Tuesday, June 21, 2011

Last June 18 at 19, nang kasalukuyang taon, kaming magkakabarkada ay nagpunta sa Anawangin Zambales. Sa hindi inaasahang pagkakataon, imbis na nakapagpahinga sana kami ay napagod kami ng husto dahil sa ndi magandang panahon ang sumalubong samin.. pero, masaya, experience na din.







5:30 ang kitaan no'n. Nauna si Leo, sumunod si Nelson, si Gee, si Adriel.. Hanggang sa nagdatingan na isa isa. 7:00 na kami naka-alis ng Cubao (Victory) dahil late ang iba. Akala nga namin ay one hour after pa kami makakaalis dahil bound to Olongapo na ang next trip na hindi naman pala every after one hour umaalis. Swerte lang dahil hindi pa fully loaded ang Wifi bus na may number na 6240.

Eksaktong 11:00 am kami nakarating sa San Antonio. Pagdatind doon ay bumili kami ng bigas, uling at mantika na laging hawak ni Gee. Mineet kami ng aming guide na si Ate Olive na naghihintay na pala sa munisipyo. Naghintay ng kaunti para sa ibang mga kasama hanggang sa sumakay na kami ng tricycle papunta ng Baranggay Pundaquit.

Pagdating doon, sandaling namahinga, hinanda ni Ate Olive ung mga dadalhin namin. Sila na rin ang naghanda ng tubig namin, mga dadalhin katulad ng mga cooking utensils, kutsilyo, kaldero, kawali at iba pa. Nagpasya ang grupo namin na doon na kumain sa kanila para pagdating don, direto happiness na. Kaya pagkatapos, hugas munang plato. Pinagbihis ko na sila, "Pagsakay ng bangka, handa nang mabasa". Hanggang sa tinawag na kami. Okay na ung boat, ndi pa man kami nakakasakay ay may dinaanan na kaming ilog na kumukunekta sa dagat. sobrang lakas ng current. Sumigaw si Allan. sabi tuloy ni AJ, "confirmed". Haha! Isa isang nagpasahan ng gamit. Hanggang sa lahat kami ay nakasakay. Ang lakas ng alon. Tawanan kami sa boat. Masaya. Ang daming alam eh. Ang daming nakikita. Nabasa ung mga gamit namin, pero carry boom lang..







Hanggang sa nakarating na kami sa aming destinasyon, ang Anawangin Cove. Pagdating don, dinala kami ni manong dun sa paglalatagan namin ng aming tent. Ewan ko ba kung bat siya nagdecide nun na doon kami. Pagdating don, siningil na kami ng tig-100 per person para sa overnight stay namin. Pagkatapos, nagset up ng tent.




Naunang nagswimming sina Leah and friends, kumuha kami ng mga kahoy kahoy sa gilid dahil wala nang natirang kahoy para samin. Sugat lang naman inabot namin ni AJ plus nalaglagan kami ng may kalakihang sanga ng puno. Ouch. Para akong nabagok.





Pagbalik don, diretso takbo sa dagat para magenjoy habang sina Leah naman ang nagtuhog ng mga hotdog naming baon na tila isang taong rasyon na halos pinagsawaan nilang lahat, ang kanin naming hindi naubos.




Naenjoy namin ni Ken, Carol at Gee ang lamig ng Fresh Water na ilog. Grabe, ang sarap, ang sarap niyang iuwi sa bahay..



Hanggang sa nakaramdam na kami ng sensitivity na kailangan na naming bumalik sa mga kasama namin at nakiluto't ihaw na. Yummy. Hindi pa man natatapos ang pagluluto at nakakakain ang lahat, biglang umulan, dali dali naman kaming niligpit ang mga tent. Basa sa loob ng tent. Kaya nilipat nila iyon don sa may kubong malapit sa dagat. Lahat ng gamit nandoon habang ung kainan namin ay stay put pa rin. Pagkakain, hindi naman nakafocus ang lahat sa ulam. Puro marshmallow na sinunog ang pinagdiskitahan nila. Kaya busog silang lahat agad.




Pagktapos noon ay nagbanlaw, nagkaniya kaniya na. Naglibot kami ni Gee para lang makahanap ng CR. Doon kami napadpad sa malayong lugar para lang makapagrelease at kami naman ay naging successful. Pagkatapos ng ilang oras ng pahinga't kwentuhan sana. Eto na, lumakas ang ulan, lumakas ang hangin. Likasan kaming lahat. Ondoy daw. Nakistay yung mga gamit namin dun kina Aling Puring, at kami naman nandoon sa may ari ng lutuan. Kumain, umupo, pinilit matulog pero walang nakatulog sa'min. Ay meron pala, sina Carol at Adriel, si C3. Makaktulog lang sana, kaya lang, maingay ung mga boys, tapos ang lamig lamig pa. Alis pa ng alis si Leo dun sa likod ko kaya ayon. Feeling ko, Pneumona abot ko dito.





Hindi pa man gumigising yung araw eh nagluto na kami nila Leah, Manny at Gee. Wala naman kaming maasahang iba kundi mga sarili lang namin. Nagluto para pagdating ng umaga, pwede na sanang lumarga. Pero, ang tagal talagang dumating ng kuya. Sabi nia, 8 daw ay nandoon na siya. Hanggang sa dumating na ung mga naunang guides. Sabi niya, parating na rin daw ung iba. Nakatulog na kami ni Gee don sa tabing dagat. Ung dagat na dapat ay 10 meters away sana ay nakakarating samin.





Anong petsa na nng dumating sina Kuya. Largang larga na kami, dala ang mga pag-asang makakauwi na kami at makakasama ang aming mga pamilya (Drama mode. Change scene). Ngunit hindi pa pala, nagpahinga pa sila, nagkape, sumi-ar, habang kami, atat na atat na kami makauwi. Nang matapos kaming maglakad, saka ko napagtanto kung bakit kailangan pa nilang magpahinga ng ganoon katagal. Grabe. Buti na lang ay nakapagligpit na ang lahat ng gamit.




Nagumpisa kaming maglakad ng 10am. Nagisisi akong tinapon ko ung dala kong tungkod. Sobrang haba ng lakaran. 4 hours ung estimate. Tama naman, 2pm ay nakarating na kami. Hindi biro ung inakyat naming Mt. Maubanban na mayroong 3000+ feet ang taas na siyang 615th highest mountain dito sa Pilipinas.





May mga ilog kaming dinaanan na siyang naging dahilan kung bakit nabasa ung mga gamit namin.
Napakababait ng mga taong nakasabay namin. Tinulungan nila kami ni Gee na umakyat at icheer. Binuhat ni Kuya Bas ung tent ko. (Sa mga makakabasa nito na friends, inimbento ko lang yung pangalan niya, yun kasi yung narinig kong itinawag sa kaniya). Tapos maya maya naman, ung bag ko na. Tinuro niya sakin na kailangan palang nakasecure din ung bag ko sa may bewang para ndi nagwiwiggle. Inabot na kami ng ulan, mas lalong humirap.



Pagdating ko sa taas, biglang sabi ng grupo na bumaba na, walang pahinga pahinga. Nag-Milo pa sila. Grabe. Wala silang awa. Kung ano ung dinulas ng pataas, ganun din ung dinulas sa pagbaba. Tapos, may nakasabay pa ko na sinabi niyang nagugutom na siya, kaya wala akong inisip sa buong 2 oras kundi nagugutom ako. Tinanong ng isang kasama namin kung pano malalaman kung malapit na, sabi ng guide, kapag pantay na raw ang tingin mo sa tao. Mga isa't kalahating oras pa yun. Pagod na pagod na kami. Bawat andar ng paa ay katumbas ng.. wala wala akong maisip na katumbas.




Ang hirap kalaban ng putik. Mainam na kung may madaanang running water para makapaghugas ng paa. Kailangan, madiskarte ka doon, dapat wag ka nang dumaan sa mga trails na dinadaanan nila dahil tyak yon. madulas yon. Kailangan, sa bato ka dadaan at madami pang iba. Hanggang sa dumating na sa point na pantay na nga ang tingin namin sa tao. Akala ko, tapos na. Hindi pa pala, mga 45 minutes pa na lakaran. Nakakapagod. Gutom ang inabot namin. Hindi ko rin naman gustong kumain sa daan dahil makakabigat lamang iyon. Naawa lang ako sa mga kasama kong naglakad dahil sa napigtas sa tsinelas. Pero nakarating naman sila doon ng buhay, kaya thumbs up talaga ako sa kanila.


Pagdating sa bahay nila Ate Olive. Gutom na gutom na kami. Bagsak kami ni Leah sa upuan. Tawa naman ng tawa samin ung pinunong guide namin. Basa lahat ng gamit kaya ayon, karipas sa tindahan, nakidryer. Hanggang sa natapos na ang pag-gayak ng lahat. Uwian na!






Marami akong natutunan sa experience kong iyon.
Una, hindi mo pwedeng pilitin si Papa Lord na payagan ka sa kung anong gusto mo, tapos kapag ndi maganda ang panahon, papa-magic-in mo sa kanya na umayos ang lahat. Moment din yon ng pagdidisiplina Niya sakin.





Pangalawa, natuto akong maging manager.
Pangatlo, May iba't ibang personalidad ang mga tao. May mga tamang tao na dapat isama sa mga tamang lugar. Hindi lahat ng tao ay parepareho ng trip. Hindi lahat gusto ng survival mode. Hindi lahat ng tao, maasahan mong tumulong sayo. Hindi lahat ng tao ay may paki-alam sa kapwa nila. Madalas sa mga panahong uncontrolled, uunahin na nila ang sarili nila. Kahit yung mga gamit nila, iiwan nila para lang sa.. para lang sa iba pa nilang gamit. :))





Higit sa lahat, mula sa experience na ito ay tumaas ang xp level ko. Instant mountaineerer. Parang gusto kong bumili ng bag na pang-camping. haha!!



Hindi ako galit sa Anawangin dahil sinalubong niya ako/kami ng galit siya. Babalik ako don, one day, next year. Ibayong pagplaplano talaga ang kailangan. Tulad ng pagdadala ng plastic at pagplaplastic lahat ng gamit, damit - tuyo man o basa.

Bilang ganti sa mga nakatulong sakin habang nagplaplano ako. Ilalabs ko lahat ng impormasyon na nagamit ko sa internet para makarating lang sa Anawangin.


Expenses:
Ang ambagan namin sa pagkain at misc. ay tig 300 (x12 kami) = 3600.00.
Mula rito ay nakabili na kami ng bigas, uling, mantika, Pork Tunkatsu, kanin na binili namin sa karindirya, cornbeef, hotdog, marshmallows, lighter, 6 loaves na tinapay, 4 na galong tubig (50.00 each), tip sa guide namin, meat loaf, 4 na soap, chizwhiz, cups, kamatis, sibuyas, itlog na pula, styroplates na improvised, bola na panglaro, kutsara, tisyu, at madami pang iba na hindi ko na maiisa isa pa, paluto kina Ate Olive ng kanin nung pagkadating namin dahil hindi na kami makakilos, etc.

Tapos may dagdag na 200 per person ulit para sa boat na back n' fort na sana. Kaya lang, dahil nga boat kami papunta at trekking pabalik ay naiba ung gastos namin.
P150 boat papunta + P100 trekking = P250.00 ang isa.

Ang total na estimated na nagastos bawat isa sa amin ay ay..
P265.00 - Cubao to San Antonio. Victory Liner. WifiReady
P30.00 - San Antonio to Pundaquit. Tryc
P100.00 - Overnight Fee
P30.00 - Pundaquit to San Antonio. Tryc
P44.00 - San Antonio to Olongapo
P207 - Olongapo to Cubao
P500 - Amabagan sa food, boat at trek guide
-----------------------------------------------
P1176.00

Other info:
P250 - rent ng tent for 3 persons
P400 - rent ng tent for 5 persons
P200 - rent ng snorkelling gear
P100 - additional kung gustong magpunta sa Capones at Camara.



Ang guide namin na si Kuya Melvin at Ate Olive. 09065156823. Mabait sila. Halos buong bahay nila ay pinahiram nila sa amin. Sila na rin ang halos nag-ayos ng mga dadalhin namin. Sila ang kinuha kong guide mula sa internet dahil sa kanila yung pinakamura. Pramis!

Number ng Victory liner kung sa'n pwedeng magtanong ng pamasahe ay: 4108986

Visitors

Popular Post

Followers

- Copyright © 2013 Prisoner's Free -Metrominimalist- Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -