Archive for April 2015
Crush Na Nga Lang, Na-BroBroken Hearted Pa?
Hindi kayo pero nagmomove on ka. Ang lapit lapit niya lang pero ang layo layo naman. Dati, masaya ka na pag andyan siya. Nakakausap. Nakabonding. Nasusulyapan. Kaya lang minsan, hindi talaga constant lang ang mga nangyayari sa buhay ng tao. Nagkakatsunami, nagroroad construction, forest fires, nagkakalason ang milk tea, at dahan dahan kang napapalapit sa kaniya. Maaring kalikasan ang may gawa. Pero madalas ring ikaw.
May 4 na common stories na nangyayari kapag nagkaka-crush ang mga tao ngayon.
1. Umasumera:
Nung nakita mo na tinignan ka niya, feeling mo, crush ka na din niya. Kahit saan siya umupo-sa tabi, sa tapat o sa likod mo, feeling mo, may meaning. Nagka-group kayo sa research work, feeling mo, sign na from the Lord. Isang araw sa library, sabi niya, “Kain na tayo", kala mo "I love you" (True Story sa Barkada namin). O kaya pag nagsheshare siya sayo ng mga keme niya sa buhay dahil comfortable lang siya sayo, iniisip mo, "Bat kaya siya nagsheshare? Suitable partner ba tingin niya saken?"

Pero minsan sagap na sagap na talaga ng mga wind vanes mo ang mga palipad hangin niya. Subalit bakit nga ba isang araw, bigla kang iniwan sa ere. Hindi man lang nagpaalam. Bigla na lang nanlamig. O kaya magkwekwento na lang na may bago siya. Awwww. Bat ganon?
2. Bestfriendzone
Bulok na to pero uso pa din. Crush mo tas ibebestfriend mo. Ang totoo niyan, gusto maging ka-close. Kasi kapag close na kayo, may dahilan ka para mag show ng care. At sana magka-care din siya sayo. Hopeful ka na baka dumating sa point na mapansin ka niya. O kaya kahit papaano ay mahalin ka niya o maging importante ka sa kaniya.. kahit hanggang kaibigan lang.

Minsan kahit hindi naman bestfriend e. Basta maging close lang. Minsan astang superhero ka. Laging andiyan kapag kailangan. Gagawin lahat. Ililibre pa. Pag nagtext siya, mag-uunli ka. Pagnag-chat siya sa madaling araw, gigising ka. Hindi talaga matanggihan.
3. Meron bang makapag-sasabi?
May time na gustong gusto mo nang ilabas lahat ng nararamdaman mo. (Kung babae ka) Kasi baka torpe lang talaga siya. O dahil baka iniisip mong ikaw lang din ang hinihintay niya. O minsan wala lang talagang purpose. Basta makapag-sabi lang. Wala. Walang plano.

Pero minsan, kahit hindi mo sabihin. Invest lang. Bigay lang ng motive. Noong college ako, mayroon akong magagaling na mga kaibigan na pinagkalat yung crush ko. Gumawa ng post doon sa bulletin board ng college/department namin. I-announce kung sino crush ko. Nagkaroon ng kulay ang lovelife ko weeks after. Pero alam kong hindi authentic dahil grinab lang naman ni crush yung opportunity na may nagkacrush sa kaniya. Ang ending? Wala. Nganga. Nagkasakitan lang kami.
Ano bang nangyayari sa kanilang lahat? Si #1 nag-assume na mayroong something yung crush niya sa kaniya. Si #2, isiniksik niya ang sarili niya sa mundo ng crush niya para mapansin siya. Si #3, Umamin at naginvest kasi umasa na mayroong mangyayari. Lahat sila ay may dalawang Greatest Common Factor: Umasa sila at Hindi nila naguard yung (re)actions nila.
Ano yung #4 scenario?
Naattract ka pero walang halong chenes. Yung pagkaconfirm sa hypothalamus mo na.. "Oo, crush ko siya".. ay icleaclear out mo yung mga level ng hopes at boundaries mo.
Pwede ka naman kasing maattract. Walang masama don kasi tao ka.

Pano? Maglevel down ng expectations. Maniniwala ka lang na may something na siya sayo kapag sabi niya at ginawa niya. Tandem iyan: salita at gawa. I-tone down mo din yung hopes mo for future na kasama siya. Kapag lumilipad yung imagination mo na magiging kayo at nag-whawhat if's ka na, ibig sabihin, naguumpisa ka nang umasa.
Kung alam mong hindi ka pa ready na sumalakay, magset ka ng perimeter mo kung hanggang saan ka lang gagalaw. Wag yung bigay ka ng bigay ng kung anu ano, walang tulugang chat at 24/7 Unlimited Sun-to-Sun text and call pa kayo. Investment iyan at malakas maka-feed ng emotions. Mahirap mauna sa tamang panahon. At ang tamang tao sa maling panahon ay maling tao.
So yun. Chillax lang. Pwedeng ma-attract pero i-guard and puso, i-purify ang mga motives at salain ang kaisipan.
Thursday, April 23, 2015