Archive for February 2012

Big Balloons Experiece










Friday, February 10, 2012 - Sobrang excited na talaga kong umalis. Dala ko lahat ng gamit ko papuntang office & nagka-count down sa sobrang pagka-excite...

Kasama ko ang mga ka-ministry ko, ang mga Creative WERKS ppl ng Marikina Christian Fellowship. To make the story short, 1030 PM na kami nakaalis ng sibilisasyon, kumain sa McDonald's Mindanao Ave para magdinner at nakarating ng 1:00 am, February 11, 2012 -  sa Lourdes Heights  Subdivision upang makitulog.

4 AM ang usapang alis namin para maaga pa kami. 3:30 pa lang, gising na kami. Excited si Miguel, sabi niya, "Tara na, takbo na tayo don". Yung iba, ayaw pang magising, niloloko na namin na, "Andyan na ung mga balloons sa labas". Not knowing na napakalayo pa pala namin. Halos 5 AM na rin kami narating sa field at sooooooobrag dami nang tao. Medyo ilang layers na rin ang mga tao mula don sa edge ng bakal. Pero siyempre, nakapwesto ng magaling ang lola niyo kaya nakapwesto pa rin ako sa pinakaharap. Sarap. Sulit!

Naglalakihan ang mga lenses ng mga photographers sa tabi ko kaya sobrang nahihiya naman akong maglabas ng camera ko. Akala ko noong una, hanggang tingin na lang ang mga mata ko, pero dahil once in a lifetime este a year pala ito, sige na ! picture na. Etong ilan sa mga nakuha ko










Syempre dahil first time iyon, marami akong napansin na mga hindi inaasahang bagay:

1) Ang mga Pilipino ay hindi talaga late. Ayon sa parking ppl don, 2-3 AM pa lang ay nagpupuntahan na ang mga tao. No wonder na magdating namin ng 5 am don ay marami nang naroon.

2) Magdala ng tent, sapin, karton, sun block, kumot, unan, kahit anong mapaglilibangan, extra batteries ng camera. Sa mga hindi pa nakakapunta, mejo weird na bakit parang may tulugan kang dala. Oo - maraming guamgawa nito. SiguroĆ½ sa sobrang dala ng pagod ay naglatag na ang mga tao. Kaya, nakigaya na rin kami. :) Sobrang tindi ng init ng araw-asahan na iyon.

3) May mga stuff, food & kung ano anong mabibili sa loob. Wala namang problema sa presyo nila, halos pareho lang sa labas kaya hindi hussle.

4) Asahang maliligo sa alikabok ang inyong sasakyang dala. Dusty sa parking space nila hindi sementado eh.

5) Sa sobrang daming tao, umasa ng heavy traffic & ayaw magbigayan papalabas sa parking.

6) Asahan din ang sobrang daming tao sa mga fastfood chains lalu na papauwi.

Visitors

Popular Post

Followers

- Copyright © 2013 Prisoner's Free -Metrominimalist- Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -