Monday, August 1, 2011


"Noong nag-aaral ka pa, gusto mong grumaduate na't kumita ng pera.
Ngayong kumikita ng pera, gusto mong bumalik sa nakaraan ng nag-aaral pa."

Umaga. Umuulan. Mahirap sumakay. As in napakahirap sumakay. Halos lahat ata ng taong nakatira sa barangay namin ay lumabas para lang pumasok. Grabe ang dami ng tao. Kaya naisip kong kunin na lang ang postal ID at Alumni ID ko sa school.


Siyempre, dahil hindi naman nagbago ang lifestyle ko nung nagkatrabaho. Sumakay ako ng jeep katulad ng nakagawian. "Manong, T.I.P, isa lang". Oo, hindi na "Manong, T.I.P, stujante, pakidaliaan.", na may kasama pang palingon lingon doon sa may likuan kung saan itinuro sakin ng google map na nakatira daw ung crush ko. (haha! kasama talaga to?). Hindi ko naman namiss ang Aurora Blvd dahil lagi naman akong dumadaan dito. Pero ang nagumpisang magbalik lahat ng alaala nang hinatak ko ang tali ng jeep upang pumara at bumaba sa aking destinasyon -- ang mahal kong si Alma. Si Alma Matter.

Pagpasok sa school, 'waw, iba na dito'. Wala na talaga akong kilalang mukha eh samantalang iisang taon pa lang naman akong namaalam. Napadaan sa may ilalim ng chapel. Sabay nagslow-mo kunwari sa isip ko ang mga panahong nagiistambay pa kami doon para sa booth ng aming org (Junior Philippine Computer Society) na lagi namang late magbukas. Habang naglalakad pa, ay natapat naman ako sa P.E. Center. Halos walang pagbabago. May itinatayong building sa kaliwa na kulay dilaw at mga tarpaulin o mga bakal sa itaas ng study area para sa mga napipintong paglagay nila ng mga billboard ng mga top notcher ng mga board exams. Bigla ko tuloy naisip, "sana, meron ding board exam ang mga IT". hahaha! sabay sabi ko rin sa sarili na, "buti na lang, wala.".

Hanggang sa may tumawag sakin, "Ate PJ!".. na mga nakasuot ng jers
ey na may tatak na "Angry Birds". Nagbasketball pala sila. Bakit? dahil CITE Week!!

Flashback flashback sa isip ko lahat lahat. Two years ago, monday morning, unang araw ng college week ay ako pa yung game master ng event. Katulad ng nakagiwan, kapag ini-english mo ang mga studyante, hindi ka nila papansinin. hahaha! (no comment sa narinig ko kanina).

Bumalik sa isip ko lahat ng mga nangyari. Sobrang nakakamiss nga. Lahat ng mga pinagkakaabalahan noon ay nakikita ko sa kanila ngayon. Para bagang sumakay ako ng time capsule. Buti na lang, wala doon ang mga classmates ko. haha!!

Masaya namang isipin na kahit parang madali lang lumipas ang college days ay lubos lubos, sulit sulit at wala akong pinagsisisihan. Kung sino ako noong mga panahong iyon ay nagdala sa akin sa kung nasaan ako ngayon. Masayang isipin na lahat pala ng iyon ay magbubunga rin

.

Oo, nakakamiss talagang maging studyante kung ikukumpara mo lahat ng responsibilidad. Nakakamiss lahat ng mga nakagawian;
lahat ng oras na hawak mo;
ang kakapalan ng mukha mong matulog sa klase kapag inaantok ka na kahit ndi ka naman puyat;
ang ilang daang beses mong pagkakataong mabigyan ng desisyon kung mangongopya ka ba o hindi pag-quiz o exam;
ang this-is-the-moment na mga reports mong hindi mo alam kung paghahandaan mo ba o hindi; ang mga nakakapressure na thesis na sobrang patayan sa overnights kahit na hindi naman lahat ay gumagawa, masabi lang na nag-overnight;
ang mga recitations mong hindi napaghandaan na sana ay hindi ka mabunot ng prof mo dahil hindi mo alam ang sagot;
ang mga sarap ng quizzes kapag nagreview ka at may baon ka pang reviewer na may maganda mong pagkakasulat;
ang panibagong sem na sa simula sasabihin mong mageeffort ka;
ang mga hinagpis mong minsan hindi nakitaan ng effort;
ang mga karipas mong takbo dahil late ka na;
ang mag hinihiram mong mga materials sa laboratory;
yung mga tao sa room na hindi mo naman pinakakailaman;
yung mga nakakainis na maiingay na pag-exam ay wala namang maisagot;
yung mga baklang nagpapatawa't nanglalait;
yung mga sipsip na iniisip mong favorit ng mga profs;
mga green jokes ng mga classmates mo na kung babae ka, nakakaturn-off; at kung hindi mo naman nagegets ay iniisip mo kung ano iyon;
yung crush mong ang tagal mong gustong makatabi pero hindi kayo nabigyan ng chance;
yung birthday mong feeling mo importante sayo, pero sa mga friends mo ay "ano ba to, gastos!"
yung paburito mong prof na sobrang galing magturo na sana ay lahat ng guro ay katulad niya;
yung mga pag-rerent mo ng computer sa labas ng school na dapat ay hindi ka naman nagrerent dahil may pc ka naman sa bahay niyo;
yung injustice na sinasabi mo na hindi naman magaling ung teacher samantalang hindi ka naman nag-aral;
ang masarap na uwian at kwentuhan sa jeep na sobrang nakakatawa yung mga tinatawanan niyo ay tumatawa na rin pero nagpipigil yung ibang nakakasama mo sa jeep;
ang sama samang paglulunch ng barkada na sa mga karinderya na student meal o mas mura daw kahit na may mga customer silang hindi student pero ganoon din ang presyo pero wait there's more! may libreng sabaw yon at oorder ka rin ng softdrinks, pag wala kang pera, tubig na lang;
ang kulang na sukli ni manong sa jeep;
ang paburitong pagkain ng barkada na feeling niyo kayo lang ang nakakaalam noon;
ang sabay sabay na pag-akyat sa room at paglipag lipat ng building;
ang mga profs na umaabsent, hindi naman nagsasabi pero masaya;
ang panghihiram ng scientific calculator sa ibang kakilala sa ibang section;
ang free wifi na napakadami namang nakikiconnect;
ang mga mannerism ng mga profs na laging ginagaya;
ang mga reports na bunutan na sana hindi ka mabunot;
ang enrollment at bayaran ng tuition fee na pila galore!;
yung times na pag-gagawa ka ng schoolwork ay uunahin mo pang magfacebook muna, relax daw;
ang mga group review na bakit minsan, wala kang masagot?;
ang pera mong laging nauubos dahil sa photo copy;
ang kuhaan ng grades na sobrang pinagprepray mo kahit nasaan ka pa;
ang gabi-gabi mong pag-uwi, tapos papagalitan ka ng mga magulang mo, tapos bukas, ganoon ulit ang buhay;
ang christmas party ng barkada;
yung mga nahuhuli ni maam na nangongopya, ayaw niya yon, pero pag nakita niya, wawarningan niya lang naman;
ang mga picture-an times at video times;
ang pagshe-share ng assignments at kapag checheck-an na ito ay panatag ka;
ang mga group works na pag-ayaw mo ng kagroup mo ay sana, matapos na ito;
yung prof na type mo na walang nakaka-alam na friend mo na type mo dahil either may asawa or baka type din nila;
yung mga seminars na inattend-an mo, pero may natutunan ka ba?;
college week na nakakapagod na masaya pero hindi lahat aatenand mo.
at siyempre, ang hinihingi mong papel sa katabi mo na sobrang thank You, Lord at sa classroom na ito ay may nageexist na papel pa para sa'yo pero habang nageexam/quiz makakalimutan mo rin naman na ayaw ni Lord na mangopya ka;

Grabe. sobrang nakakamiss ang lahat! Masasabi ko na nga siguro ngayon na ang buhay ko noong studyante times ay hardwork + hardplay + hardlaugh + hardhelp. Ang saya!

Visitors

Popular Post

Followers

- Copyright © 2013 Prisoner's Free -Metrominimalist- Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -