Archive for August 2010

Apply ka ng apply! - Pointers para sa mga fresh grad

I'm a fresh IT Graduate galing sa isang hindi kilalang paaralan ngunit mahusay naman. I've been searching and applying for months. I have experienced a lot and already gained knowledge from Do's and Don't on applying. Now, I wanna share these things to you. Hope it'll help you.

Know what do you want. Know what do you want to be
If you want to be a programmer, why would you apply for an encoder or TSR position?
--- sayang ang panahon na gugugulin mo sa isang bagay na hindi mo gusto o ndi mo naman pinangarap.. tapos, maiingit ka lang sa ibang tao na tumutupad ng pangarap mo

HR's motto: "Get the Best, Avoid the rest".
Kung ganyan ang motto ng HR, bakit hindi natin gayahin.
Select the Best companies first. Mag-reseach tungkol sa mga feedback ng mga people sa isang certain company. (i.e. Pinoy Exchange) Mahirap kasi na pag-andon ka na, saka naman mag-aalburoto yung kaluluwa mo, tapos, ayaw mo naman pala.
--- sayang ang pamasahe mo, pipirma pirma ka ng kontrata, ayaw mo naman pala!

Maganda na yung kumuha ng konting kaalaman mula sa mga taong nakapagexperience nang magtrabaho doon.. Ofcourse, alam nila lahat, mula sa sweldo, working environment at mga kalarakaran.ˆˆ Kung nakita mo nang maganda ung feedback sa company na yon.. Gorabells ka na! Pero tandaan mong walang perpektong kompanya. Maging contended. Kung elevator lang ng building ang ayaw mo, magiinarte ka pa ba?
--- sayang ang opportunity, sige ka!

Mahirap din ung masyadong maraming company.. Bakit?
Halimbawang nagpunta ako sa isang company para mag-exam, dahil alam kong may iba pang companies sa listahan ko, ang magiging mindset ko ay: "okay lang na ndi ko to mapasa, marami pa namang iba diyan".. hanggang sa nasasayang at nasasayang lahat ng pagkakataon mo sa earth...
--- sayang lang ang pamasahe mo!

Mas masarap na yung umuwi ka, galing exam at may hope kang kasama na schedule mo for next interview or whatever.. kesa naman ung nagpunta ka sa maraming company na pareparehong walang nangyari.

Prepare.
Kilalanin mo ang sarili mo.. ndi maiiwasan ang tanong na "Tell me about yourself".
Wala nang ibang nakakakilala sa sarili mo kundi ikaw. Kung maari, ioutline mo ung speech mo para sa sagot na ito. Kaya rin kasi laging kasama ang "Tell be about yourself" ay dahil dito tinitignan ng HR kung paano mo inoorganize ang thoughts mo. :)

Maghanap ng mga sample exam sa internet at magpractis. Maraming company dito sa Pilipinas ang parepareho ang exam. Harvard Exam at ang Programmer's Aptitude Exam na gnagamit ng __, ___, ___, at ___ :)

Magbasa. Magsearch sa internet ng mag posibleng tanong ng HR.
"Why should we hire you?" , "What's your strengths and weaknesses",etc.

Kailangan din ng self confidence at angas ng loob. Pero wag naman to the point na nagyayabang ka na. Iadmit sa sarili mo na kailangan mo sila para matrain ka pa. Gawin mo ang lahat para magmukhang "BEST". (Tandaan ang motto ng HR). Gumawa ka ng paraan para masabi mong "pag pinakawalan niyo ko, magsisisi kayo. hahahah!!"...

Importanteng ang pagiging mukang professional. Dito nalalaman ng HR na ikaw ay matured na.

Makinig ng mabuti sa sinasabi ng interviewer. Kadalasan, may mga makakalimutan kang mga tanong niya. Huwag kabahan para makapag-isip ng mabuti.

Wala nang mas masarap na feeling kundi ang magkaroon ng Job Offer.
Pag nagkaroon ka na ng isa. Try mong mag-apply sa iba kung may time pa..
Doon ka na pwedeng mag Collect and Select.

Doon, pwede mo nang isaalang alang ang mga bagay tulad ng "Cashunduan", Location, Career Growth at marami pang iba..

Ang pagsasama ng friends ay isang medyo delikadong bagay.
Ang pinaka "nakakatuwang" naranasan ko ay nagsama ako ng 2 mas magaling sakin sa interview ko.. It turned out, na sila pa ung nakaabot sa proceeding procedures. Nagttrabaho na nga ung isa actually, at hindi pa ko nililibre. Lols.

Masaya magsama ng friends. Lalu na dun sa pasahan lang ng resume na lakaran.. Pero dadating din ang time na paunti na lang kayo ng paunti. haha!

At ang pinakamahalaga sa lahat: Pray. Hingin mo kung anong will ni Lord at kung saan ka niya talaga ilalagay. For sure, kung saan man yon ay un ang best para sayo.ˆˆ.

Commit to the Lord everything you do and your plans will succeed. - Proverbs. 16:3
Monday, August 9, 2010

Unemployed Employed


Ilang araw. Ilang buwan.
Napakahirap maghanap ng trabaho.
Nakakasawa na kung minsan.
Nakakapiga ng utak ang mga exam.

Minsan, kakainin nila ang oras mo.
Ipagdadasal mo pero papa-asahin ka lang rin pala.

Sa bawat paguwi mo na wala kang dalang balita.
Maiisip mo kung saan ka nagkamali.
Maiisip mo kung saan ka nagsayang.
O yun bang dapat hindi ka na lang nagpunta o nag-aksaya ng panahon..

Pero habang pinaghihintay ka.
Habang nag-apply ka sa iba't iba...
Sa bawat tanong sayo ng 'Tell be about yourself'
Saka mo marerealize kung ano ba talaga ang gusto mo.
O kung sino ka ngang talaga.

Wag na wag magsasawa.
makakamit mo rin
ang pinakaaasam mong "Job Offer"
Thursday, August 5, 2010

Grow

may mga bagay sa mundo na kailangan nating hintaying sumibol.
ang mga bagay na hindi natin kailangang madaliin.
at kung hihintayin natin ang pagkakataong iyon...
makikita nating ang kagandahan nito

it will be all worth waiting for.

Visitors

Popular Post

Followers

- Copyright © 2013 Prisoner's Free -Metrominimalist- Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -