Friday, June 12, 2009

waw! registered na ko! Voter's ID na lang. haha!
June 10 2009, nang bigla ko na lang maisip na dapat na talaga kong magregister. Kahit na hindi ako sanay sa mga tao o nagtatanong-tanong ay lakas-loob kong tinungo ang aming barangay hall para magtanong kung papaano ba makakapag-rehistro. Aba! gawin ko naman ang responsibilidad ko bilang mamamayan ng bayan. Hahaha! Wala nang anu anu pa't inistorbo ko pa ang aming Barangay Captain para lang magtanong. Infareness, hindi sila mahirap kausapin at at-ease ang pakiramdam don sa Barangay Hall. Ayon, dumiretso na rin ako sa Municipal Hall. First time kong pumasok dun. Ang ganda ng Municipal Hall ng San Mateo. Akala ko, nasa loob ako ng Museum. Ayon, nagtungo sa room ng Comelec, nagsagot ng forms, pumirma sa digital signature ek ek. Nagfinger print chorva sa fingerprint reader nilang astig na naka-connect na sa system at tumingin na sa camera para sa Voter's ID na hindi ko alam kung kelan lalabas.
Kung ano man ang mangyayari sa botohoan next year. Sana nga nawa ay automated na ito. Kung magkakaron man ng dayaan, atleast, less na ang mga errors noh.. Sure ko, busy na naman ang mga tao sa con-ass. Pambihira.

Visitors

Popular Post

Followers

- Copyright © 2013 Prisoner's Free -Metrominimalist- Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -