Monday, July 6, 2009

Isang puting cartolina sa kanang kamay, Oracle na books a kaliwang braso, isang box ng cake sa kanang kamay. Lowbat na cellphone sa kaliwang kamay dahil sa dami ng text at vagpack sa likod na punong puno ng mga regalo, mga sulat na tila ba namakyaw ako sa mga Ninong at Ninang- yan ang hitsura ko paguwi ko ng bahay.

Lubos akong nagpapasalamat kay Lord dahil sa binigay Niyang life sa'kin. Hindi nga biro ang magstay ng 20 years dito sa earth.. Sabi nga ni Leah.. "may adik na 20 years nang nabubuhay dito sa earth". Haha!

Nagpapasalamat ako sa Lord sa pagsubaybay niya sakin every step of the way. Sa mga paghihirap (meron ba?), problemang dumaan, sa mga kalungkutan at sakit sa heart na piangdaanan.. andun Siya palagi. Nagpapasalamat ako sa family na kung saan ako belong at sa mga friends na nakasama ko - mga old, new at maging sa mga nakakasama ko ngayon sa buhay ko..

Hindi ko talaga alam kung panu ko pasasalamatan ung mgakaibigan kong nagefort naman talaga ng todong todo para sa birthday ko... May mga dumadating na bati na wala pang June at mga pangyayari kanna sa school. Inumpisahan ni Leah Estrelles ang eksena kanina. Nagtext si Allan Basilio na kailangan ko raw makita si Ma'am Antonio sa Department at Urgent daw ito. Kinabahan ako ng todo dahil late na kong nagpakita duon dahil nagquiz pa kami at nagpaalam lang ako sa prof namin sandali. Pagpasok ko, andun pa si Ma'am Isip. Ayon. Yun pala, iaabot lang ung regalo. Pagbalik ko sa room, tumingin agad ako kay Leah..at sinabing.. "pakana mo un noh?" haha! binati pa ko ng klase at kinantahan pa. (tama nga ba, ganun nga ba ang sequence?). Paglingon ko kina Gee, nagbubulungan sila ni Kim. Hindi ko pa alam kung kanino galing 'yon. Pwedeng kay Josh kasi dun lang naman sa Department un. Anyway, inabot ni Manolo ung maliit na box na mukha talagang excited buksan. Pagbukas ko, waw! pick ang laman:) violet pa. Galing kay Leah..


ayan. 3 na ang pick ko. Hansaya:)

Anyways, ayon. Ang style naman ng Hopia - mga pakana pakana nila. Si Gee, sabi niya, natanggal na raw siya sa commitee ng church nila. May meeting sila kea kailangan niyang umuwi ng maaga. Si Banal, nawala rin kanina, sabi ni Chy, 'San na kea si Banal? Umuwi na 'yon!' na hindi maipinta ung mukha na parang naiinis na or what.. Si Ian, sabi niya, 'Oi, PJ, senxa na, wala akong gift seo' at si Gee, walang letter. Himala! Actually, ang totoo niyan pinagtatakahan ko si Meca. kay Meca talaga ko nagtaka kung bakit naman sumama pa siya dun sa Ice Cream Store - bago talaga un. At nararamdaman ko nang may something. Hopia pa! Imposibleng wala! haha!
Ayon, pagdating sa Ice Cream store -wala talang eksena. tapos, sabi ko, 'Tara, ang inet dito, uwi na tayo!'
sabay labas ang mga handa nilang mga binili sa gateway na pinag-ambagan nila na kasama pa ung pa-kain ni Ma'am Picones-Juanillo.
Sabay labasan ng mga regalo at letters. Nakakatuwa sila.
Surprise Donut and Cake Party :)
Natouch ako.
Andon sina Josh, Gee, Banal, Ian, Meca, Nelson, Chy, Leo, at AJ





Nattouch ako sa mga thoughtfulness ng mga tao.
Paguwi ko, ndi pa pala tapos ang lahat...




ayan. ung munting tribute ni Kenneth na sobrang natouch naman ako. Ilang beses ko ring pinanuod yan dahil una, tinitignan ko ung pictures lang..tapos, pangalawa, ung mga words. Hehe! Sweetness ng bestfriend ko ah! Pagka-online ko, tinanong ba naman ako, "Online ka na?" Adiktus rin eh noh?

Hanggang sa isa isa ko nang binuksan ung mga binigay nila.. at mga kasulatan.
Hindi ko alam kung sa'n nila kinukuha ung mga 'appreciation' nila sakin.. sabi ko.. 'ako ba talaga toh?' Hehe..
Natotouch talaga ko sa mga sinabi nila. Nakakaoverwhelm. Salamat kay Lord at may mga ganito akong mga friends..

Natutuwa rin ako sa mga walang humpay na mga bumabati.
Sa church, sa facebook, walang katapusang greetings sa YM, sa text, sa school..
Ang sarap ding makantahan ng 'Happy Birthday'.. hehe:)

Sa pagkain sa bahay. Sa ginawa ni Rana na desert :) Super appreciate talaga:)

haay. Happy talaga ang birthday..

SALAMAT friends:)

Visitors

Popular Post

Followers

- Copyright © 2013 Prisoner's Free -Metrominimalist- Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -