Archive for February 2013
Anong gusto mo sa?
Pag tinanong mo ang isang tao kung ano ang hinahanap niya sa isang partner, bihado ay bibigyan ka niya ng mahabang listahan ng mga expectations. Ngunit kapag tinanong mo siya kung anong maiaalay niya sa kaniyang mamahalin ay tila mas marami pa ang daliri ng manok kung bibilangin.
Ang mga babae, gusto nila sweet, sensitive, gentleman, mayaman, gwapo, etc. Ang mga lalaki naman, gusto nila ng maganda, understanding, magaling magluto, matalino, sexy at madami pang iba. Malaki ang inaasahan sa bawat isa. Kulang na lang ay maghanap ng perpekto. Umaasa ng Mr. Right o Ms. Right.
Tandaan natin na ang Love ay hindi self-seeking (1 Cor 13:5). Hindi ito patungkol sa kung anong makukuha mo sa partner mo. Hindi ito naka-tuon sa kung anong mabebenefit mo sa kaniya. Sabi nga nila, mas madali tayong masaktan ng mga taong mahal natin. Bakit? Dahil sila ay extention ng kung sino tayo at nagse-set tayo ng mataas na expectation sa kanila. Kapag hindi nila naabot ang mga ito, madalas nagkakagulo at nasasaktan tayo.
May mga lalaking pumapasok sa relasyon dahil gusto lang na may mai-display. May mga babaeng nagbo-boyfriend dahil gusto lamang ng taga-bitbit ng bag o kaya'y taga-libre ng pamasahe. Huwag ganon! Ang partner ay hindi tool. Siya ay minamahal at pinaglilingkuran. Hindi ginagamit. Ikaw ang complementary angle niyang 58 degrees kung siya naman ay 32 degrees upang makabuo ng right angle. Kung para saan man ang right angle na iyon, si Creator ang pangunahing nakakaalam dahil ang goal ng ating mga relasyon ay para iglorify ang Panginoon at hindi ang ating mga sarili.

Sunday, February 24, 2013