- Back to Home »
- EvangeLigaw
Old school na ang katagang ito para sa mga kabataang Kristyano. Ngunit para sa kaalaman ng mga hindi nakakaintindi, ang Evangeligaw ay ang pagsheshare ng gospel ng mga Kristyano sa kanilang sinisita na hindi mananampalataya para maging legal o payagan ng simbahan o ng mga magulang ang kanilang relasyon. May kaakibat itong famous line na "malay mo, makilala niya si Lord dahil sa iyo"
Sinabi ni Paul sa 2 Corinthians 6:14 na hindi tayo maaring makipagrelasyon sa mga hindi mananampalataya. Ngunit tila walang linaw sa mga kabataan kung bakit nga ba ayaw ni Lord? At dahil hindi naiintintindihan ay hindi sinusunod. Madalas pang itanong sa Panginoon, "bakit ba Lord? Ayaw mo ba akong maging masaya? Akala ko ba mahal mo ako?"
Hindi dapat pagdudahan ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Sinasabi niya ito sa atin dahil mahalaga ito Kaniya. Kung hindi importante sa Panginoon ang ating relasyon, bakit pa niya pag aaksayahan ng panahon upang maisama ito sa Bible at maiparating sa atin? Kung hindi tayo mahal ng Panginoon ay dapt na hinayaan Niya lang tayong mapunta sa kung sino sino lamang. Nais ng Panginoon na sumunod tayo upang matikman natin ang inihanda Niyang plano para sa atin. Nais niyang maranasan natin ang the best at ang the fullest sa ating lovelife. Gusto Niya tayong maging masaya hindi lang sa ngayon kundi maging sa hinaharap.
Ang EvangeLigaw ay hindi mabisang paraan. Wala pa akong nabalitaang successful na relasyon na dumaan dito. Ang tanong marahil ng Panginoon, "Paano mo siya sheshare-an ng magmamahal ko, kung ikaw mismo, hindi mo naiintindihan kung gaano kita kamahal?"