Archive for August 2012

EvangeLigaw

Old school na ang katagang ito para sa mga kabataang Kristyano. Ngunit para sa kaalaman ng mga hindi nakakaintindi, ang Evangeligaw ay ang pagsheshare ng gospel ng mga Kristyano sa kanilang sinisita na hindi mananampalataya para maging legal o payagan ng simbahan o ng mga magulang ang kanilang relasyon. May kaakibat itong famous line na "malay mo, makilala niya si Lord dahil sa iyo"

Sinabi ni Paul sa 2 Corinthians 6:14 na hindi tayo maaring makipagrelasyon sa mga hindi mananampalataya. Ngunit tila walang linaw sa mga kabataan kung bakit nga ba ayaw ni Lord? At dahil hindi naiintintindihan ay hindi sinusunod. Madalas pang itanong sa Panginoon, "bakit ba Lord? Ayaw mo ba akong maging masaya? Akala ko ba mahal mo ako?"


Hindi dapat pagdudahan ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Sinasabi niya ito sa atin dahil mahalaga ito Kaniya. Kung hindi importante sa Panginoon ang ating relasyon, bakit pa niya pag aaksayahan ng panahon upang maisama ito sa Bible at maiparating sa atin? Kung hindi tayo mahal ng Panginoon ay dapt na hinayaan Niya lang tayong mapunta sa kung sino sino lamang. Nais ng Panginoon na sumunod tayo upang matikman natin ang inihanda Niyang plano para sa atin. Nais niyang maranasan natin ang the best at ang the fullest sa ating lovelife. Gusto Niya tayong maging masaya hindi lang sa ngayon kundi maging sa hinaharap.

Ang EvangeLigaw ay hindi mabisang paraan. Wala pa akong nabalitaang successful na relasyon na dumaan dito. Ang tanong marahil ng Panginoon, "Paano mo siya sheshare-an ng magmamahal ko, kung ikaw mismo, hindi mo naiintindihan kung gaano kita kamahal?"

 

Saturday, August 18, 2012

Laki sa Church. Laki sa layaw


Katulad ng iba, laki din ako sa sa church. Mulat ang aking murang isipan sa mga gawain sa simbahan gaya ng paghahayo, evangelism at iba pa. Alam kong maraming kailangang makakilala sa Panginoon ngunit isang araw, napakwestyon ako, "bakit ang dami kong kababata sa church na naiwan?" Maraming mga magulang sa aming church ang nagtataka sa mga nangyayari sa kanilang mga anak gayong lumaki naman ang mga ito sa kanilang tabi habang nasa gawain ng iglesya. Bakit nang nagsi-lakihan sila ay tila nakalimutan nilang lahat ang aming mga natutunan? Ngayon, salo nila ang iba't ibang expextations at madalas masabihan ng " Kristiyano ka pa naman", "Anak ka pa naman ni.. " , "Anak ka pa naman ng Pastor"..

Kailanman, hindi dapat i-assume na ang mga batang lumalaki sa simbahan ay lubos na naiintndihan ang ginawa ng Panginoon sa kanila. Hindi rin dapat isipin na kesyo Kristiyano ang magulang ay Kristyano na din ang anak. Walang apo ang Diyos. Importante ang pakikipagtulungan ng simbahan at mga magulang sa pagpapalaki ng mga anak.

Sabi ni Haring Solomon sa kaniyang obserbasyon sa Proverbs 22:6, Train a child in the way he should go, and when he is old he will not turn from it. Hindi niya sinabing ituro lamang. Sinabi niya na hubugin ang mga kabataan kung saang daan dapat sila naroon. Ibigsabihn, dapat ito ay constant at matinding pagmamatiyag.

Simulang tumungtong ang isang kabataan sa highschool ay nagiging kritikal ang lahat. Ang hudyat na sumasagot na ang isang kabataan sa kaniyang magulang ay senyales na may sarili na itong kakayahang magdahilan, mag isip at magdesisyon. Ang paniniwalang minana niya sa kaniyang mga magulang ay dapat ng suportahan nang masmalinaw. Ang pag-ibig ng Panginoon ay lubos na dapat niya ulit matutunan upang maintindihan niya ito ng masmabuti. Dapat siyang suportahan sa pagdalo niya sa gawain ng mga kabataan sa simbahan upang hindi siya maiwan, magkaroon ng mga panghabang buhay na mga kaibigan, hanggang mahubog siya sa pagigng totoong pag-asa ng bayan. Ang simbahan ay maginvest sa kabataan dahil ito ang kaniyang hinaharap. Ito ay dapat na mayroong matibay na youth ministry na nakasentro sa Panginoon at hindi sa kasiya siyang gawain lamang. Anong silbi kung aktibo ang simbahan ngayon kung wala naman itong tiyak na kinabukasan?

Ang mga kabataang lumalaki sa simbahan ay hindi dapat iwanan na lamang basta basta. Hindi dapat mag-assume na maayos ang mga buhay nila dahil sila'y mga anak ng Kristyano. Katulad ng mga nasa labas ay spiritually lost din sila at may personal na relasyon sa Panginoon na iba sa kanilang mga magulang. Dapat ay patuloy na diligan ang mga binhi na itinanim sa kanila noong kami ay bata pa.

Ito'y responsibilidad ng lahat- ng mga magulang, simbahan at gayun din ang mga kabataan.


 

Tuesday, August 14, 2012

Visitors

Popular Post

Followers

- Copyright © 2013 Prisoner's Free -Metrominimalist- Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -