Archive for February 2014
LEAD. Don't MisLEAD.
Surrounded ako ng mga Christian Singles. BTW, ang season na ito ang pinakamasaya at kilig season of all (na naabot ko sa talambuhay ko). Eto kasi yung moment na free ka na daw ma-inlove dahil graduate ka na sa "Hindi ka pa pwedeng mag BF/GF, nagaaral ka pa" sermon. This is the moment! Mas kilig pa 'to sa high school dahil may sarili ng pera pang date. Samahan mo pa ng mga supportive parents na mas excited pa sayo: "Gorarats, Anak! Humayo ka nang dumami tayo!" At ng mga spiritual family mong katuwang mo sa pagprepray.
Pero may napansin ako. Tila ang taas ata ng rate ng mga uma-ouch baby sa atin?
Dahil nasa loob tayo ng church at nasa loving community tayo, hindi natin naiiwasan na mag-show off ng pagmamahal at care sa mga kapatid natin sa opposite sex. At dahil may pagka personal pa ang trabaho kasi ministry, hindi maiiwasang maging close at tumibok ang puso.
Hindi porket graduate ka na't working ay handa ka nang magcommit. Marami pang inaayos sa buhay at kailangan pang magpa-mold kay Lord. Eto ang dahilan kaya't merong mga singles na hanggang palipad hangin na lang at may mga taga-assume na lang din. Ang daming nalilito: "Puwede na kong pumasok sa relasyon pero di ko pa ata kaya".
Dahil "the heart is deceitful" (Jer 17:9) pero "eveything you do flows from it" (Prov 4:23), madalas unguarded ang mga actions natin. Masmadaling sundin ang sinasabi ng puso e. Hindi ka nga nagpupursue, invest ka naman ng invest sa Love Bank niya. Nagbubuhos ng time, energy, effort at pera pero walang follow through ng commitment. At dahil walang commitment, assume-nganga mode ang karamihan lalu na mga babae. At dahil ayaw mawala ang tender care na pinapakita ng guy, tahimik na lang sa isang tabi. Minsan, umaamin ng feelings hoping na mag-next level. Pero dahil hindi pa ready yung isa, "Sorry. kapatid lang talaga."
Madaming emotionally attached, intimate at freely nagdidisclose ng mga personal issues pero undefined ang relationships. Pag niyanig at naghiwalay, merong "Move on" peg kahit hindi naman sila. Bakit? Kasi naginvest at walang ROI (Return of Investment).
Anong dapat gawin?
Una, Bago maghanap ng Mr. o Ms. Right, magfocus kay Lord na siyang magfifill up ng Love Bank mo. Kapag puno ang Love Bank mo, secured ka. Kapag secured ka, hindi mo kinocompara ang sarili mo sa iba at hindi ka nagcoconform sa patterns ng mundo. Mas nakikinig ka kay Lord na okay lang kahit 'di high end ang gadgets mo. Dahil diyan, mas nakakapag-ipon ka para sa future. Pag financially ready ka, nagkakaroon ka ng dagdag confidence para pumasok sa relasyon.
Mas nagiging cooperative ka din sa pagmomold sa iyo ni Lord para maging Mr/Ms Righteous. Focused ka sa mga pinapagawa sayo ni Lord. Hindi mo kailangang umalis para maghanap ng someone. Kapag umalis ka sa pwesto mo, hindi ka makikita ng naghahanap sayo.
Pangalawa, dumikit sa mga masnakakatanda. Lumaki tayo sa henerasyon na hindi na natin kinokonsulta ang mga oldies dahil old fashioned na sila. Kelangan nating matuto sa mga pagkakamali nila para maputol ang mga generational sins. Ilang beses ding sinabi ni King Solomon, the wisest dude, na makinig sa mga magulang (Proverbs 1:8,4:20). Kailangan natin sila at kailangan natin ng may nagbabantay sa atin. Kapag may mga bagay na hindi natin kayang sabihin sa kanila o iexpose sa liwanag, indication na may something wrong.
Pangatlo, dumikit sa mga kabaro. Personally, challenge sa akin ito. 70% ata ng mga friends ko ay puro mga lalaki. Pero thankful ako kay Lord dahil may mga girlfriends pa din na 24/7 available para sa principled daldalan para sa mga correction. Para silang mga doktor na nagchecheck up saken kung okay lang ba ang takbo ng mga isip at emotion.
May Queen Bee Syndrome ang ilang mga kababaihan. Madalas mas gustong sumama s mga guys dahil "ayoko sa kanila (ibang babae) kasi ang aarte nila". Personally, di ako bilib sa boy-girl na magbestfriend, unless mag-asawa. Minsan umpisa pa lang, iba na motibo. Minsan, nagkakadevelop-an sa dulo tas walang commitment.
Gaya ng sabi ko, marami akong guyfriends. Dahil kapatid sila at nagvolunteer akong protektahan sila, walang special treatment kahit crush ko pa. Ayoko ngang ibigay ang rightfully belong kay Future Husband at ayokong i-mislead sila. Isa pa, mga kumare-sa-future ko ang mga mapapangasawa nila. Ngayon palang, kailangang i-sure na mapagkakatiwalaan nila 'ko.
Lastly, isettle ang mga dapat isettle. Humarap sa salamin at alamin kung ano ba talaga ang real deal na dapat ayusin. Siguraduhin mong "gift" ka din sa "gift" na hinihingi mo.
LEAD. Don't MisLEAD.
Saturday, February 1, 2014