Tuesday, April 7, 2009

Naeexcite na talaga ko ngayon pa lang. Hindi ko naman kasi akalain na makakasama na naman ako sa Camp. Napakamemorable na naman ng paraan na ginawa ni God kaya ako nakasama. Hindi ito isang kakapalan ng muka kundi isang grace ni PapaGod.
Sunday ng umaga nun. Sa church. Papunta pa lang ako , iniisip ko na na hindi na naman ako makakasama. Total, hindi naman sasama ung majority ng mga friends-since-birth. Sabi ko rin sa friend ko.. "Nako! hindi na ko makakasama, hindi ko naman dala ung pera ko". sabi niya "wag kang negative, wala pa ngang nangyayari". Nung araw na ring yon, yun na ung last day para maka-pasok sa P800 na bayad ng camp.. kasi P1500 na pag hindi nagdown o nakapagregister(sa pagkakaalam ko). Ayon, hanggang sa nagbenediction na, inaasahan kong hindi ako talaga makakasama. Nako! Lalu na't hindi ako ng tithes! Ayon, dahil andon na rin si Ptr. Ron, kapatid kong mahal ay siya na ang pinagbenediction (on the spot). Tapos, hanggang sa matatapos na ung service.. "The Lord be gracious.. gracious unto you..". Finifeel ko talaga ung kantang yon.. Haha! tapos ayon na. Uwian na.. Uwian na literal pero hindi pa maguuwian ang mga tao.
Sabi ng isa kong friend-since-birth na si Cha2. Sasama daw siya at bayad na! Grabe! Parang guguho ung mundo ko dahil feeling ko, ako na lang ang maiiwan na youth sa church. Nilapitan ko ung kapatid kong panganay, pero wala daw siyang pera. Ayon.. mejo hopeless na. Tapos, pumunta kami ni Cha sa office ng Secretary ng church. Ilalabas na kasi rin ung Newsletter na ni-Layout ko. Tapos ayon. sabi ni Cha, "Tara! Solicit tayo." Tapos, may nag-react na 2 tao na hindi ko na babanggitin. Hanggang sa inabutan ako ng P200. Sabi ko, sige, magrergister na ko. Eh hindi pa ko pinapayagan ni Mama non. Sabi ko, basta, magreregister na ko.. Kahit anong mangyari. Tapos, tinanong ako, sabi "O, kelan mo ibibigay yung P600?" Iniisip ko talaga na gagmitin ko na lang ung love gift ko. Kaya lang, kulang pa rin. Pero ok na. Hindi naman siguo sa kakapalan ng muka ko. Pero siguro, hindi na ko nahiyang lapitan ung Ninang ko.. Hanggang sa nakompleto na ung P800. Nung una, hindi pa ko papayagan sana ni Mama, pero sabi niya. "Papayagan kita, pero dapat makapag-raise ka ng pera para makama". O! anong saya! at naging daluyan ng blessings ang mga taong iyon. Hinding hindi ko sila makaklimutan talaga. At surely ay iblebless pa sila ni Papa God.
Nakakatuwa. Sabihin na nilang O.A. ako or what pero nagpapasalamat talaga ko kay Papa God. Weeeh! Camp na!

Visitors

Popular Post

Followers

- Copyright © 2013 Prisoner's Free -Metrominimalist- Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -