Archive for April 2014

Are You "The Juan"? : Willing to Wait

Minsan, kung kailan nasa harapan ka na ng counter para umorder ng pagkain, saka ka naman mauubusan. "15 minutes, Maam? Willing to wait po ba?" Dahil wala ka namang choice, aagree ka na lang na maghintay. Impernes, worth the wait naman ang paghihintay ng bagong -lutong pagkain.

Pagdating sa lovelife, marami naman sa atin ang willing to wait. Pero kung gutom ka na at di mo maiiwasang mainggit sa mga taong naeenjoy sa kanilang food  o kahit f na f mo na talaga ang gutom mo, hindi mo maiiwasang i-follow up si God, "Yung order ko po?" Bawat lumalabas sa counter na kahawig ng inorder mo, ay tinatanong mo, "Sa akin na ba iyan?" o di kaya'y, "Siya na ba?", Are you "The Juan"?

Dalawa nga lang daw ang kinakatakutan ng mga Christian Singles. Una, iyon ay maging single habang buhay. Pangalawa, yun ay ang makapangasawa ng taong hindi aprubado ni Lord.  Dahil dito, may ibang naghihintay ng Perfect One. Ngunit dahil mayroong mastakot na hindi magkalovelife for the rest of their lives, mga naghihintay ng Wrong One.

Kahapon habang nagtatanghalian ang kaming mga youth sa church, isang matandang dalaga ang sumabay sa amin. Makulit siya. Halos lahat ng Pastor ay tinatawag niyang "Papa". Boyfriend daw niya sila. Ang sarap usisain ng lovelife niya o malaman kung nagka-boyfriend ba siya kaya tinanong ko siya, "Choice niyo po ba iyan?". Seryoso siyang sumagot ng "Oo. Wala kasi akong nakitang spiritual na lalaki na makakapag-lead sa akin". Nakangiti siyang sumagot na tila walang pinagsisisihan. Better single than sorry ang peg ni Ate.

Sa totoo lang, hindi lang siya ang kilala kong tumatanda ng dalaga. Elibs ako sa kanila sa pagka-consecrated ng buhay nila. Wala namang masama sa pagso-solo flight. Masaya sila at secured. Pero karamihan sa kanila'y may mga pagsisisi dahil sa  napakataas nilang standards na hindi mo mawari kung realistic o attainable pa ba.

"Maghihintay ako hanggang sa maging okay na. Pero as of now, si Lord lang talaga muna". A Thousand Years lang ang peg, teh? Madalas ko itong marinig (at mabasa) mula sa mga people na naunang na-hook ang emotion kesa sa siyasatin ang spiritual health, o kung ano pang mga dapat ikahanda nila at ng prospect nila.  Pero ang unang problem ay, maging sila'y hindi rin naman makapaghintay. Sa pagka-inip ay hindi maiiwasang mag-invest  sa lovebank ng mga iniirog nila. Pa-friends friends. Pa-close close friends. Pa-bestfriends bestfriends. Invest sa gifts, sa load, sweet nothings na communication, service o help, mental energy sa kakaisip, emotional thoughts, at memories. Dahil diyan, ang major problem ay tuluyan nang hindi makapagfocus kay Lord. Akala ko ba, si Lord muna?

Karamihan sa mga naghihintay ay nauubusan ng pasensya at sumusuko na lang, "Lord, kung hindi naman po siya yung will niyo para sa kin,  tanggalin niyo na lang po itong feelings". Uso 'to noh? Sa totoo lang, effective itong prayer if and only if makiki-cooperate ka. Pero kung nakayakap pa din ang mga puso at mga actions mo sa kaniya, sa tingin ko, macoconfuse mo ang move ni Lord sa mga da moves mo.

Hindi talaga trip ng mga tao ang naghihintay. Kainip eh. Patience is a waste of time daw. Lalo na ngayon na halos lahat ay pinapabilis ng technolohiya. Kaya tayo gusto din nating instant ang lahat. Nakakalimutan natin na ang unang property ng Love ay patience. Patience na nagtuturo sa ating magtiwala kay Lord dahil everything will be alright when the time is right. Patience na nagsasabi sa ating huwag muna nating bakuran yung mga inirog natin kahit na sasabog na ang ating mga damdamin. Patience na tutulong sa atin para maging emotionally pure.

Dadating ang araw na o-"order" ka ulit at tatanungin kung "Willing to Wait?". Hindi man applicable sa mga kainan, pero ang pinakatamang gawin ay magpakabusog muna-magpakabusog  muna kay Lord para hindi ka gutom at naiinggit sa iba. Matagal man dumating, hindi ka naman nakafocus sa bawat order na lumalabas sa counter. Matagal ka mang paghintayin ay rest-assured ka na dadating yung in-order mo sa tamang oras, mainit init at masarap kainin. Maaring hindi ka na masatisy ng inorder mo, iyon ay dahil bago pa lang siya dumating ay satisfied ka na.
Monday, April 7, 2014

Are You “The Juan”?: Isang Glimpse Kay Future Husband

Not so long ago, may nakilala ako at naging close friend. Naglead ito sa hindi maintindihang M.U. o commonly known as Magulong Usapan. Comprised ito ng mga sweet nothings, "I love you" na wrong send lang naman pala at mga mixed signals na di mo mawari. Sa totoo lang, para kang pina-pain. Inaabangan kung kakagatin mo, at kapag kumagat ka, ikaw ang talo sa laro.

"Wag ka kasing assumera", ito ang sinasabi sa mga nag-assume, lalo na sa mga babae. Siya na nga itong tinetesting, siya pa ang sisisihin. Pero kahit may mga pagkakataong ridiculous lang talagang magassume ang mga babae dahil sa pagka-emotionally logical niya, hahayaan na lang ba na ganito na lang palagi ang scenario ng mga kwentuhan natin?

Kapag nagsesend ka ng wrong signals sa isang babae. Natritrigger siyang mag-isip. Parang imbestigador na ikakalap ang lahat ng data - yung mga sinabi mo at ginawa mo sa kaniya sa past hanggang sa present, maging ang mga ikinilos, sinabi at kahit tingin - lahat 'yon ay ide-data warehousing niya. Kahit hindi niya sinasadya, sumisilip siya sa future para tignan kung "click" ba kayo o pwede ka ba niyang maging the one. Thus, magtatanong tanong siya sa mga friends niya kung bakit ganoon ang ikinikilos mo o kung saan na ba iyon patungo. Minsan, pwede siyang magising sa sampal ng katotohanang pinapaasa mo lang siya. Pero pwede ring patuloy na lang siyang ihele ng mga kaibigan niya sa kaniyang mahimbing na pananaginip.

Naranasan na ng radar ko ang makatanggap ng mixed signals. Maaaring nakakakilig pero hindi nakakatuwa. Hindi ko sinasadyang sumilip sa future para makita kung "pwede" ba kami nung sender. Nagulat ako sa tumambad sa akin - yung listahan ko ng negotiables at non-negotiables na nakahighlight sa "Integrity". Naalala ko, gusto kong magkaroon ng mapapangasawa na mayroong integridad sa kaniyang mga sinasabi, yung taong kayang back up-an ang mga salita niya ng commitment at action. Yun ang katangian ni Future Husband na hindi ko nakita sa taong nagsend sa akin ng mixed signal. "The Juan" will not do such thing. Therefore, hindi siya 'yung hinahanap ko at hindi ako pwedeng mag-assume na siya na si "The Juan"

Minsan, hindi na lang talaga natin maiiwasan ang mga ganitong sitwasyon. Ngayon pa't usong uso ang ganitong laro sa ating henerasyon. Pero wika nga nila, madedefine tayo sa reaction natin sa mga ganitong mga pagkakataon, kung anong pinaninindigan mo at kung saan ka tumatayo. Kailangan alam mo din kung ano talagang gusto mo at hindi lang basta kakagat sa mga minsanang opportunidad. Sa tagpong iyon nagkaroon ako ng glimpse ni Future Husband.. na Oo nga pala, hindi pala siya basta basta. At dahil hindi siya basta basta, kailangan pinaglalaban ko siya ng mga desisyon ko't ginagawa.
Sunday, April 6, 2014

Visitors

Popular Post

Followers

- Copyright © 2013 Prisoner's Free -Metrominimalist- Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -