Friday, April 17, 2009

Last April 13-17, 2009 ay naghold na naman ang IN Phils ng Youth Camp. Gaya nga ng kwento ko sa baba, hindi ko talaga inaasahang makakasama ako. Para sakin talaga yung camp na yon. Hekhek. Nung una, medyo nalungkot, kasi hindi nakasama ung crush ko na nameet ko nung 2006 (Developing Young Leaders in Rebuilding the Nation). Anyways, hindi naman siya ang pinunta ko don.

Maraming marami akong nakilalang new faces. Maraming first timers. Marami akong nameet. Mga taong iba-ibang ugali at mga personalities. Pero ok lang, we have One common denominator naman.. si Christ.

Napunta ako sa Blue Team (Blue Team na naman!). Nameet ko sina Istan, Budeth (nakilala ko na dati), sina Koy2, Luzel, Jonathan, Nico, JP, Gino(X-Con), Kris Ann, Ate Digna, Robbie, Hanna, Andrea, naging close ko si Kuya Xander at si Rhane, basta, marami pa kong naging friends sa Blue Team. Nung una, nafrufrustrate kami. Pero ayon.. sa tulong ng Evaluation, kasama ni Kuya Richard at ni Jacob ay umo-okay naman pagkatapos. Lalu na nung last day ng challenges.. Waaah! grabe! ang saya! nauna pa kami. United BLUE TEAM!

Nakasama ko rin naman sa workshop si Ptr. Ryan Cayabyab na sobrang may nakakatouch na buhay.. at super dami ko ring natutunan sa kaniya. Kaworkshop namin si Majesty, Carline, Hadrian, Kuya Ralph, Jenilyn(nagdadamo, tumatawag ng spiritu(peace), Ate Digna, Aaron at Jerome! Super dami kong napulot sa mga taong ito. At lagi kaming masaya:)

Sa Cabin, andon sina Darlyn, Ate Oshme, Bambi, Arjin, Iana, Joanna (na hinaharana pa ni William), Jenelyn(si Boy), Kris Anne, at many more!.. many more tlaga! hehe. ayon, sila ang kasama ko sa Devotions at sa pila sa pagligo. Hekhek. Ayks. Cabin ko.. Andrew na naman:)

Ang main speaker namin ay si Ptr. Manny V., siyempre, andon din Si Ptr. Jon E., naging speaker din namin si Ptr. Willie B. at si Ptr Alwin A.. Kung ano man ung natutunan ko sa kanila ay ibloblog ko pa ulit para masaya. Haha!

Ayan, panahon na para mag-ayos ng buhay. Ayos na ulit ang christian life.. Takbo na ulit ang takbuhin ng Christian Life.. Hindi na ulit papayagang maligaw sa track. Hindi na ulit hihinto. At ang fire - papaypayan palagi;)
ayON lang po. salamat talaga ng maraming marami at nakasama ako sa camp na yon;)

Your commitments will determine your choices. - Ptr. Manny V.

Visitors

Popular Post

Followers

- Copyright © 2013 Prisoner's Free -Metrominimalist- Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -