Archive for November 2013
Ask Me Quick: Common Youth Ministry Problems
May tanong na galing tumblr ko (http://oneday-isangaraw.tumblr.com/)
"Hi po youth leader po ba kayo ng church nyo? ano po ung mga problems na na encounter nyo sa ministry? okay lang po ba na mahurt pag di sumusunod yung youth. thanks po."
Naging youth leader ako noong 3rd Year Highschool. Binusog ako ng mga lessons, failures, successes, pains at character shaping na sobrang worth it. Since na bata pa ako, I expect na sobrang madami pa din akong matututunan.
I guess hindi naman mawawala talaga ang problema ministry lalo na sa youth.Ang youth ministry ang pinakamakulay sa lahat. Sabi nga ni Doug Fields, tayong mga youth leaders ang pinakapagod. Icompare mo daw sa mga ushers na sunday lang nagtratrabaho or sa mga Sunday School teachers na nagpreprepare at nagtuturo ng lesson.. [ Wala kong something against sa ibang ministry ah. :)) ] Tayo daw kasi, imba yung trabaho natin. Mag-disciple ka ba naman ng mga tao na pa-usbong palang ang pagka-tao at inaayos ang foundations ng buhay + mga nasa puberty stage pa na mga nagwawala dahil sa lovelife.. Fully involved ang buhay mo, load mo, time pati pera sa kanila. Isama mo pa ung fact na youth ministry talaga ang palaging target ni Satan dahil ayaw niya na magkaroon ng ‘future’ ang church. Sabi nga, wala naman siyang pakialam sa mga thunders kasi thunders na sila. Pero ang mawalan ng future ang church ay sobrang satisfying kay Satan.
Practically, ang mga usual na problema: resources, support at church culture. (Primary na naisip ko)
Resources - dahil youth ang hawak mo at hindi naman sila gaanong kayayaman, limited din ang resources mo. Pero kung resourceful ka, magagamit mo yung mga creative juices nila. Isa pa, kapag naintindihan nila at inembrace nila yung vision ng youth ministry, kahit kapos sila, magbibigay sila para sa ministry. So kami, madalas naming kinocommunicate yung vision, success indicators, risks-if-not-happened, ng mga ginagawa namin sa mga youth.
Pero sabi nga, relax lang, Christ love the church more than we do. Pinakamasarap na ginawa ni Lord sa amin ay nagpadala siya ng isang hulog-ng-langit na support. Yung youth leaders retreat namin ay first class, private at all-expense paid. Ang great ng God.
Support - Pag sa mga thunders naka-focus ang church at hindi nila alam yung significance ng youth ministry, you get minimal support.
Ang pinaka-worst pa siguro na problema ay isipin ng mga church leaders mo na threat ka sa kanila or sabihan kang nag-eestablish kayo ng sarili niyong kingdom. Masakit ‘yan kasi sa heart of hearts mo ay napakaclear ng consensya mo. At! kahit kelan, hindi mo naman naisip na makipag-compete sa church. Relate na relate much ang kwento ni David dito. Leader niya si Saul at ang init ng mata ni Saul sa kaniya.
Tiyagaan lang talaga ‘to. Prayers. Saka magestablish ng relationship sa mga leaders. Kahit anong mangyari, sila pa rin naman ang leaders at inappoint sila ni Lord.
Nagsubmit kami sa mga leaders namin. Kapag sinabi nilang bawal or hindi pwedeng gawin, kahit na sobrang sakit, dugo at pawis ang binuhos namin, okay lang. We followed. Talagang trust in the Lord with all our hearts and lean not on our own understanding. Well, it turned out din naman na tama sila nung may time na hindi nila kami pinayagan na magheld ng camp just because hindi pa naman talaga namin kaya. Pero may mga projects kami na mga nag-success kaya na-gain din namin yung trust ng mga leaders eventually. Nung nakikita na yung mga transformations sa buhay ng mga youth namin, inask kami nung Senior Pastor namin na kung pwede, pati yung Young Professionals ay hawakan na rin namin. So, buti na lang, nagtiwala kami sa Lord - na alam Niya lahat. Kahit matagal at masakit. It’s so worth it and so rewarding.
May mga magulang lang talaga na hindi ipagkakatiwala yung mga anak nila sa iyo. Aattend sila ng church pero hindi nila iallow yung mga anak na nila na idisciple. Winithdraw nila yung mga anak nila nung nawalan kami ng Youth Pastor. Wala na kaming hold ‘don.
Church Culture - Pag traditional yung church at naka-stick sa culture na pwede namang basagin, feeling mo, naiipit ka. Gusto mong umabot sa mga kabataan pero nakatali ka naman sa traditional setup o Ang lungkot. Sabi nga ni Gabe Lyons, hindi naman aalis sa church ang mga kabataan dahil ayaw nilang maging Christian. Naghahanap sila ng environment na pwede silang maging Christian in a culture that constantly changing. Hindi dapat kinakain ng kultura ng simabahan ang mensahe ng simbahan. Sabi nga ni Andy Stanley, "If the church is for everybody, we dare not create a church culture that excludes any body".
Hindi naman sobrang traditional ng church namen.. pero dahil may ibang mga youth na iba na ang mindset sa church, may gagawin kaming project this sunday (Dec1) para abutin sila.
Organizational problem pa lang ‘yan. :)
May mga young people talaga na hindi nakikinig. Ang hirap umintindi. Laging nauuna ang puso at emotion. Pwedeng sumunod sila sa’yo (halimbawa..) na huwag muna mag-bf/gf.. pero after ilang weeks, balik to landi-mode na naman ‘yang mga ‘yan. Pwedeng makinig sila sa’yo, papagsabihan mo sila. Hanggang mahihiya sila sa’yo at eventually, hindi na sila magkwento at feeling nila, helpless sila. Tapos, syempre, dahil mahal mo sila at hindi sila nakinig o sumunod, masakit talaga. Una, dahil may care tayo sa kanila. Pangalawa, dahil pride natin sila.
Mas relational ang mga bagets ngayon. Susundin nila kung sino yung masmadalas na naghuhulog sa Love Bank nila. Kung mas-na-affirm pa sila ng mga crush/m.u./jowa nila, dun sila pupunta. May sense ako na masnagiging loyal ako sa mentor ko dahil masfeel kong anak at loved ako. So, mas feel ko na sumunod at makinig sa kaniya. Wag na nating iexpect na makinig sila at susunod kung hindi naman natin naiparamdam sa kanila how much we cared for them. Well, bilang tao, hindi natin talaga ‘to kaya na mag 24/7 sa kanila. Hindi lang dahil napakahirap ng youth ministry, kundi hindi naman talaga tayo ang Savior at Lord nila. Gawin na lang natin yung best na masmaging influencial sa mga buhay nila more than sa influence ng mundo sa kanila. At hindi talaga dapat mawawala na si Jesus talaga ang solution ng mga desires nila. Mawala man tayo, dapat maging fully founded sila kay Lord.
Isa pang problema ay sarili din natin. Sabi ni Craig Groeschel, sobrang entitled ng generation ngayon. Super achievers habang bata pa. Parang di mawawalan ng bukas. Akala natin, magaling na tayo or equipped with experience na. Gusto natin madali ang lahat. Pati yung growth ng mga youth.Inuuderestimate daw kasi natin kung anong pwedeng gawin ni Lord sa lifetime natin at inooverestimate yung pwede nating magawa within a period of time. Example, gusto nating maging author ng isang libro. Gusto natin, agad agad makapagpublish ng book without taking into consideration na marami pang pwedeng gawin sa atin si Lord within 10 years pa at nang maging tunay na source of wisdom yung book na ilalabas natin. So as leaders, kailangan nating maging teachable (includes humility) at maging student of life. Kahit ako, nagcrecrave pa din ako sa wisdom ng mga thunders at nagbabasa pa din ako ng mga leadership books. Kailangan eh. At kailangan ding iapply. Sabi ng mentor ko, yung growth ng ministry ay nakadependent din sa growth ng leader. Ang ministry na hindi naggrogrow ay nagrereflect ng isang leader na hindi naggrogrow (qualitative) Saka never be in a hurry. Mas pumapangit ang outcome ng crafts natin kapag minamadali. Isa pa, kung pabilisan lang ang youth ministry, nagkanda-dapa dapa na tayo.
Tip ko lang, synergize yung mga strengths ng youth leaders. Sa case namin, meron kaming vision caster, detail-master, at networker. Hindi natin kayang gawin lahat. Accomplish more by doing less. Piliin lang yung mga bagay na ikaw lang ang makakagawa, yung iba, ipasa mo na sa ibang youth. You’ll give them opporunity to serve and feel nila na you trust them as well.
Wednesday, November 27, 2013
While I'm Waiting: Work It Out
Noong nirewrite ko yung mga Non Negotiables at Negotiables ko para kay Future Husband, naka half page ako. Pero nung sinulat ko yung mga Non Negotiables at yung mga practical steps ko para i-allow ko yung sarili ko na pumasok sa relasyon, naka 2 pages ako. hahah!
Di naman daw kasi pwedeng request ka ng request kay Lord nang hindi mo inihahanda yung sarili mo. Example, madaming Christian girls ang nangangarap na maging Pastor's wife o asawa ng isang church leader. Pero naisip ba natin na superb ang paghahanda ng Panginoon para magdevelop ng isang Pastor o isang church leader? Therefore, superb din ang paghahanda ni Lord para magdevelop ng isang suitable helper (Gen 2:20). Maraming Christians, nasa non negotiable list nila ang "hindi lang basta basta Christian". Pero naicheck ba natin kung tayo din ba ay "hindi lang basta basta Christian" din? Baka mas may time pa nga tayo kakakulit kay Lord ng lovelife natin kesa magspend ng time sa Kaniya lamang. Hindi tayo magnet na opposite attracts. Attracted ang mga taong may passion kay Lord sa mga taong may passion din kay Lord. Hindi sa sinisira ko ang mga pangarap ng marami, ang akin lang, kung gusto mo, paghandaan mo.
Madaming naiinip sa Single Season ng buhay nila. Gustong gustong mameet na si Mr. o Ms. Right. Kapag may dumating naman na prospect, sasabihin nila, "ay hindi pa kasi ako handa", "masyado siyang mataas". Yung iba, hanggang M.U. na lang muna, o kaya palipad hangin dahil hindi makapasok sa commitment. Do not awaken love until it so desires (Songs of Solomon 2:7) ang peg.
Hindi naman talaga issue kung ibibigay ni Lord yung desire natin. Faithful si Lord noon pa. Siya ang nagcreate ng mga desires natin at expert Siya sa pagtugon nito. Ang issue naman talaga ay kung handa tayo. Ang Promised Land sa mga Israelites, matagal nang nakahanda. Ang plano ni Lord para sa atin, matagal nang nakalatag. Kailangan lang nating ipaglaban at i-work out para makuha natin yung mga promises niya. Faith without work is dead (James 2:17).
Bilang mga relational beings, madaling ma-inlove. Madaling mahulog ang mga emotion natin. Pero ang maghanda ay hindi biro. It takes time and discipline.
Habang wala pa yung someone na hinihintay mo, bakit di mo ilista at iwork out yung mga bagay na dapat mo nang iwork out. Unahin mo na yung mahirap gawin at dapat mo ng sinimulan noon pa. Gasgas na yung katagang, "Don't look for the right person, be the right person". Alam na natin yan, di lang natin ginagawa. Tama na yung kakahintay, kakabigo at kaka-epic fail. Imaginine mo na lang kapag dumating na yung hinihintay mo, hindi ka man milyonaryo, at least somehow, handa ka.
At the end of it all, realize na hindi mo talaga ito ginagawa para kay future-someone-special mo. Mahalin mo si Lord hindi para ipakita sa prospect mo na mahal mo si Lord at nang matanggap ka niya. Hindi ka magpapapayat dahil lang visually appealling ang sexy. Inaalagaan natin ang ating mga katawan dahil ino-honor natin si God. Humingi kay Lord ng tamang motives at correct perspective. Si Lord lang ang makabibigay niyan sa iyo. Dumating man yung hinihintay mo or not, hindi ka talo. You can never go wrong with a right heart.

Sunday, November 10, 2013
Hate Posts sa Social Media
Pag galit ka, madali na lang ibomba ang Facebook at magparinig. Ang daling gumawa ng intriga, magpatama, gumawa ng tsismis at sapulin ang mga kaaway mo. Kapag nagpost din ng something fishy yung kalaban mo, "Ay tinamaan?", sabay evil laugh. Minsan, paawa effect pa para makuha ang simpatya ng mga tao. Kapag maraming likers ang post mo, feeling mo, kakampi mo ang mundo. Anong ibig sabihin nito? Paki-explain.
Madali kasi para sa atin, lalo na sa mga outspoken na tao ang ibulalas aggressively ang ating mga nararamdaman. Walang pinagkaiba sa pagiging hot-tempered at walang self control sa tunay na buhay lalu na kapag nasa isang uncontrolled situation. Problema ito ng mga artista. Isang maling post lang nila sa twitter, nagkakatrabaho na ang mga intrigera at chismosa. Paikot ikot ang cycle. Hindi lang sa kanila kundi sa atin ding mga simpleng mamamayan. Hindi mo lang napagtanto, mayroong dalawang bagay na nasasapul sa iyo sa bawat hate post mo: Image at Integrity.
Two opposite ends ang dalawang bagay na ito. Image: kung sino ka sa harap ng madaming tao. Integrity: kung sino ka kapag magisa ka lang. Sa bawat post mo mayroong mga nagI-strongly agree, agree, disagree at strongly disagree sa iyo. Pero sabi nga ni Donya Ina, marami pa din yung mga walang paki. Sa mga likers ng post mo, may dalawang types pa yan: yung mga may pakialam talaga sa iyo at yung mga nakakarelate lang talaga sa sitwasyon mo.
Pero kahit ano pa mang tingin nila sa stat mo, ang image mo ay nabubuo sa mga tao lalu na kapag galit ka o desperado na. Sabi nga nila, mas nakikilala mo ang isang tao sa mga uncontrolled situations niya. Kahit sabihin mong virtual lang ang cyber space, may essence mo pa din ang bawat post at share ng mga patama quotes dahil may pinanghuhugutan ka. Hindi ka naman robot at hindi naman captcha ang pinopost mo.
Kadalasan, ang mga hate posts lalu na yung mga personal ay ginagawa in secret o kapag mag-isa ka lang. Mas madali ngayon dahil naka mobile na halos lahat. Hindi mo naman ipapacheck sa Pastor yung grammar ng hate post mo dahil irerebuke ka niya bago mo pa maipost iyon. Katulad ng kahit anong kasalanang ginagawa in secret, ganun din ang pagfoformulate ng mga posts na nagmumula sa iyong heart of hearts. Sapul ngayon ang integrity mo.
Elibs ako sa mga taong malilinis ang FB walls. Akala ko noong una ay restrained lang talaga sila at may self control. Maganda ang image nila dahil sila ay mga tao na may integridad. Sa aking journey bilang isang Internet user, ilan ito sa mga nadampot ko:
"Kapag nagpost ka, siguraduhin mong kaya mong panindigan" -Ptr Ronald Molmisa
"Kung tunay kang leader, isettle mo muna yung mga issues mo sa totoong buhay bago mo isuka sa FB ang galit mo na as if maayos nito ang problema mo" - Ptr Ron Fortaleza
"Wag mong isipin na mga friends mo lang ang makakakita ng mga posts mo"- Beng Alba
"Wag kang magpopost kapag galit ka. Ipost mo yan kapag hindi ka na galit. Subukan mo kung mapopost mo pa iyan" - Ptr Migz Poja (rephrased)
Huwag na nating dungisan ang mundo at gamitin ang Social Media para gumawa ng mga World War sa mga kaibigan natin. Sa internet, malaking porsyento ang miscommunication tulad ng parinigan at patamaan dahil sa mga indirect na messages na binabato natin against sa ating mga pinakamamahal na kaibigan. Mag-logout. I-off ang wifi, kausapin ng personal ang nakasakit sayo. At nang maging hayahay ang buhay.
Sunday, November 3, 2013