Archive for December 2013

Opportunities

May pintuang nagbukas. Magandang opportunidad. Pag tinanggap ko 'yon, makukuha ko lahat ng gusto ko. Marahil matupad ang mga pangarap ng nanay ko. Pero di ko tinanggap. Sayang! Ako na nga siguro ang pinaka-walang-isip para tanggihan iyon. Di ko kasi kayang ipagpalit ang direction ko para lang sa materyal na bagay. Di ko kayang ipagpalit ang kwento ng buhay ko sa mga pangarap ng iba para sa akin. Higit sa lahat, hindi ko pwedeng baliin ang mga bagay na pinahahalagahan ko. Masakit para sakin na pakawalan ito. Ang hirap magdesisyon. Ang alam ko lang, sumusunod ako. Opportunities reveal the hidden things inside a person's heart. Sacrifice is giving up something you love for something you love more.
Wednesday, December 18, 2013

Feels Like David In His Shepherd Boy Years

Minsan, nagkwentuhan kami ng isang ka-parallel ng pangarap,
"Kelan ka magpupublish ng libro?" tanong ko. 
"Hopefully, next year. Ikaw, kelan ba?", tanong niya din.

Sumagot ako ng "After four years pa.. or more"
"Bakit ang tagal?", pagkagulat na tanong niya. 
Hindi ako nakasagot. Nahiya ako.

Highschool pa lamang ako, isa na sa secret dreams ko ang makapagsulat ng libro. Hindi ako magaling magsulat at wala din naman akong experience. Hindi ako journ student at wala din akong kinocontribute sa mga newsletters sa school. Ang praktis ko lang ay magsulat ng letters kapag gusto kong humingi ng tawad sa mga magulang o magbigay ng mga advices sa mga kaibigan ko. Pakiramdam ko, ako si David na shepherd boy na walang proper training para pumatay ng higante o kaya maging hari. 

Dahil iba naman ang tinahak kong career, unti unting namatay ang pangarap kong iyon. Not until na nameet ko ang aking Lovestruck Mentor na nagturo sa akin ng napakadaming bagay at ginamit ni Lord para maintroduce ako sa mga libro at sa mga taong hindi ko aakalaing makikilala ko. 

Ngayon, alam ko sa puso ko na may isang araw na dadating at makakapagpublish din ako ng libro. Parang ang sarap magteleport sa mga araw na iyon dahil alam kong mahirap ang dadaanan ko. Ayaw kong madaliin dahil ang nagmamadali ay natitinik ng malalim. 

Palaging hinahabilin sa amin ni Mentor na magipon ng experience. Ang experience kasi ang nagbibigay buhay sa mga isinusulat. Dito nakakarelate ang mga tao. Dito tayo natututo. Lalu na yung personal at first-hand. Sabi nga ng guest-mentor-of-the-day namin, What's most personal is most universal. Kung anong nararanasan natin ay most likely, naeexperience ng ibang tao, ng mga potential-readers.

Masyado daw entitled ang generation natin ngayon. Ang sarap maging author ng libro habang bata ka pa. Pride mo 'yan eh. Ang sarap kayang maging young achiever. Pero sabi nga ng isang guest-mentor-of-the-day,"Pag may libro ka na, parang multo mo 'yan. Dala dala mo yung mensahe. Dapat ikaw mismo yung mensahe". Madali naman talagang magsulat, lalu na kung bright at matalino ka. Madaling makamina ng bagong wisdom na hindi pa nakikita ng iba. Pero napakahirap mag-apply. So bago ako ma-excite-much na ipakita sa mga tao ang newly-found-point ko, dapat siguraduhin ko munang dumaan ako sa apoy at kinakatawan ko ang mensahe nito. Sabi nga ni Andy Stanley, "It's easier to make a point than to make a difference".

Elibs ako kay Tolkien, author ng Lord of the Rings, na naghintay ng 17 years para lang marelease ang libro niya. Di kaya inisip niya na patience is a waste of time?  Imagine kung ilang re-writes at edits yon. Alam niya kaya na sa pagpopolish ng craft niya ay tatagal ito ng more than 50 years? Alam niya kaya na hanggang ngayon, madami pa rin ang nagbabasa at nanonood ng mga scenes na naging laman ng imaginations niya?

"Vanity Writing ang tawag sa mga nagsusulat for the sake lang na magkaroon ng published book", sabi ni Ms. Beng Alba-Jones. Minsan daw kung anong "theme of the season" sa buhay ng isang author, iniisp nito na pwede nang iconsider na book proposal. Minsan, walang depth, passion o  purpose. Walang buhay. 

"Dapat handa kang sumikat", bilin ni Mentor. Madami daw kasing kinakain ng kasikatan at bumabagsak. "Sucess is sweet. But if handled incorrectly, it can have a bitter after-taste", reminder noong OMF Lit Fellowship

Para sa akin, napakalaking stewardship nito. Parang promised land na inaangkin ko at dapat paghandaan. Hindi ko alam kung kailan iyon dadating o kung iaallow ba talaga ng Panginoon na mangyari. Pero parang David in his shepherd boy years at masmatagal pa sa youtube ang buffering ang buhay, dapat maging faithful sa Master na nagkaloob ng talent at sa the One na nagblue print ng aking divine destiny. 
Wednesday, December 11, 2013

Visitors

Popular Post

Followers

- Copyright © 2013 Prisoner's Free -Metrominimalist- Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -