Malapit ng magpaalam ang taon. Ang bilis. Parang kelan lang noong nagbabalik tanaw ako sa taong 2011. Ngayon 2013 naman ang kinapapanabikan. Sa listahan ko ng mga request kay Lord ngayong 2012 ay madami na namang sinagot si Lord. Lubos akong nagpapasalamat dahil mga plano Niya ang nasunod at mas malaki pa sa mga inaakala ko ang kaya Niyang ibingay. Patunay din ito na binago Niya ang laman ng aking puso at mga naisin.
Gaya ng mga nakaraang taon, ibinigay ni Lord ang aming family request. Dumating si Goldy, isang Mitsubishi Galant, sa amin hindi pa man nangangalahati ang taon. Binigay ito ni Lord sa Kaniyang tamang timing. Hindi lamang iyon ang grinant ni Lord. Nagprovide din Siya upang kami ay makapagbakasyon kasama ang iba naming mga kamag-anak.
|
Laiya, Batangas |
Ngayong 2012 din ay nakapag-libot ako sa labing-dalawang (12) iba't ibang lugar dito sa Pilipinas. Nakita ko sa sariling mga mata ang greatness Niya at kagandahan ng Kaniyang mga ginawa. Naenjoy ko ang mga masusungit at tahimik na dagat, sampal at laming ng hangin, mapuputing buhangin, over over over looking, naglalakihang rock formations, mga bituin na parang naka-retina display at madami pang iba!
|
Pristine Beach, Puerto Princesa, Palawan
|
|
With Kids at Abongan, Palawan during our Mission Tour |
|
Kapurpurawan |
|
Pagudpud |
|
with CPI Friends @ Grande Island, Subic |
Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil inalagaan Niya ang aking career. Napromote ako at nakaranas ng 3 salary increases. Gumawa rin Siya ng paraan para ako'y matuto. Ipinakilala niya ako mula sa lumang technology hanggang sa bago ngayon.
|
With some of the college friends @ Vigan, Ilocos Sur |
Nasaksikhan ko rin ngayon ang spiritual growth ng aking mga kaibigan. Masaya akong unti unti silang nagiging involved sa church at ministry. Masarap sa pakiramdam na hindi na ako nagiisang Kristiano sa barkada. Hindi na mahirap makipagkwentuhan ng mga bagay na tungkol sa Kaniya.
Nagpadala si Lord ng isa sa malalaking blessings sa buhay ko. Si Pastor Ronald Molmisa. Inallow ni Lord na mag-krus ang landas namin at maging mentor ko siya. Noong una'y sa pagsusulat. Ngayo'y sa iba't ibang bagay na rin lalu na sa ministry. Isinama Niya ako sa pag-advance ng Kaniyang kingdom sa buhay ng mga kabataang Pilipino. Nagpapasalamat din ako sa Panginoon dahil ipinagkatiwala Niya sa akin ang spiritual growth ng aking mga disciples at ang pagdami ng mga disciples sa Youth Ministry ng church.
|
With Lovestruck Movement Core Team |
Isa rin sa mga masasarap na blessings ni Lord ang patuloy na pagbabago Niya sa akin, sa patuloy na paglilinis sa aking puso at pagtatanggal ng mga hindi kaaya-ayang bagay sa akin. Patuloy Niya akong tinuturuang magmahal, magpatawad at magpakumbaba. Lubos akong nagpapasalamat sa Panginoon dahil binuksan Niya ang mga mata ko sa mga bagay na malalapit sa Kaniyang puso.
Hindi nawawala ang mga sakit sa puso, crying moments, higpit ng sinturon ng taon. Pero salamat sa Panginooon dahil sinamahan Niya ako sa mga panahong ito. May mga panahon mang nasusugatan ako noong 2012, ngunit alam kong ito'y dahil sa kagustuhan ni Niya upang mahubog ako.
Muli, Salamat Lord. Salamat sa bawat pagkakataong ipinakikilala Mo ang iyong sarili sa akin. Maraming salamat sa pagmamahal mong hindi nagbabago at sa pagiging tapat Mo palagi. :)