Archive for July 2013
Alive Alive: Ang Kwento Ko Ng Mini Modern Persecution
"Alive Alive: Ang Kwento Ko Ng Mini Modern Persecution"
Isang nakakarinding tawa. Hindi magandang joke. Mina-mock ng isang
barkada ang pagiging Born Again. "Alive Alive!!" kanta niya, sabay pa ng
wagayway ng kamay sa hangin. Mag-isa lang akong Christian sa classroom
no'n. Pulang pula na ko sa inis. "Niloloko mo ang faith ko??? Baka hindi
mo kilala kung Sino'ng kinakabangga mo", bulong ko sa sarili habang
tinitignan siya. Inis na inis ako sa kaniya. Gustong gusto ko siyang
patulan. Ang eksanang iyon ay nag-impact sa akin sa pakikitungo ko sa
kaniya. Halos lahat ng kabarkada ko'y taimtim kong ninanasa na
maka-kilala sa Panginoon, maliban lang sa kaniya.
Ilang taon
nang nakalipas, kahit nagsisimba na siya ay masama pa rin ang tingin ko
sa kaniya. Minsan nasabi ko sa sarili, "Look who's here!!
Kinain niya rin yung mga sinabi niya". Hindi kwestyon sa akin ang
kakayahan ni Lord na palambutin ang puso ng isang makasalanan. Pero iba
talaga yung feeling ng makita ko siya sa church. Sabi ko kay Lord, "Sa
atin din pala ang huling halakhak!"
Isang araw, nabasa ko ang
isang pamilyar na kwento sa Bible. Sa kwento, noong gabing iyon ay alam
na ni Hesus na Siya ay malapit ng magbalik sa Ama. Alam din Niya na
mayroong magtratraydor sa Kaniya. Noong gabi ding yon ay hinugasan Niya
ang paa ng kaniyang mga disciples. Isa isa sila. Marahil ay nalulusaw sa
hiya ang mga ito kay Lord dahil dito.
Kung katulad natin si
Hesus, marahil ay nilagpasan na niya si Hudas. Kung gayon, pwede na
niyang ipahiya ito, "Hindi ko huhugasan ang paa mo dahil ipagkakanulo mo
lang ako!! Ano to, plastikan?!" Ngunit kahit na alam ni Hesus ang lahat
ng mangyayari ay umupo pa rin Siya sa paanan ng Kaniyang betrayer at
pinaglingkuran ito. Walang kulang o labis, katulad ng ginawa Niya sa
ibang disipulo, hinugasan Niya ang paa ni Hudas.
Siguro nga,
hindi na kailangan ng Panginoon na ipagtanggol ko Siya sa mga nanloloko
sa Kaniya o sa paniniwala ko. "Lord, naalala mo pa ba noong mino-mock ka
niya? Alive alive ka daw o". Ang nais Niyang makita ko ay kung anong
eksaktong ginawa Niya noon. Pinili Niya na paglingkuran pa rin si Hudas
kahit na alam Niyang may gagawin ito "laban" sa Kaniya. Ginawa Niya ito
out of love at walang halong kaplastikan. Ganun din sa kabarkada ko na
minahal Niya kahit na niloko-loko pa Siya. Ahhh. Ang unconditional love
ng Panginoon sa kaniya ay nagtulak sa akin para patawarin ang kabarkada
kong ito at tanggapin siya bilang kapatid sa Ama.
Sabi ko kay Lord, "Sa Iyo pa rin ang huling halakhak!"
Friday, July 26, 2013