Archive for December 2015
Ikaw Ang Alabaster Jar Ko
Minsan inisip mong isuko na yung pinakaiingatan mong lovelife sa paanan ng mismong Nag-akda ng Pag-ibig. Para itong laman ng Alabaster Jar. Ang pinakamabango, pinamainam, pinaka-iingat ingatan, pinaka-pinagipunan, pinakamalapit sa puso mong handog. Iyon nga lang ang mayroon ka. Nagiisa. Sasabihin ng marami sa paligid mo, nasa iyo na nga, pinakawalan mo pa. Iyon lang naman ang naglalaman ng iyong puso, seguridad at reputasyon. Pero bakit mo na ba iyon ibubuhos sa paanan ng iyong Panginoon?
Noong panahon ni Jesus, ang Alabaster Jar ay ibinibili kapag ang isang babae ay nakarating na sa edad kung kailan pwede na siyang mag-asawa. Ang pamilya niya ay pupunuan ito ng ointment na katumbas ng yaman ng pamilya. Ito'y bahagi ng kaniyang dowry. Kapag ang lalaki'y pakakasalan siya, ang tugon niya'y babasagin ito sa paanan ng lalaki. Pagpapahayag ng honor o galang sa lalaki.
Nang binasag ni Ate Mary ang Alabaster Jar sa paanan ni Jesus, para na din niyang pinatay ang kaniyang pagkakataon para mag-asawa. Hindi lang iyon. Binigay niya ang kaniyang reputation. Binigay niya ang kaniyang buong puso.
Sa panahon natin ngayon, parang sakit ang maging single. Lalo naman yung tumandang dalaga o binata. Para bang pinapahayag nito na walang nagkagusto sa iyo o parang sinasabi na hindi ka masaya. Parang nakakasira ng reputation. Iniisip din ng karamihan na pag-single ka, kailangan mong ma-warn dahil wala kang security na may kasama kang tatanda. Para bang walang nagmamahal sa iyo. Nakakadungis ng Reputation. Wala kang seguridad. At walang source ng Pag-ibig.
Pero bakit nga ba binuhos ni Ate Mary ang laman ng kaniyang Alabaster Jar sa paanan ni Jesus? Dahil para sa kaniya, si Jesus ang kaniyang Reputation, Seguridad at Pag-ibig. Para sa kaniya, sobrang worth-it ni Jesus at alam niyang wala na siyang iba pang masmainam na maiaalay kundi ito. Hindi man siya naintindihan ng mga tao no'n at tila kasayangan sa mata ng marami, ito ay lubos na tinanggap ni Jesus.
Kung mapagdidisyunan mong nang sabihing "Ikaw ang Alabaster Jar ko" at basagin na sa paanan ni Jesus dahil siya na ang nagiging mas bida na siya sa buhay o kaya'y hindi pa tama ang panahon, sige lang. Hindi ito para itorture ang sarili o maging single forever lalo na kung hindi naman iyan ang kalooban sa iyo ng Panginoon. Pero ito'y para malaman mo na si Jesus ang pinagmumulan ng iyong buhay at pag-asa. Masakit ito pero hindi naman sayang. Kahit alam mo kung gaano kamahal, kaimportante at kalapit sa puso mo. Kahit na hindi ka maintindihan ng marami. In the end, kahit na iyan pa ang pinakamabago, pinakaiingatan, pinakavaluable mong source ng reputasyon, seguridad at pagibig, malalaman mong hindi pa rin iyan papantay sa halaga ni Jesus.
Wednesday, December 2, 2015