- Back to Home »
- Guitar-A!
Tuesday, June 16, 2009
Ilang taon ko na ring nakakasama ang gitara ng kapatid kong si 'Leche Flan'. Hindi pa ko marunong mag-gitara, andito na ito. Oo, matanda na nga siya - 12 years old na siya. Mas matanda pa siya sa kapatid kong bunso. Dinadala ko siya sa school nung High School pa ko, umaraw man o umulan nang wala pang case - andun lang siya sa gilid ng room;)
Pero gaano man ka-faithful ang gitarang ito. Nagka-tanggal tanggal man ang pintura sa mga frets nito at ilang taon na ring hindi napapalitan ng strings ay! nylon pala, sa tibay, ay gusto ko na ng bagong gitarang makakasama ko sa susunod ulit na mga taon. Sana, strings naman. [Oh! Lord, dinggin Niyo po ako;) ]. Ang hirap hirap mag-canvas dito sa internet, dahil wala namang music store ang may website na Php ang presyo. Lahat dolyar. Haay. Makakarating kea rito sa Pilipinas ang mga gitarang iyon sa tinignan ko sa 'World Wide" Web? Hindi ko man alam kung maganda ang quality ng tunog ng mga iyon. Tinignan ko na lang sa hitsura - para cute;)

Ang una kong tinignan sa Fender ay ung cute na Malibu CE. Sabay Download ng presyo nito. Oh my!
"Ang cute niya! pero hindi cute ang presyo "
(ang madalas kong sabihin pag nasa mall at may nakkitang cute pero mahal)
19,200Php! Hindi na oi! Onti na lang- DSLR na! 800 na lang, may NEO na kong Laptop. Pero ang cute niya talaga!
Haay. Waw! grabe! ang mahal mahal sa Fender - 170$ ung pnakamura nila, maliit pa. Hmm. sabi nga - "Lipat sa kabilang tindahan"
Ang sumunod na tinignan ko ay ung C.F. Martin. Ang ganda ng mga gitara. Ang sarap binyagan - -pulidong pulido ang pagkakagawa. Ang kinis at ang ganda ng katawan, daig pa ko. Tinignan ko ang menyu. Syempre, para sa mga kagaya ko, pricelist na ang unanag takbuhan.
Ang una kong nakita ay ang D-41 Portwagoner na $5,999! grabe naman! Maganda siya talaga kung maganda. Kaya ndi siya ganun ganun lang ang presyo. Isa sa mga natutunan ko dito na pag ang gitara pala ay gawa sa Rosewood - tiyak yon! mahal ang presyo non!
May nakita rin akong gitara na nasa $109,999 ang presyo - rumarampa sa presyo ng mga sports car, kaunti na lang, may isang Mitsubushi Eclipse na ko.
Ang cute ng kulay ng CF- Sunburst nila, nasa $8k ang presyo. Grabe! Sa kanila na 'yon.
Wala man lang akong nakitang gitara na bumaba sa $300. Pero parang nagkaro'n ako ng munting pangarap na magkaroon ng gitra na Martin na gawa sa Rosewood o kaya't isang LXM Tres, nakahilera sa Little Martin Guitar na nagkakahalagang $500. (San kea ko kukuha nun?! aah. sa bulsa)
Ayan, dito naman ako sa Ibanez. Hindi ko alam kung last store na to na pupuntahan ko. Late na kasi ako. Natuwa naman akong malaman na meron pala silang site para sa Philippines. Nakakatouch.:) .. ayon nga lang,wala namang price at nung chineck ko sa internet ang presyo ng AW - Acoustic Electric dahil nagustuhan ko ang kulay katawan nito, nako! parang wala atang bibili ng ganung gitara dito sa Pilipinas.
Nagsort ako ng mga presyo ng gitara sa site na napuntahan ko. Nakakakita ako ng gitara na $99 lang. Sa Fender. Mini nga lang. Pero.. hmm.. at nako! Nylon na naman!:(
Parang nanghihinaan na ko ng loob o siguro,pupunta na lang ako ng Sta. Mesa, Megamall o kea SM North para mas realistic ang mga presyo ng gitara. Hahaha!
Saka iba pa rin ung nakita ng personal, alam mo ung tunog at alam mong hindi masakit sa kamay;)
Sige, pasok na ko!