimutan nilang lahat ang aming mga natutunan? Ngayon, salo nila ang iba't ibang expextations at madalas masabihan ng " Kristiyano ka pa naman", "Anak ka pa naman ni.. " , "Anak ka pa naman ng Pastor"..
Kailanman, hindi dapat i-assume na ang mga batang lumalaki sa simbahan ay lubos na naiintndihan ang ginawa ng Panginoon sa kanila. Hindi rin dapat isipin na kesyo Kristiyano ang magulang ay Kristyano na din ang anak. Walang apo ang Diyos. Importante ang pakikipagtulungan ng simbahan at mga magulang sa pagpapalaki ng mga anak.
Sabi ni Haring Solomon sa kaniyang obserbasyon sa Proverbs 22:6, Train a child in the way he should go, and when he is old he will not turn from it. Hindi niya sinabing ituro lamang. Sinabi niya na hubugin ang mga kabataan kung saang daan dapat sila naroon. Ibigsabihn, dapat ito ay constant at matinding pagmamatiyag.
Simulang tumungtong ang isang kabataan sa highschool ay nagiging kritikal ang lahat. Ang hudyat na sumasagot na ang isang kabataan sa kaniyang magulang ay senyales na may sarili na itong kakayahang magdahilan, mag isip at magdesisyon. Ang paniniwalang minana niya sa kaniyang mga magulang ay dapat ng suportahan nang masmalinaw. Ang pag-ibig ng Panginoon ay lubos na dapat niya ulit matutunan upang maintindihan niya ito ng masmabuti. Dapat siyang suportahan sa pagdalo niya sa gawain ng mga kabataan sa simbahan upang hindi siya maiwan, magkaroon ng mga panghabang buhay na mga kaibigan, hanggang mahubog siya sa pagigng totoong pag-asa ng bayan. Ang simbahan ay maginvest sa kabataan dahil ito ang kaniyang hinaharap. Ito ay dapat na mayroong matibay na youth ministry na nakasentro sa Panginoon at hindi sa kasiya siyang gawain lamang. Anong silbi kung aktibo ang simbahan ngayon kung wala naman itong tiyak na kinabukasan?
Ang mga kabataang lumalaki sa simbahan ay hindi dapat iwanan na lamang basta basta. Hindi dapat mag-assume na maayos ang mga buhay nila dahil sila'y mga anak ng Kristyano. Katulad ng mga nasa labas ay spiritually lost din sila at may personal na relasyon sa Panginoon na iba sa kanilang mga magulang. Dapat ay patuloy na diligan ang mga binhi na itinanim sa kanila noong kami ay bata pa.
Ito'y responsibilidad ng lahat- ng mga magulang, simbahan at gayun din ang mga kabataan.Gala sa Ilocos Norte - Ang Pagdating!
After ng napakatagal na pagiipon, pagbabasa ng mga blogs ay natuloy din kami ng bestfriend ko sa aming destination last week. Marahil maraming hindi lahat nang nasa plano ay natuloy at may mga lugar na hindi napunatahan - ay nasulit naman namin ang aming Ilocos Tour. ![]() |
| Partas Delux Bus |
![]() |
| Dapayan-Ti Amianan |
![]() |
| Bagnet! |
![]() |
| Laoag City |
![]() |
| Sinking Bell Tower |
![]() |
| Laoag Market |
![]() |
| Ilocos Norte Museum
Sarado pa itong Museum nung dumaan ako. Quarter to 8 palang noon.
|
![]() |
| Tobacco Monopoly Monument Katapat nito ang Ilcoos Norte Capitol |
![]() |
| Bus going to Pagudpud |
Big Balloons Experiece
Define: Work
"Work" became so distorted among us. So let's try to clear and reset our settings on how we see this gift.
As Genesis 2:15 says, God put Adam in the garden for him to cultivate and work it.
Work is simply: God created work and give it to us so He could partner us in developing this world. We must work unto the Lord, whether it's in the secular or in church, and we should give it our best (Colossians 3:23) because God is our partner! God gave us different passions, interest and personalities in accordance with His design; put us in different gardens; allow us to help others; and make us feel the fulfillment.
The Woman's Redemption
I was just one of the Christian women who were once blinded by world's temptations. Before, I often caught my self "falling-infatuated" with non-Christian men. (With God's grace, He didn't allowed be to get into a relationship with one). Whenever this happen I really felt impure before Him. It was really miserable to be away from the One who really loved me because of being infatuated.
A chapter in a book of Bible got my attention. It was in Hosea Chapter 2. It was when God sees Israel's unfaithfulness. Verses 2 to 13 states how He felt for her that He wanted to punish her for what she has done.
"I will make her like a desert,
turn her into a parched land,
and slay her with thirst."
she burned incense to the Baals;
she decked herself with rings and jewelry,
and went after her lovers,
but me she forgot,”
declares the LORD."
I will lead her into the wilderness
and speak tenderly to her."
..
"There I will give her back her vineyards,
and will make the Valley of Achor a door of hope.
There she will respond as in the days of her youth,
as in the day she came up out of Egypt."
...
I will betroth you to me forever;
I will betroth you in righteousness and justice,
in love and compassion.
I will betroth you in faithfulness,
and you will acknowledge the LORD.
The Lord wants to pursue you. Yes, He wants to allure You. He wants to fulfill your innermost desires because He wired you that way. He loves you and He values you. He wants you to feel, know and experience it. He thinks that you're priceless and worth fighting for even if you think you're not and you see yourself dirty. Yes He was mad because of the things you've done but He wants to give you a chance and He wants to forgive you. He wants to give you a new hope, not a dying false hope from this world. He wants you to remember the great things He has done for you - how He moved the heavens and earth for you. He wants to lead you to a place where there is no where to go and there He will tell you the things He wanted to say to you. His promises - they're still real. He'll fulfill it after all the failures and mistakes that you've done. He wants to love you and be with Him forever. He wants to clothe you with His love, His righteousness, with His righteousness and even faithfulness.
His love. It's so deep.
Your love never fails - Jesus Culture (Chris Quilala)
Nothing can separate even if I ran away
Your love never fails
I know I still make mistakes
But You have new mercies for me everyday
Your love never fails
Chorus:
You stay the same through the ages
Your love never changes
There maybe pain in the night but joy comes in the morning
And when the oceans rage
I don't have to be afraid
Because I know that You love me
Your love never fails
Verse 2:
The wind is strong and the water's deep
But I'm not alone in these open seas
Cause Your love never fails
The chasm is far too wide
I never thought I'd reach the other side
But Your love never fails
Studyante Times - Nakakamiss.
Ngayong kumikita ng pera, gusto mong bumalik sa nakaraan ng nag-aaral pa."
Thank You, Creator
I thank God for my family. It may not be perfect. But I thank Him that we're all saved and know him. I thank God for giving me parents who loves me with their discipline. I thank God for my siblings who came to be my close friends.
I thank God for my local church. The love, concern, care and the teachings that I got from these mentors. I thank them for they believed in me and invested in me. I thank them for their trust. I thank them for continually nurturing me. I thank God for the opportunity to serve Him with my church and the opportunity to grew up in church.
I thank God for this passion for the young people. Though at times, I feel so disappointed with what I am seeing, that there are so many young people who are lost, so many young people who keeps on finding true love, left and right, and being end up with the wrong one. I thank God for the opportunity to see; and that He's enabling me to help. I thank Him for placing me a hope that I may believe that this/my generation belongs to Him and we are for His glory.
I thank God that He is molding me. I have so many flaws. I am a sinner. I still sin. But His great love molds me to the person whom He wants me to be; and that He lets me know through His ways that I am wrong. I thank God for I know that He is changing me. I thank Him for His tender discipline.
I thank God for entrusting me the talents that He gave and the opportunity to nurture them. I thank Him for these so I can use them only to worship and give glory to His Name.
I thank God for my friends, that I may not be alone. I thank God for the fun and hurting moments with them. I thank God that I grew up with them.
I thank God for my mentors, that these people are generous enough to share what they know and what they've learned. I thank God that I met them in my life and their wisdom is really something to eat. :))
I thank God that He never let me go. Though there are time that I ran away from Him, but He makes His way to dry me and run back to Him. I thank God for the hunger that I feel and the thirst to keep me going back to Him. I thank Him that I have spent most of my times in His courts.
I thank God for the opportunity to serve others; for enabling me to help and serve others with His love.
I thank God for the circumstances of my life, for the crying moments and sleepless night, For the uber joys and sudden hurts. For I know that He is with me an He's stronger than the winds that could blow me down.
I thank God that I am a Filipino. I believe that Philippines is the apple of God's eye. I know one day that He's going to use the Philippines to impact the world. I thank God for teaching me in my young age to love my country and to be good citizen.
I thank God for the opportunity to disciple, it would be direct or indirect, but I thank Him that He had entrusted me the lives of the young people that He loves.
I thank God for a great love story. Though there are times that I am struggling with my desires as a woman to be feel loved, yet, Jesus lets me feel that I am loved by Him and my well is overflowing.
I thank God for forgiveness. I will always be in debt. I cannot pay him with what I can do. I still have my evil mind with me, my bad attitude and my unforgivable character. But with His blood, I know I am forgiven and with His love, I know He's changing me.
I thank God for giving me a trusted friend who can teach me, guide me and rebuke me all times.
I thank God that He had chosen me. I am undeserved. My mind cannot understand, my brains will never grasp why on earth that He had chosen me - that I am saved now..
But I will always be thankful to Him.
Lastly, I thank God that He created me, that it will never be just existence, but life. I thank Him because He takes in charge. That he always takes my worries off. That he taught me to trust in Him.
Still, there are no words can met the gratitude I have in my heart.
Anawangin 2011 - Worst Case Scenario

5:30 ang kitaan no'n. Nauna si Leo, sumunod si Nelson, si Gee, si Adriel.. Hanggang sa nagdatingan na isa isa. 7:00 na kami naka-alis ng Cubao (Victory) dahil late ang iba. Akala nga namin ay one hour after pa kami makakaalis dahil bound to Olongapo na ang next trip na hindi naman pala every after one hour umaalis. Swerte lang dahil hindi pa fully loaded ang Wifi bus na may number na 6240.
Eksaktong 11:00 am kami nakarating sa San Antonio. Pagdatind doon ay bumili kami ng bigas, uling at mantika na laging hawak ni Gee. Mineet kami ng aming guide na si Ate Olive na naghihintay na pala sa munisipyo. Naghintay ng kaunti para sa ibang mga kasama hanggang sa sumakay na kami ng tricycle papunta ng Baranggay Pundaquit.
Pagdating doon, sandaling namahinga, hinanda ni Ate Olive ung mga dadalhin namin. Sila na rin ang naghanda ng tubig namin, mga dadalhin katulad ng mga cooking utensils, kutsilyo, kaldero, kawali at iba pa. Nagpasya ang grupo namin na doon na kumain sa kanila para pagdating don, direto happiness na. Kaya pagkatapos, hugas munang plato. Pinagbihis ko na sila, "Pagsakay ng bangka, handa nang mabasa". Hanggang sa tinawag na kami. Okay na ung boat, ndi pa man kami nakakasakay ay may dinaanan na kaming ilog na kumukunekta sa dagat. sobrang lakas ng current. Sumigaw si Allan. sabi tuloy ni AJ, "confirmed". Haha! Isa isang nagpasahan ng gamit. Hanggang sa lahat kami ay nakasakay. Ang lakas ng alon. Tawanan kami sa boat. Masaya. Ang daming alam eh. Ang daming nakikita. Nabasa ung mga gamit namin, pero carry boom lang..


Hanggang sa nakarating na kami sa aming destinasyon, ang Anawangin Cove. Pagdating don, dinala kami ni manong dun sa paglalatagan namin ng aming tent. Ewan ko ba kung bat siya nagdecide nun na doon kami. Pagdating don, siningil na kami ng tig-100 per person para sa overnight stay namin. Pagkatapos, nagset up ng tent.

Naunang nagswimming sina Leah and friends, kumuha kami ng mga kahoy kahoy sa gilid dahil wala nang natirang kahoy para samin. Sugat lang naman inabot namin ni AJ plus nalaglagan kami ng may kalakihang sanga ng puno. Ouch. Para akong nabagok.


Pagbalik don, diretso takbo sa dagat para magenjoy habang sina Leah naman ang nagtuhog ng mga hotdog naming baon na tila isang taong rasyon na halos pinagsawaan nilang lahat, ang kanin naming hindi naubos.

Naenjoy namin ni Ken, Carol at Gee ang lamig ng Fresh Water na ilog. Grabe, ang sarap, ang sarap niyang iuwi sa bahay..

Hanggang sa nakaramdam na kami ng sensitivity na kailangan na naming bumalik sa mga kasama namin at nakiluto't ihaw na. Yummy. Hindi pa man natatapos ang pagluluto at nakakakain ang lahat, biglang umulan, dali dali naman kaming niligpit ang mga tent. Basa sa loob ng tent. Kaya nilipat nila iyon don sa may kubong malapit sa dagat. Lahat ng gamit nandoon habang ung kainan namin ay stay put pa rin. Pagkakain, hindi naman nakafocus ang lahat sa ulam. Puro marshmallow na sinunog ang pinagdiskitahan nila. Kaya busog silang lahat agad.

Pagktapos noon ay nagbanlaw, nagkaniya kaniya na. Naglibot kami ni Gee para lang makahanap ng CR. Doon kami napadpad sa malayong lugar para lang makapagrelease at kami naman ay naging successful. Pagkatapos ng ilang oras ng pahinga't kwentuhan sana. Eto na, lumakas ang ulan, lumakas ang hangin. Likasan kaming lahat. Ondoy daw. Nakistay yung mga gamit namin dun kina Aling Puring, at kami naman nandoon sa may ari ng lutuan. Kumain, umupo, pinilit matulog pero walang nakatulog sa'min. Ay meron pala, sina Carol at Adriel, si C3. Makaktulog lang sana, kaya lang, maingay ung mga boys, tapos ang lamig lamig pa. Alis pa ng alis si Leo dun sa likod ko kaya ayon. Feeling ko, Pneumona abot ko dito.

Hindi pa man gumigising yung araw eh nagluto na kami nila Leah, Manny at Gee. Wala naman kaming maasahang iba kundi mga sarili lang namin. Nagluto para pagdating ng umaga, pwede na sanang lumarga. Pero, ang tagal talagang dumating ng kuya. Sabi nia, 8 daw ay nandoon na siya. Hanggang sa dumating na ung mga naunang guides. Sabi niya, parating na rin daw ung iba. Nakatulog na kami ni Gee don sa tabing dagat. Ung dagat na dapat ay 10 meters away sana ay nakakarating samin.

Anong petsa na nng dumating sina Kuya. Largang larga na kami, dala ang mga pag-asang makakauwi na kami at makakasama ang aming mga pamilya (Drama mode. Change scene). Ngunit hindi pa pala, nagpahinga pa sila, nagkape, sumi-ar, habang kami, atat na atat na kami makauwi. Nang matapos kaming maglakad, saka ko napagtanto kung bakit kailangan pa nilang magpahinga ng ganoon katagal. Grabe. Buti na lang ay nakapagligpit na ang lahat ng gamit.


Nagumpisa kaming maglakad ng 10am. Nagisisi akong tinapon ko ung dala kong tungkod. Sobrang haba ng lakaran. 4 hours ung estimate. Tama naman, 2pm ay nakarating na kami. Hindi biro ung inakyat naming Mt. Maubanban na mayroong 3000+ feet ang taas na siyang 615th highest mountain dito sa Pilipinas.

May mga ilog kaming dinaanan na siyang naging dahilan kung bakit nabasa ung mga gamit namin.
Napakababait ng mga taong nakasabay namin. Tinulungan nila kami ni Gee na umakyat at icheer. Binuhat ni Kuya Bas ung tent ko. (Sa mga makakabasa nito na friends, inimbento ko lang yung pangalan niya, yun kasi yung narinig kong itinawag sa kaniya). Tapos maya maya naman, ung bag ko na. Tinuro niya sakin na kailangan palang nakasecure din ung bag ko sa may bewang para ndi nagwiwiggle. Inabot na kami ng ulan, mas lalong humirap.

Pagdating ko sa taas, biglang sabi ng grupo na bumaba na, walang pahinga pahinga. Nag-Milo pa sila. Grabe. Wala silang awa. Kung ano ung dinulas ng pataas, ganun din ung dinulas sa pagbaba. Tapos, may nakasabay pa ko na sinabi niyang nagugutom na siya, kaya wala akong inisip sa buong 2 oras kundi nagugutom ako. Tinanong ng isang kasama namin kung pano malalaman kung malapit na, sabi ng guide, kapag pantay na raw ang tingin mo sa tao. Mga isa't kalahating oras pa yun. Pagod na pagod na kami. Bawat andar ng paa ay katumbas ng.. wala wala akong maisip na katumbas.

Ang hirap kalaban ng putik. Mainam na kung may madaanang running water para makapaghugas ng paa. Kailangan, madiskarte ka doon, dapat wag ka nang dumaan sa mga trails na dinadaanan nila dahil tyak yon. madulas yon. Kailangan, sa bato ka dadaan at madami pang iba. Hanggang sa dumating na sa point na pantay na nga ang tingin namin sa tao. Akala ko, tapos na. Hindi pa pala, mga 45 minutes pa na lakaran. Nakakapagod. Gutom ang inabot namin. Hindi ko rin naman gustong kumain sa daan dahil makakabigat lamang iyon. Naawa lang ako sa mga kasama kong naglakad dahil sa napigtas sa tsinelas. Pero nakarating naman sila doon ng buhay, kaya thumbs up talaga ako sa kanila.

Pagdating sa bahay nila Ate Olive. Gutom na gutom na kami. Bagsak kami ni Leah sa upuan. Tawa naman ng tawa samin ung pinunong guide namin. Basa lahat ng gamit kaya ayon, karipas sa tindahan, nakidryer. Hanggang sa natapos na ang pag-gayak ng lahat. Uwian na!

Marami akong natutunan sa experience kong iyon.
Una, hindi mo pwedeng pilitin si Papa Lord na payagan ka sa kung anong gusto mo, tapos kapag ndi maganda ang panahon, papa-magic-in mo sa kanya na umayos ang lahat. Moment din yon ng pagdidisiplina Niya sakin.
Pangalawa, natuto akong maging manager.
Pangatlo, May iba't ibang personalidad ang mga tao. May mga tamang tao na dapat isama sa mga tamang lugar. Hindi lahat ng tao ay parepareho ng trip. Hindi lahat gusto ng survival mode. Hindi lahat ng tao, maasahan mong tumulong sayo. Hindi lahat ng tao ay may paki-alam sa kapwa nila. Madalas sa mga panahong uncontrolled, uunahin na nila ang sarili nila. Kahit yung mga gamit nila, iiwan nila para lang sa.. para lang sa iba pa nilang gamit. :))
Higit sa lahat, mula sa experience na ito ay tumaas ang xp level ko. Instant mountaineerer. Parang gusto kong bumili ng bag na pang-camping. haha!!
Hindi ako galit sa Anawangin dahil sinalubong niya ako/kami ng galit siya. Babalik ako don, one day, next year. Ibayong pagplaplano talaga ang kailangan. Tulad ng pagdadala ng plastic at pagplaplastic lahat ng gamit, damit - tuyo man o basa.
Bilang ganti sa mga nakatulong sakin habang nagplaplano ako. Ilalabs ko lahat ng impormasyon na nagamit ko sa internet para makarating lang sa Anawangin.
Expenses:
Ang ambagan namin sa pagkain at misc. ay tig 300 (x12 kami) = 3600.00.
Mula rito ay nakabili na kami ng bigas, uling, mantika, Pork Tunkatsu, kanin na binili namin sa karindirya, cornbeef, hotdog, marshmallows, lighter, 6 loaves na tinapay, 4 na galong tubig (50.00 each), tip sa guide namin, meat loaf, 4 na soap, chizwhiz, cups, kamatis, sibuyas, itlog na pula, styroplates na improvised, bola na panglaro, kutsara, tisyu, at madami pang iba na hindi ko na maiisa isa pa, paluto kina Ate Olive ng kanin nung pagkadating namin dahil hindi na kami makakilos, etc.
Tapos may dagdag na 200 per person ulit para sa boat na back n' fort na sana. Kaya lang, dahil nga boat kami papunta at trekking pabalik ay naiba ung gastos namin.
P150 boat papunta + P100 trekking = P250.00 ang isa.
Ang total na estimated na nagastos bawat isa sa amin ay ay..
P265.00 - Cubao to San Antonio. Victory Liner. WifiReady
P30.00 - San Antonio to Pundaquit. Tryc
P100.00 - Overnight Fee
P30.00 - Pundaquit to San Antonio. Tryc
P44.00 - San Antonio to Olongapo
P207 - Olongapo to Cubao
P500 - Amabagan sa food, boat at trek guide
-----------------------------------------------
P1176.00
Other info:
P250 - rent ng tent for 3 persons
P400 - rent ng tent for 5 persons
P200 - rent ng snorkelling gear
P100 - additional kung gustong magpunta sa Capones at Camara.
Ang guide namin na si Kuya Melvin at Ate Olive. 09065156823. Mabait sila. Halos buong bahay nila ay pinahiram nila sa amin. Sila na rin ang halos nag-ayos ng mga dadalhin namin. Sila ang kinuha kong guide mula sa internet dahil sa kanila yung pinakamura. Pramis!
Number ng Victory liner kung sa'n pwedeng magtanong ng pamasahe ay: 4108986










